Followers

Showing posts with label happy. Show all posts
Showing posts with label happy. Show all posts

December 29, 2010

my 2010 (part 2)

may


-hindi ko na itutuloy ang maitim kong plano. that's bad. baka isumpa ako to death ni B.
-iinom na lang ako ng grabengsuperdamidimokayaakolangmaykayanun na alak.
-binura niya ako sa friendlist niya. :(
-binura ko lahat ng taong konektado sa kanya. move on, man!
-naglumandi.
-naglumandi ng naglumandi.
-nakilala sa N.
-may 31, 2010: kami na ni N.
-goodluck sa kanya. i mean, seriously, goodluck sa kanya.


june


-pasukan na naman! at yeah! pasukan na naman. LOL
-kami pa din ni N. still thinking about B.
-ngayon lang ako naka-encounter ng paranoid. parang gago si N. ftw. (fuck that whore)
-after 13 days, nakipaghiwalay kay N. sabi niya, "anong kailangan kong gawin para balikan mo ko?" sabi ko, "simple lang. maging ikaw si B."
-na-challenge ata si tanga. at tanga nga talaga. hindi naman siya pwedeng maging ibang tao eh.
-for some strange reason, nagkausap si B at si N. nagkapalitan pa ng numbers. ewan ko sa kanila.
-gusto ko ng matahimik!
-nag-aaral ng mabuti. ang bait ko eh.
-hindi ko maintindihan kung bakit kung kailan handa na akong kalimutan siya, saka siya nagsa-something.


july


-lumandi. met D and K.
-di ko sila pinagsabay..kung yan ang iniisip niyo. marurumi kasi ang isip ng mga tao sa blogosperyo. sige, ako ng pokpok! ako ng bitch!
-nag-aaral pa rin ng mabuti.
-iniisip si B ng mabuti (?)
-nothing much happened.
-natutong mag-DOTA. yey!




august


-happy birthday K.
-DOTA.
-DOTA.
-DOTA.
-B.
-inom, dota, b, inom, dota, b.
-paulit-ulit na. nakakasawa.




uy abangan ang part 3. alam ko, lame tong part 2. kasi wala talagang nangyayari. as in! peksman! tanggalan man ako ng titi! lol

November 4, 2010

brewing something pala ah?

kung napapansin niyo, paiba-iba ang mga pinaglalalagay kong header dito sa blog ko. minsan, Caloy is ganito, Caloy is ganyan. ang bawat header ko ay may kaakibat na dahilan. (yes! kaakibat! ang bigat nun!) at itong header ko nga ngayon na "Caloy is brewing something" ay may malaking kinalaman sa nangyayari sa akin ngayon.


about a week ago, nagka-topak akong magpasa ng resume sa starbucks via online. wala lang, to have something new lang. masabi lang na nag-apply ako. pero seriously, gusto kong mag-apply para sa mga luho ko. ayoko na kasing perwisyuhin ang nanay ko para magpabili ng kung anu-anong ka-ek-ekan. (joke! nag-apply ako kasi ayoko ng mag-aral!) gusto kong maranasang kunita ng sariling pera na hindi umaasa sa mga kapokpokan ko. gusto kong maranasang buhayin ang sarili ko. gusto kong maranasang tumayo sa sariling mga paa. at yeah, to have something new talaga.


sunday ako ngpasa ng resume. monday evening, naka-receive na ako ng text message na may interview ako kinabukasan sa main office. tuesday afternoon, pasado ako sa initial interview. wednesday morning, in-interview ako sa magiging branch assignment ko (6750) and wednesday afternoon, in-interview ako ng district manager sa main office uli. at oo, hired na ako nun.


wala lang. parang this is too good to be true. ang bilis eh. feeling ko, may kaakibat (yes, kaakibat na naman!) na karma `to. ewan ko kung anong karma yun. basta ramdam mo naman na sa sobrang ganda ng mga pangyayari sa'yo, alam mo na may babalik na masama. ngayon, ayoko ng isipin kung ano yung masamang yun.


pero di bale na. magti-training na naman ako sa monday. medyo kabado nga ako eh. feeling ko, marami akong magagawang mali. feeling ko, wala pang two weeks, masi-sisante na `ko sa pakshet na trabahong yun. pero naka-cross fingers na `kona sana tumagal ako. wala lang. mukha kasing masaya dun kasi marami daw gwapong barista kasi marami daw benefits.


at ang isa pang nakaka-FML, eh yung putanginang paglalakad ng mga putanginang papeles na yan. nakakairita. karami-raming kembelar  na kailangan. puta, di pa nga `ko nakakagawa ng kahit isang frap, nagastusan na `ko ng bonggang-bongga. at dahil diyan, babawian ko rin sila ng bongga rin. dadaanin ko sila sa lingguhang leave. siyempre, gusto ko, payed yung leave ko. good luck talaga sa akin.


at ang isa ko pang ikinaiirita ay ang aking branch assignment. well, kasalanan ko naman yun kasi nagpa-assign ako sa malayo. pero FTW, bakit sa 6750 pa? eh sabi ng store manager, doon daw madalas ang mga big bosses both local and international ng kumpanya. irita much. so if ever, major pa-impress ako sa mga pikinanginang mga boss na yan. pero ok na rin naman pala, kesa naman ipadala ako sa starbucks sorsogon o kaya starbucks sulu, good luck sa akin. major fuckness un.


sa mga makakbasa nito, dalaw-dalawin niyo naman ako. graveyard ang shift ko, so mga gabi yun hanggang madaling araw (natural, graveyard nga eh!) pumunta kayo ng pumunta dun para rakenrol. pero tangina ninyo talaga kapag pinahirapan niyo `ko, lalagan ko ng something iyang mga kape ninyo!


so ayun, isang walang kakwenta-kwentang post na naman ang dmaan. pak!

November 2, 2010

bukod sa pasko at birthday ko, undas na ata ang isa sa mga pinakahihintay kong arraw taun-taon. hindi ko rin alam. (palagi namang hindi ko alam eh. hahahaha!) siguro dahil na rin sa memorial park na pinupuntahan namin. nakakatuwa kasi dun. malamig, malawak, marami kang pag-iikut-ikutan, maraming bilihan ng pagkain, at kung anu-ano pa.


may mga pictures ako galing sa sementeryo. wait. upload ko.




 ito ang portalet. hahaha. palagi naming pinagti-trip-an to ng mga pinsan ko kasi ang baho sa loob. as in yakididakdak. pero naka-bwenas kami ng hindi pa nagagamit. kita niyo naman yung may tissue pang isang rolyo di ba? iuuwi ko sana kaso naawa naman ako sa mga may balak tumae ng bongga if ever. hahahaha!









ganito kalawak ang memorial park na pinupuntahan namin. pero sa ibang part lang to. yung ibang part kasi namin, di ko namin napuntahan. more ulan, more fun kasi nun.


itong dalawang to ay pinsan ko. wala kasi si apol, may sakit kaya di siya nakasama.


at dito natapos ang walang kwenta kong post. hahaha! 

October 24, 2010

one down.

"hey, can i join you?"


"sure."


...


"so, you alone?"


"nah, i'm with a friend. and you?"


"mag-isa."


"really now?"


" yeah."


"so, where's this friend of yours nga pala?"


"probably taking a leak."


"while waiting for your friend, you wanna dance?"


"sorry, i don't feel like dancing kasi eh."


"oh right. so wanna go somewhere else?"


"maybe next time. you see, i'm with a friend."


matangkad, maputi, mala-koreano ang datingan, maganda ang katawan. average lang ang looks pero there's something about him that made me say na may kasama ako..kahit wala. he's definitely a turn on. the way he spoke to me, feeling ko, i'll be forever grateful na nagkakilala kami. ewan ko ba. sabi ko sa sarili ko, i'll be alone tonight. pero damn! yung tingin niya, para akong chocolate bar na pinagtrip-an at inilagay sa microwave for some reason. sh*t. ito na nga ba ang sinasabi ko. alam kong mahina ang depensa ko, pero bakit kahit anong pilit ko, nahihila niya ako papalapit sa kanya?


"by the way, my name's Don."


"Caloy."


"this is the perfect place to chat. nagsisigawan tayo. wanna go out?"


"sure."


fvck. mabubuko yatang wala naman talaga akong kasama. pero kebs. i mean, he's really interesting and everything so no fuss. mabilis namang naso-solusyonan ang mga ganoong palusot.


"so, where's your friend?"


"he sent me an sms, nauna na raw siya. he got pissed siguro. hindi kasi siya sanay sa mga gantong lugar. pinilit ko lang kasi ayokong magmukhang tanga kasi wala akong kasama."


"ah. kaya pala. naasar nga siguro yun. so, saan tayo?"


"dito lang. sa labas."


"you wanna go somewhere private?"


(nakangisi) "no. i'm good here. i have to go home kasi by 2. baka batuhin ako ng nanay ko ng takore. mahirap na. naka-limang takore na kasi kami ngayong linggo."


hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpakipot pero alam kong tama ang ginagawa ko.


sa tinagal-tagal ko sa ganitong buhay, kabisado ko na ang dapat kong gawin sa mga taong nagkaka-interes sa akin. dapat magpapa-tweetums ako pero more on the brusko effect para ma-intimidate ng kaunti. tuwing ginagawa ko iyon, para akong sumasabay sa saliw ng wala. nakakasunod ako sa takbo ng mga pangyayari, kahit na ayaw pa nitong magpahabol.


"can i invite you you tomorrow evening instead? promise it won't take long."


at oo, lihim na naman akong napangisi. one down.

October 10, 2010

alabyow Adam! :)

may dahilan na akong mainlab araw-araw. yiheee! :) at yan ay dahil kay Adam. isa siya sa mga inspirasyon ko sa pagsulat. hihi. landi much. oh well, sige, sasabihin ko na. na-adik ako sa kanya ever since iniluwal siya sa mundo. garabey lang. hihi. napaki-usapan nga ako ni pareng Adam na kung pwede ay i-feature ko siya sa aking page. at dahil mabait ako at talaga namang obsessed kay Adam ay sige na nga, ipi-feature ko na siya dito para naman makilala rin ng 2 ko pang readers si Adam.


book 1 chapter 4 ko unang nakilala si Adam at ngayon na nasa book 3 na siya, mas kapana-panabik na ang mga nangyayari sa kanya. nakakalungkot lang na kung kailan oks na ang lablay ni Jeremy at ni Adam, saka naman dumating ang opportunity na mag-aral si Adam sa London (Londin kung gusto mong sleng..i mean slang)


maraming twists sa buhay ni Adam, na kung titignan ko, parang ako. nakakatuwa. pero tama na yan. basahin niyo na lang ang mga post ni Adam. masaya yun. pramis. :*




p.s. nagkulang ba ako sa paglalagay ng link ni Adam?

May 31, 2010

record breaker. 2

hindi ko alaaaaaaaaaaaaaaaaaaaam!

hindi ko alam kung bakit ang bilis nito. pero putakels talaga, sobrang-sobrang-sobrang happy ako. :)) mamamatay na ako kakasagot sa facebook kung sino siya. sa comments, sa mga chat, sa messages..grabe!

siya yung sandali ko lang na-meet pero na-fall agad ako. meron siyang mga bagay na sobrang nagustuhan ko.

sa lahat-lahat-lahaaaaaaaaaaat ng mga nakarelasyon ko, siya ang nagsabi ng habang buhay na walang kaplastikan. :)


-hindi ko talaga ma-kwento eh. ♥♥♥ more more kilig pa kasi. whahahaha! pero last na to. di `to playtime. di `to trippings. :)