Followers

March 16, 2011

last happy goodbye. ano raw?

180 posts. 57 drafts. 179 followers. 751 comments. 8,049 page views.
maraming salamat. :) salamat sa pagsubaybay. salamat sa pakiki-chismis. salamat sa lahat ng bagay na dapat kong ipagpasalamat sa inyo, online friends. pero, kailangan ko ng isara talaga ito. maglilipat na ako ng bakuran. napag-isip isip kong masyado na kaming maraming napagsamahan ni garapatainvasion. sa tingin ko, naabot na niya ang limitasyon niya, narating na ang hangganan.


lilipat na nga ako ng ibang bakuran, pero itong host pa rin na ito. :) blogspot forever to-its. LOL kailangan ko lang talaga lisanin ang pahinang ito. maraming masasakit na alaala ang nababalikan ko sa tuwing binubuksan ko siya. gusto ko ng bagong simula. sariwa, bagong bukadkad. may mas maaanghang na salita, mas matatabil na dila. mas matapang na pagkukwento, mas realistiko. titigilan na ang pagpapantasya sa nakaraan..basta, ibang caloy/chicomachine/malantod ang makikita ninyo doon. ibang ako. wala ng anino ng one more chance. LOL at lalong wala ng B. lahat bago, pero parehas ng paraan ng pamamahayag. :)


aaminin ko, masyado akong nasaktan sa huli naming paghihiwalay. pero hindi ko masyadong inisip. pasasaan ba't lalagpas rin ako dito't matutuloy ko na yung mga dati kong ginagawa. yung nung hindi pa kami nagkakakilala. (yung hindi pa ako blogger nun. LOL) kaya sabay sa paghihiwalay ay ang pagde-desisyong lisanin ang pahinang ito. makikita sa twitter account ko o sa facebook account (yung blog account ko) ang bagong url. uunder brainstorming pa rin siya kaya medyo maaasar kayo sa akin ng kaunti. hahaha! di bale, pag nag-grand comeback ako, mas bongga pa sa tsunami ng japan. LOL


maraming salamat ulit at magkita tayo sa bagong pahina. ciao! :D

10 comments:

Sendo said...

abangan ka namin sa new blog mo ^^ ingatz

Désolé Boy said...

all the best for u caloy!

Aris said...

friend, ipaalam mo naman sa akin ang bagong blog mo kapag bukas na para mabisita ko kaagad. :)

hArTLeSsChiq said...

sundan pa rin kita sa bagong bahay mo ha :) tc

shenanigans said...

sigurado knb diyan?

pero whatever your decision would be

"suportahan taka"

:)

Nimmy said...

kitakits sa FB! :)

ʎonqʎʇıɔ said...

maganda yan! a fresh start! congrats!

Nishiboy said...

tama. fresh start. masaya yan. =D

sana i-announce mo yung bago mong blog.

Bettina Rose Malveda said...

just saw your blog. loved reading it,

Creativity comes from the Soul

Mrs Sharon Sim said...

Hello Everybody,
My name is Mrs Sharon Sim. I live in singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of S$250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of S$250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) +918376918351 Thank you.