Tuesday, November 10, 2009

walang ma-i-taytel. amp.

linggo. alas sais y media ng gabi. sa isang simbahan na malapit lang sa amin.

alam kong isa ito sa mga huling beses na magkakasama kami ng matagal. ayokong magpakita ng kahit anong emosyon na magpapalungkot sa kanya. gusto ko, aalis siya sa lugar na ito na may ngiti. may alaalang aalalahanin at taong babalikan.

tahimik ako habang naglalakad patungo sa kanya. hindi man halata, nalulungkot ako. tapos na kasi ang maliligayang sandali. tapos na ang bawat paglusong ko sa baha para makasama siya. tapos na pagsundo sa kanyang workplace.

at maiiwang nakatiwangwang ang burger machine.


papalapit ako ng papalapit sa kanya.

'kamusta?

-mamaya na tayo sa next mass.

'oks oks.

(katahimikan.)

'aalis ka na. bukas right?

(katahimikan.)

-mangomunyon tayo.

'(hesitant.) (pero para sa'yo..) oks oks.

'(sa isip..) mawawala ka na. mamimiss mo kaya ako? pagdating mo dun, maalala mo pa kaya ako? kaya nga ba natin ang ganitong set-up? oo sana, ang o.a ko..hindi naman ganoon kalayo ang destinasyon mo, pero malaking kawalan ang anim na beses sa isang linggo na hindi kita makikita.

-pawis na pawis ka, magpunas ka nga. may panyo ka?

'alaws eh.

biglang may umabot sa aking basang panyo. natural galing sa kanya.

'thanks. bat basa? yak ka. nasa simbahan tayo eh.
sabay punas ng pawis. nagtatakbo ako papuntang simbahan. gusto kong sulitin ang oras na magkasama kami ngayon. haay..

-(tahimik.)

'anong iniisip mo?

-wala.

'weh? peksman?

-(tahimik.)


nakapila kami para sumubo ng ano..ng ostiya. at ako: nag-iisip. kaya ba namin? kaya ko nga ba? oo. sa tingin ko. mababaw lang ang lahat ng ito. pero bakit may kumokomplika ng isip ko?

[katawan ni kristo]

'amen.

[katawan ni kristo]

-amen.

-uy, sa relic chapel..
(may lungkot siya sa kanyang boses.)

'oks oks.
(full of enthusiasm.)

habang naglalakad kami, tinitignan ko ang buo niyang likuran. gusto ko siyang akapin bigla. sabihin sa kanya na: "bibilangin ko ang mga araw na wala ka sa tabi ko at sa oras na bumalik ka, triple ng bilang na yun ang mga araw na magsasama tayo at magsasaya." pero hindi ko pwedeng gawin yun, nasa loob kami ng simbahan habang nagmimisa. ayokong gumawa ng eksena para lang maibsan ang mga ka-o.a-yan ko sa katawan.

pagdating sa chapel, sumalampak siyang bigla sa luhuran at nagsimula ng magdasal. tinitignan ko lang siya, habang kinakausap si Lord.

'(sa isip) Lord, salamat kay topak. siya ang biyaya mo sa akin diba? salamat at katabi ko siya ngayon. salamat at sa huling pagkakataon, may pagkakataon akong pumunta sa balwarte mo na kasama siya. ayokong umalis siya, pero realidad ng buhay diba? kailangan niyang mabuhay. kailangang gampanan niya ang responsibilidad niya. masaya ako dahil nakilala ko siya sa sandaling panahon. magiging mahirap ang mga susunod na panahon pero kakayanin ko. kakayanin namin.

natapos na siyang magdasal. nakatingin lang ako sa kanya. ineeksamin ko ang mukha niya, kinakabisa.

-bakit? (ayan na naman siya sa pagtatanong with maamo face na parang inosente. cute na cute talaga ko sa kanya pag gumaganon siya.)

'wala.

-bakit nga?

'wala nga. tara na?

-magpa-bless tayo kay father?

'oks oks.

lumabas na kami sa relic chapel at hinintay matapos ang mass para magpa-bless kay father.

at natapos na nga ang misa. lumabas na kami, sabay sa ilang daang tao na sumamba rin. gusto kong hawakan ang kamay niya, sa kahuli-hulihang pagkakataon. pero hindi pwede. gusto kong halikan siya, pero hindi rin pwede.

'sasakay ka na?

-(tahimik.)

anak ng..bat ba ayaw niyang magsalita? oh sige. go go the silent treatment.

'..

-..

'arrrrgh! magsalita ka naman! (sa isip lang..hahahaha!)

-..

'san mo gustong tumawid? dito o sa kabila?

-sa kabila.

'oks oks.

at tumawid na nga kami, hindi ko sinasadya, pero nahawakan ko ang kamay niya. natuwa ako dahil hindi niya ako pinigilan. pero pagkatawid namin, bumitaw rin siya agad. naiintindihan ko naman kung bakit. masakit lang na kung hindi pa kami tatawid, hindi ko pa mahahawakan ang kamay niya. sana tumawid ulit kami..sampung beses pa.

'sasakay ka na?

-(tango.)

'ingat ka dun. ingat ka pag-uwi. (mahal kita..mahal na mahal.) (pabulong lang ang huli. na hindi niya rin narinig.)

-pakabait ka.

'(pinipigilan kong tumulo ang luha ko. kasi o.a yun.) yeh. bye.

at sumakay na nga siya. nilingon niya ko sabay flying kiss. at ako..nakatayo sa kung saan kami nagkahiwalay. nanlalamig. parang bato. at unti-unting hinihila papunta sa burger machine.




kung saan kami unang nagtagpo.

Thursday, November 5, 2009

sino nga ba ako?

sino na nga ba ako?





-pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho o sa eskwela, mapapatanong ka kung ikaw pa nga ba ang taong nakikita mo ngayon sa salamin. kanina, habang tinitignan ko ang sarili ko, para bang..

..


hindi ko rin masabi. oo. nakikita ko ang sarili ko sa salamin, pero hindi ko naman maramdaman na ako nga ang nakikita ko. mahirap ipaliwanag. sa parehong paraan na mahirap ding intindihin. hindi naman kasi ako ganito dati. pero ngayon, heto ako, napapabuntong hininga at nag-iisip kung bakit ako nagkaganito.


-bakit nga ba ako nagkaganito?


maraming dahilan. kung iisa-isahin ko ito ngayon, malamang sa malamang, hindi na `ko matatapos sa pagsusulat nito. pero ang isang malaking dahilan ay ang.."pag-ibig."







-pag-ibig.


sabi nga sa kanta, kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. pero, sa lahat ba ng pagkakataon, dapat mo siyang sundin? ano, para sa`yo, ang mas mahalaga? sa paglalakbay mo sa buhay, mas importante nga ba ang tinitibok ng puso mo kesa sa ibang bagay na kailangan din ng atensiyon mo? kalokohan ba `tong mga pinagsasabi ko? gago ba `ko?








hindi ko alam. at palagi namang hindi ko alam.

Tuesday, November 3, 2009

ako ang magliligtas. part 2

ito ay to be continued.

Friday, October 30, 2009

ako ang magliligtas.

*para kay topak.

ako. ako ang magliligtas sa iyo.
mula sa lahat ng pag-ibig na naglaho at nabigo.
ako. ako ang magliligtas sa iyo.
mula sa kalungkutan na bumabalot sa iyong mundo.

ako. ako ang gawin mong pananggalang.
pananggalang sa lahat ng mananakit sa iyo.
ako. ako ang gawing mong pananggalang.
pananggalang sa bawat hikbi at luhang bibitawan mo.

ako. ako ang magiging sandigan mo.
sandigan na hindi mawawala sa likod mo.
ako. ako ang magiging sandigan mo.
sandigan na di matitinag kahit anong ibato mo.

dahil ako..
ako ang magliligtas sa'yo..



-sa maikling panahon na kasama kita, madali mong napatibok ang puso ko na kinukulong ko sa iba. alam mo, sa lahat ng nakilala ko, iba ka. mayroon kang kakaibang atake kung paano mo aagawin ang pwesto ng iba dito sa dibdib ko. hindi ko alam. masyadong mabilis ang mga pangyayari. sana lang, sana lang talaga, ikaw na ang hinahanap ko. pero hindi kita hinanap. dumating ka nga pala ng kusa. kaya nagpapasalamat din ako sa pagkakataon. salamat sa internet (God's gift to every human being.)

sa totoo lang, hindi ko maesplika kung ano ang totoo kong nararamdaman para sa'yo. sabihin na natin na naka-piring ako habang nilalasahan ko ang iba't-ibang putaheng nakahain sa akin. sana, habang hinuhulaan kita, maka-jackpot ako't tumama ang hula ko. ayoko na rin kasing magsalita ngayon ng tapos, kakainin ko na naman ang mga sinabi ko. at kung nakakain nga yun, malamang sa malamang, mas mataba pa 'ko sa'yo.

isa lang ang gusto kong malaman. may balak ka bang magtagal sa buhay ko? o dadaan ka lang sandali para maglibang? sabi mo nga, bakit kailangang pagaksayahan ng panahon ang mga taong wala namang kapasidad na magtagal sa buhay mo? gusto ko ngayong malaman mula sa iyo ang sagot. may kakayahan ka nga bang magtagal sa buhay ko? ayoko na kasing masaktan.

ikaw ang dahilan ngayon kung bakit patuloy akong humihinga. sana, sa susunod na panahon, hindi ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong pigilin ang paghinga ko.

Tuesday, October 27, 2009

burger machine.


hindi ko inaasahan ang mga nagaganap ngayon. maraming nangyayari na di saklaw ng pang-unawa ko pero bigla-bigla na lamang dumadating.

isang gabi, kasalukuyang nagko-computer ako at ano..basta may ginagawa akong kakaiba, at alam kong marami-rami ring gumagawa nito. ayun. bigla akong nakatanggap ng message sa fb..actually pm siya. ayun. magkita nga daw kami. kilala ko siya sa mukha at pangalan, pero di pa pinagtatagpo ang landas namin ni minsan. napa-oo ako ng mabilis. ewan ko rin. siguro naumay na rin ako kaka-computer maghapon-magdamag sa bahay. at isa pa, bihira akong makakilala ng taong konektado sa isang taong sobrang malapit sa puso ko. kaya ayun nga, nagmadali na kong pumunta sa lugar na pagkikitaan namin.

aminado ako. noong una, kahit hindi ko siya kilala, naaasar ako sa kanya. kasi nga konektado siya sa isang taong malapit sa puso ko. pero nung nakita ko at nakausap siya, iba pala.

masaya siyang kasama. kahit pa napakabigat ng problema niya sa buhay, nagagawa pa rin niyang tumawa at pakinggan ang mga sinasabi ko. normally naman kapag may problema, concentrated ang isang tao sa problema niya at wala ng naririnig na iba. pero iba siya. uulitin ko, masaya siya kasama. hindi dahil nilibre niya ko ng red horse, yosi at jumbo burger sa burger machine. kahit na mayroon siyang malaking problema, hindi mo yun mahahalata sa kanya. kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya sa mga pagkakataong kailangan ng presence of mind. mukha siyang tahimik. pero madaldal siya. sa maikling oras na kasama ko siya, muntik niya ng maikwento ang buong buhay niya. detalyado kung magkwento at may nakakatuwang tawa sa huli. natutuwa din ako kapag sinasabi kong wala pa akong karanasan sa isang aktibidad na ginagawa ng mga nagmamahalan. hindi kasi siya naniniwala. pero sa susunod na pagkikita namin, sasabihin ko na sa kanya na niloloko ko lang siya.

kinabukasan ng gabi, nagkita kaming muli. yung 2nd night pa namin ang wala masyadong imikan. nakakatuwang isipin na kung kailan mas palagay ang loob namin sa isa't-isa, doon pa kami hindi nagkikibuan. napagusapan din namin yung taong malapit sa puso ko. pero hindi na naman masyado pang dapat pagusapan yun. sabi nga niya, bakit kailangang pag-aksayahan ng panahon ang mga taong wala namang balak magtagal sa buhay mo? napaisip ako doon sa sinabi niya. kahit ako, walang kasiguruhan kung hanggang saan ba tatagal ang ugnayan namin nung taong malapit sa puso ko. wala naman kasing kasiguruhan ang lahat. hindi siya nangako ng kahit ano kaya napapasuko niya ko ng mabilis.

matagal ang naging kwentuhan namin. nalungkot pa nga ako nung nagpaalam na siya. hindi ko alam. halo-halong emosyon na naman. maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. sa sobrang occupied ng utak ko, nakalimutan kong sabihin sa kanya yung pangloloko ko na wala akong karanasan. napatawa ako habang umuuwi. iniisip ko kung talaga kayang naniniwala siya siya sa katarantaduhan ko. sa tingin ko hindi rin. sa itsura kong 'to, ewan. ayokong magsalita. basta, sasabihin ko na talaga. ino-notes ko pa para di ko talaga makalimutan.

ang totoo, looking forward akong makita siya uli. kahit pa lumulusong ako sa baha makita at maka-kwentuhan ko lang siya. pwede ko naman siyang tanggihan kung gugustuhin ko. pero mayroong maliit na boses sa loob ko na hindi ko siya pwedeng tiisin. dahil siguro kailangan niya ng kausap dahil sa problema niya o dahil gusto kong makalibre ng burger sa burger machine.

*medyo lame tong kwentong to kasi kahit ako, nabibilisan ako sa mga pangyayari. pero ito ay ito, at wala naman akong mababago para dito.

Sunday, October 18, 2009

an.

wala na ba `kong ibang mapagbabalingan?
bakit mayroon pa rin akong nararamdaman?
matagal na panahon na rin naman ang nagdaan.
bakit mahirap siyang kalimutan?
nagawa ko na halos lahat ng alam kong paraan.
mula noon hanggang ngayon, wala pa ring kaibahan.
pinangarap kong muli siyang mahagkan.
pinangarap kong muli kaming magmahalan.
hindi ko pa rin maintindihan.
ang mainit na samahan,
ngayon ay napalitan ng malamig na kibuan.
mga dating pangako, di pa rin mabitawan.
mga huling salita, hanggang ngayon ay di pa rin maunawaan.
ito nga ba ang kapalaran?
ang maghintay sa wala kailan pa man?
ipit sa nakaraan.
kaya ngayo'y di makarating sa paroroonan.
lahat ng ito ay ngayon ko lamang naranasan.
at sana, hindi na ito masundan.
ayoko sanang ipagpilitan.
pero sa katunayan,
ayoko talaga sanang bitawan,
pero lagi kaming nauuwi sa paalamanan.
siya ang laging laman ng aking isipan.
mapagawi sa kanluran,
mapalingon sa silangan,
siya at siya pa rin sa walang hanggan.

Friday, October 9, 2009

taguan sa sm..

dapat sana ngayong araw na 'to, makikipagkita ako sa mga kaklase ko para sa isang documentary na required sa isang subject. 9 ang usapan pero mga 9 na rin ako nagising. inisip kong humabol na lang kaya nagmadali na rin ako sa pagkilos.

habang nasa bus ako, ulit-ulit ang dasal ko na sana hindi sila makonpi (mapikon) sa akin kasi nga late ako. medyo late na rin kasi ako nakatulog nun. ayun. pagdating nga sa may quirino, medyo oks pa ang pakiramdam ko, hanggang sa mapadaan na nga sa dating unibersidad na pinapasukan ko.

linga ako ng linga na hindi ko maintindihan na parang g*go. may hinahanap akong ewan.
hindi ko alam.
nagbabakasakali akong makita ang isang tao na pilit kong binubura sa buhay ko. bad trip talaga.

hindi ko naman siya nakita.

pero oks lang. wala rin naman akong intensiyon na makita siya ngayon.

umandar na muli ang bus. pinilit ko na namang matulog pero wala na talaga kaya nagpatugtog na lang ako ng kanta galing sa telepono ko. at habang binabaybay ang kahabaan ng taft, napapaisip na naman ako ng mga bagay na hindi ko na naman na dapat pang isipin.

pagdating sa cityhall, habang nag-aayos ako ng gamit, nakita ko siya. kasama ng dalawa niyang kaklase. nagmadali akong bumaba. inikot ko sa kabila ang cityhall para makasalubong sila. sa sm kasi sila pupunta.

di ko sila inabot. pumasok na lang din ako at nagbakasakaling baka magkasalubong kami. dala ko pa naman yung ibibigay ko sa kanya.

"f*ck. bat apektado pa 'ko sa lahat ng ginagawa niya! p*tangna."

naglalakad ako. nakita ko siya. hindi ko alam ang gagawin. bunot agad ng telepono kahit wala namang kausap. akting mag-isa. kailangang ipakitang burado siya sa sistema.

"f*ck talaga. this is so pathetic. i am so pathetic."

biglang liko habang bumubulong ng sangkaterbang dasal. dasal na sana hindi niya ako makita. na sana kung makita niya ko, malaman niyang ok na ko..kahit hindi.

kibit-balikat. kunyari hindi ko sila napansin. parang wala lang. naglakad na naman ako. lakad na mabilis. yung parang nakikipag-karera sa kabayo. bigla kong naisip na.."bat ako nagtatatakbo? atat ba kong makasalubong siya uli?"

at habang nagtatalo ang isip ko, ayan na naman sila. hablot aulit ng telepono at parang nakikipag-away sa kausap. kausap na gawa-gawa ko lang. kausap para hindi ako magmukhang tanga..kahit tanga na talaga ako.

mukhang makakasalaubong ko na na naman sila. mukhang kailangan kong magdasal na naman o kahit mag-rosaryo pa 'ko sa harap ng comic alley.

pawis na pawis ako kahit malamig. pawis na pawis ako kahit na may iniinom akong nagyeyelo. kinakabahan ako na parang hahatulan na 'ko ng kamatayan. ayoko na.

lumabas ako. nag-yosi. nag-isip. at nag-isip na naman. isip ako ng isip pero wala akong mapagdesisyonang bagay. sana pala hindi na lang ako nag-isip. sayang sa oras.

bumalik ako sa loob. uulitin ko siguro ang katangahan ko. hindi ko na naman alam. palagi namang hindi ko alam. bwiset. nakakasawa.

tambay sa may bilog. umiinom. kunyari na namang may kausap. nakita ko sila sa baba. iniba ko ang tingin ko. kunyari na naman hindi ko sila nakita. umiiwas ako hindi dahil baka mapahiya ako. umiiwas ako dahil hindi ko na siya kayang harapin. baka bumalik bigla ang lahat ng nararamdaman ko. baka habulin ko ulit siya. kahit ayaw niyang magpahabol.

mabigat ang loob kong lumabas ng sm. sa susunod, hindi na 'ko pupunta doon.

Thursday, October 8, 2009

hagupit ni ondoy: the after-shock (ikalawa at ikatlong araw)

ayun na nga, matapos ang mga makapagbagabag-damdaming oras na hindi ako makatulog, nag-internet muna `ko. (umulan man o bumagyo, shemper, tuloy-tuloy ang blogging :D) binuksan ko na rin ang fb ko. sa dami ba naman ng mga pinaggagawa ko buong araw, natural na i have to give myself a break. kahit na ba halos kalahati na ng katawan ko ay lubog sa tubig baha na pinaghalong brown at green ang kulay. (hindi ko talaga alam kung bakit nagkaganito ang kulay ng tubig-baha. paminsan-minsan, iniisip ko kung sa papaanong paraan nabago ang kulay nito. ayokong isipin minsan kung saan galing, para kasing umiikot ang sikmura ko. basta. yakk) ayun na nga, natuwa naman ako sa mga nakita ko. past 2 na, pero alam kong hindi pa rin ako dinaalaw ng antok. hanggang sa makita ko ang relo uli, sh*t! 4 na pala! dali-dali akong lumangoy at umakyat sa kwarto. I need to be as light as a feather but I have to be as quick as..as..basta quick! susmarya, maaga pa naman magising ang nanay ko! ay anak ng baka talaga, oo! baka mapagalitan ako. sasabihin non, “ABA CARLO! WALA KA NA NAMANG INATUPAG DIYAN KUNDI MAG-KOMPYUTER MAGDAMAG! ANAK NG P*TA, IBABALIBAT KO NA YAN!”
takot na takot talaga ako kapag gumaganon si mama. pero kapag ganon na siya, cool na `ko sumagot. shemper, para mabawasan yung tense feeling. atsaka, para hindi na niya pahabain yung pag-uusap. ayun na nga, buti, pag-akyat ko, natutulog pa siya.wala namang ibang magagawa talaga kundi matulog, lalo na sa panahong `to. di mo rin naman kasi maaasahang magbigay ang pamahalaan sa lahat ng nasalanta at naperwisyo. shemper dun lang sila sa über nasalanta lang talaga. yung tipong sa tuktok na sila ng bubong nila nag-aabang ng anything na dadating galing sa langit (ex. de-lata, barbie[for the kids][wala na atang batang lalaki sa mundo], bigas, mga damit) ganon. mga common na kailangan ng isang nilalang. (teka, bakit walang sipilyo at toothpaste? ang yakk naman nila kung ganoon man.)

halos tatlong oras lang ang tulog ko, mga alas siyete kasi bumangon na ako. kailangan kasi ako shemper para ayusin at itaas pa ang ibang bagay na kailangan ayusin. pero hindi muna ako kumilos ng dalawa pang oras kasi nag-internet ako ulit. (oo na, addicted na kung addicted.) pagbaba ko, simula na ng aksyon. sakto kasi ang pagdating ng tita ko, ayun, may mga pinaayos na naman sa tindahan niya. oras na naman para makakuha ng totoong relief goods. ayun, nakadekwat ako ng isang pack ng flat tops (yung chocolate?) tapos isang pack din ng cloud9 at tatlong pirasong pancit canton. (hanggang ngayon, nakukunsensiya pa rin ako kapag naaalala ko ang mga pagkaing nakuha ko. sa kabilang banda, natutuwa rin ako dahil kahit may sakunang naganap, hindi pa rin naaalis sa sistema ko ang pagmamasiba.)

tumataas ang tubig. maya-maya, bumababa na naman. tapos tumataas na ulit. tapos hindi na titigil sa pagtaas. biglang bababa na naman ng kakapiranggot. makailang ulit ko ng tinatanong sa ermat ko kung bakit pasirko-sirko ang tubig pero iisa lagi ang sagot niya: ang p*tang-inang dam daw ng tubig malapit sa amin. nagpapakawala kasi ito ng tubig para hindi ito mapuno, nang sagayon, hindi malunod ang mga tao sa mas marami pang tubig na paparating. inuunti-unti nila ang pagpapalabas nag tubig kaya naman hindi na matapos-tapos ang baha sa amin.

at ayun, pagkatapos kong gawin ang mga kailangan ko, tinawag naman ako ng tito ko para alisin na ang internet. (how sad) itataas na kasi naming ito sa 2nd floor para di na kami mababasa at para hindi na rin mabasa nnag modem at telepono kung sakaling tumaas uli ang baha. (how great!) umakyat na ang tito ko sa bubong, habang iniisa-isa ko na ang pagtanggal sa mga kable at sa mga saksakan. maligayang-maligaya ako kasi mas hassle-free na ang pagi-internet ko. wantusawa pa! ow yeh! ingat na ingat kong inakyat ang mga kable nang sa gayon, maisakatuparan na ng todo ang paraisong naghihintay sa akin.

naiayos na ng henyo kong tito (waw. naging henyo agad! yeh!) ang mga kable at redi tu rol na ang telepono. naglalaway pa nga ako habang ikinakabit ko na sa laptop yung internet. ito na ata ang pinakamasayang sakuna na naranasan namin. ilang minute pa, nakita ko na ang sarili kong walang humpay at walang kaumay-umay sa pagtitipa at pagbubukas ng mga website na oh-so-kay-tagal-kong-inasam na magbabad. mga umaga inilipat ang telepono at internet, paglinga ko sa bintana, anak ng p*ta, gabi nap ala! susmarya, adik na adik na nga siguro akong talaga. saka ko lang din napagtanto na kaninang-kanina nap ala kinakain ng sikmura ko ang iba ko pang internal organs sa soooooobrang gutom. bumaba na ako sandal para kumain. (kung hindi ako nagkakamali, paksiw nab angus ang ulam namin.) pagkatapos kong kumain, wala ng pagaatubili pa, bumalik na ako sa harap ng kompyuter at sinimulan na naman ang pag-aadik ko na tila ba hindi na ako sisikatan ng araw bukas. (literally speaking, hindi naman talaga ako sisikatan ng araw bukas. it’s raining cats and dogs. no chance of embracing the stupid sunlight.)

palalim na ng palalim ang gabi. kinukumusta na naman ng malikot kong isip si labs. sa tingin mo, ok lang kaya siya? wala lang, napapaisip na naman kasi ako. nakaraming message na ako sa kanya sa ym at sa fb, hindi pa rin ako nakakatanggap ng kahit na isang reply. medyo namumutawi na ang kaba sa dibdib ko. hindi kasi ako sanay na hindi ko nalalaman ang kalagayan niya. pero don’t get me wrong. hindi lang naman ako sa kanya nag-aalala. maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. (pero minsan, kung hindi busy, naglalakad lang sila, else, gumagapang. na-get mo yung joke? :D)

kidding aside, ayun na nga, sana ok lang siya. atsaka, sana magparamdam siya kahit “ok” word lang sa mga message na ipinadala ko sa kanya. hindi naman dahil hindi kami, hindi yun dahilan para hindi ako mag-alala sa kanya. ewan ko ba. haaay.

Monday, October 5, 2009

uy. g*go ka raw?

boom. wala lang. kamusta ka na kaya? sa haba-haba ng panahong hindi kita nakausap, nagbago ka na kaya? ewan ko rin. siguro masayang-masaya ka ngayon. siguro, oks na oks na ang buhay mo. mas pinili ko kasing manahimik sa isang sulok para mas maging mabisa ang kalayaang hiningi mo sa akin noon. na kahit napakahirap ibigay, ay nagawa kong bunutin ang mga salita sa dibdib ko. kamusta ka na kaya? mahilig ka pa rin ba sa mga kakaibang tunog? mahilig ka pa rin kaya sa siopao? mahilig ka pa rin kayang magbasa ng paa kahit anong mangyari? alam mo kaya ang mga pagsubok na dinaanan ko pagkatapos nating magpaalamanan? sira pa rin kaya ang ulo mo?

wala lang. gusto ko lang malaman. gusto kong ipakita sa`yo yung mga bagay na hindi mo nakita sa akin noon. ang mga pinagbago ko. ang biglang pagbaliktad ng mundo ko, maipaunawa ko lang sa`yo na hindi ganoon kadali lumimot ng mga bagay na una mong naranasang gawin ng isang tao sa`yo. gusto kong ipakita na malaya na `ko. na kaya ko ng sabihin na masaya ako, dahil `yun ang totoo. at dahil `yun ang gusto kong isipin mo. gusto kong ipakita sa`yo na kayang-kaya ko na na wala ka. gusto kong ipakita sa`yo na mas maraming magagandang bagay ang nangyari sa akin nung umalis ka. gusto kong maramdaman mo na hindi ako galit sa`yo, pero nakatatak ang lahat ng nangyari sa akin.

wala na akong nararamdaman. (ows?) sa parehong paraan na hindi na pala ako marunong huminga.

Wednesday, September 30, 2009

the most hated.

day: monday (traffic!)

time: morning (around 8 til 12)

month: june (classes again tsaka month of break up) (hindi maka-get over. hahaha!)

number: 4,1,9 (lalo na pag magkakasama. aynako!)

letter; X (bibigkasin mo pa lang, ang sakit na) tsaka M (katunog ng something)

song: kundiman (kahit favorite. di ko na `to pinapakinggan. kasi everytime na naririnig ko to, nakakasapok ako ng tao)

color: blue (nakakaasar lang)

part of the body: tenga! (wala lang. may naalala ako eh)

parting lines: friends na lang talaga (ok..) tsaka for the last time, mahal na mahal kita (grrr!)

part of the house: kusina! (nawawala ang self control ko. hahaha!)

place: pgh! hahaha!

country: china (lahat ata ng andun peke) america (basta.)

school: wala naman. lahat naman oks sakin. ay! ayoko sa TUP!

tourist spot: bora! (lalona yung bullsh*t na 5 days na yun. muntik na kong mabaliw!)

mall: greenbelt! (kumukulo dugo ko)

transportation vehicle: tricycle. (ang saya kasi sa bus at jeep)

teacher: estrella, tani, amor (tapos magkakasama pa oh! naku, papatayin nila kong lahat)

anime character: maki-baoh

cartoon character: tweety (mukang gago diba?)

soap: ivory (nakakainis kasi lumulutang.)

toothpaste: close up! (mukang tanga yung pangalan)

shampoo: pantene (panget pakinggan diba?)

singer: lenka (lalo na pag kinakanta niya yung the show..haaay)

band: cueshe tsaka soapdish

animal: giraffe (nakakainis kasi siya..ewan ko)

clothing line: rrj tsaka human.

tv show; lahat ng andon si marian rivera!

politician: edi si arroyo! bwiset!

tv station: gma 7! (yak)

person: erpat ko. kuya ko.

situation: yung break up sa telepono with matching iyak-iyak hardcore pa.

cellphone brand: motto!

network: sun (magagamit mo yun pag may araw lang talaga)

feeling: being left out.

accessory: ring

book: math books (lalo na yung may mga numbers. hahaha!)

subject: edi math! tsaka trigo, calculus, accounting tsaka stat at f&b math! lahat lahat!)

genre: hiphop (sige nga! ikaw! kaya mo bang mag-yow yow sa daan tapos naka-daster sa habang tshirt ka?)

hollywood celebrity: miley cyrus

car brand: toyota. (taxi?)

showbiz celebrity: marian rivera, aling dionisia, manny pacquiao, willie revillame, joey de leon.

superhero: superman (nasasapawan kasi si green lantern. hahaha!)

villain: si joker (naalala ko, binangungot ako nung nanood ako ng dark knight)

computer game: DOTA! (kadiri talaga)

sport: basketball (o.a na kasi yung pagiging sikat niya. nasasapawan na yung ibang sport)

food: okra at talong!

fastfood chain: kfc (ampness. kahit favorite)

condiment: suka! (parang gawa sa pinigang kili-kili)

beverage: vitwater (yunow?)

ice cream flavor: ube! (nakakadiri naman talaga)

viand (ulam): sinigang sa miso (favorite ng erpat ko eh. tsaka may masamang alaala)

food kiosk: khaleb shawarma.

street food: helmet (yung ulo ng manok?)

sitsirya or junk food: yung mga kakornihang naiimbento ng pinoy tulad ng lumpiang shanghai (na hindi naman talaga shanghai with matching cheese powder flavor) tapos yung lechon manok (gawa sa arinang super binetsinan) pati yung chicken joy (sitsirya din yun na may picture ni aga mulach sa wrapper.)

candy: lipps (nakakasugat ng ngalangala)

biscuit: marie (pambata)

chocolate brand: butterfingers (now you know!)


*nakita ko tong survey na to sa fb. ayun. natuwa ako kaya sinagutan ko.