Followers

December 31, 2010

my 2010 (part 3) plus big announcement. (big sa akin eh. kebs niyo?)

september


-K keeps on bugging me. irita much!
-di nagpaparamdam si D? hmmm.
-aynakow B. kunsakali mang naisip mo ko, beep beep me? ha? ha? :(
-ayoko na kay B. seryoso!
-nararamdaman ko nang itong sem na 'to ang pinakawalang kwenta. ramdam ko!
-natanggal sa sentinel (school paper) kasalanan ko! i know right!
-dota, inom, dota, inom. nakakasawa. seryoso.
-si B, nagparamdam! yey! (oh ako? ay ewan!)
-nanganak na pala yung asawa ng pinsan niya. at ninjong ako! feeling ko, yung batang yun ang magiging connection namin ni B..na hindi na talaga mawawala.
-met RMY. naging kami. mahal ko yun. pamalit ko kay B. nakaisang buwan kami then i got tired. di ko alam, o sadyang hindi ganun kalalim yung pag-ibig na nananalaytay sa aking puso. (tangina ko lang diba?)


october


-nagkita ulit kami. putanginang mga hagikhik at biloy na yan, nakakaloka! lol
-magkatabi kami natulog at rubbing elbows sa tricycle. hangsweeeeeeeet! tse!
-kami pa din ni RMY. lagot ako neto! hahaha! malaman niya kayang magkasama kami ni B?
-ang motto ko nung magkasama kami ni B, "let's run away and don't ever look back, don't ever look back!" (para sa mga nagtataksil. hahahaha!)
-gusto kong pagselosin si B kaya may i call every minute si RMY. effective? ewan ko, basta masaya! andun yung satisfaction eh. lol
-OMFG. araw-araw na ba kaming magkatext ni B? ay kakileeeeeg! lol
-napapakanta ko ng "you make me feel like im livin a teenage dream!" lol
-dumating ang starbucks sa buhay ko. (mga tanga! hindi ibig sabihin na ngayon lang ako nakatikim ng kape dun! mga tangang pagong!) lol


november


-officially, hired na ako sa Sb as a barista.
-seryoso? nung una, masaya. as in masaya talaga..pero habang tumatagal, doon mo maiisip na, "sana hindi na lang dito." yun na! bawal magtanong kung bakit! tse!
-pipilitin kong magkaroon ulit ng interes sa trabahong ito. kasi ganto yun, alam ko namang hindi ito ang field of interest ko pero pinasok ko pa rin. i don't have any choice. swerte ko pa nga eh. diba?
-nagkita ba kami ni B ngayon? di ata eh.
-met regular customers from starbucks. tuwing kasama ko sila, naaalala ko yung lahat ng sakit..yung popoy na nawala nung nagkahiwalay kami nami-miss ko ang barkada ko. :( minsan na lang kasi magkita-kita eh.
-haaaaaay..B. ayoko na talaga sayo.


december


-weekend magic. :) weekday hell. :(
-i thought i lost you. putangina kasi eh.
-ngayon, as in ngayon ko lang napatunayan na mahal talaga ako ni B. kahit di niya sabihin, kahit ilang beses niya akong itaboy, at kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na hindi niya ako mahal, mas ramdam ko yung nasa loob niya na mahal niya ako. hindi ko alam, o baka niloloko ko yung sarili ko sa pag-iisip ko noon. pero alam ko, (paulit-ulit na..) mahal niya ako. hindi ko alam kung magiging mabait sa amin ang 2011 pero i'll take every risk. minsan ko ng sinabi sa sarili ko na isang alis pa ni B, suko na ko. at nangyari nga, at sumuko ako. pero, 1, 2 days? bumalik siya na parang walang nangyari. kaya ngayong 2010, ang gusto kong pasalamatan ay ikaw, B. salamat sa lahat. alam mo, hanggang ngayon, hindi mo pa rin naiintindihan kung gaano kita kamahal. halos araw-araw mo akong tinatanong kung bakit kita mahal. pero sana, wag mo ng kwestyonin kung bakit kita mahal. sana ang itanong mo ay kung hanggang kailan kita mahal (ang gwapo ko lang diba? lol) pero kung itatanong mo yun, alam mo rin naman ang sagot: hindi naman ako nawala, at hindi ako mawawala. kilala mo 'ko. kaya kong magsinungaling sa lahat ng tao pero hindi sa'yo. kasi mahal kita. kasi ikaw ang dahilan ng bawat hininga ko. (ay putangina! wala ka ng cheezy lines hanggang april ah? sinagad ko na ngayon! lol)




big announcement:


isasara ko na po ang blog na ito, for real. masyadong maraming ala-ala. maraming masakit, maraming masaya, maraming nakakainis. minahal ko ang blog na ito na parang pagmamahal ko kay B. pero naisip ko rin na ang bawat kuwento ay may katapusan at tingin ko, narating na ng blog na ito ang dulo niya. kaya salamat, sa mga nagbasa, sa mga nang-usisa at sa lahat ng dumalaw. sa 173 kong followers pero 3 lang naman talaga an g nagbabasa, salamat. maybe next time, magbukas ako ng bagong blog. mga bagong kwento, mga bagong karanasan, bagong ako. pero sa ngayon, hindi na siguro muna. dahil sa blog na to, marami akong nasaktan, marami akong nagalit, marami akong nainis. pero anong magagawa ko? yun ako eh. at yun ang bumubuo sa pagiging ako. muli, maraming salamat. sa uulitin. :)



8 comments:

rainbow box said...

nalungkot naman ako sa magsasara ng blog. am not even done back reading yet. hindi man ako nagcocomment lage, promise nagbabasa ako talaga.

happy new year! :)

Ronnie said...

Ano ba yan, Caloy. Kalungkot naman ang announcement mo, seriously speaking. Oh well, kung ano ba man ang desisyon mo, go lang ng go.

Happy New Year! Mwah

Nimmy said...

see you in FB caloy! mas bongga mga post mo dun. hehehe. happy 2011! :P

shenanigans said...

aaawww...

big announcment?

ewan ko..

dedma
melancholy
tulala
"big" talaga
di ko ine-expect

alam mo namang isa ako sa tutol sa pagbubura mo ng blog

pero....

wala naman akong magagawa.

maganda yan para makapag move on ka na..

thanks nga pala kasi nilagay mo yung archive dahil sa request ko or baka may iba pang nag request pero anu't anu pa man

salamat!

see you sa FB

hihintayin ko ang iyong pagbabalik

;p

Jepoy said...

sus babalik ka rin... LOL

Sige mag close ka na ng blog putangina mo ka! Hmp!

LOL

Happy New year

glentot said...

Oh sad naman, goodbye na pala to the chicomachinery chronicles... keep us posted sa new blog!

imsonotconio said...

once a blogger always a blogger

happy chinese new year!

Jepoy said...

sarap mag back read...