Followers

June 29, 2010

akala ko ba?

ok, fine. nasa hiatus nga ako pero di ko lang talaga matiis. :)


at siyempre, ito ay para kay B.






goodness! sirang-sira  na po talaga ang ulo ko, ladies and gentlemen sa kaiisip sa kanya. damn! pinipilit ko naman eh! pinipilit ko! pero bakit hindi ko pa rin magawa? :( shet. ang gusto ko lang naman eh bumalik sa dati. yung bumalik yung caloy na nawala nung nagkahiwalay kami. (naks! parang si popoy lang! hahaha!) at ang nakakaasar pa, natutuwa na naman akong manood ng one more chance ngayon. puta, ngayong linggo, siguro naka-lima ako, walang puknat! kasi ano eh, parang may pagkakahalintulad talaga doon yung nangyari sa amin. well, hindi ko naman nilalahat, pero karamihan talaga ng mga nangyari dun sa pukhinangenang movie na yun eh nangyari sa akin, sa amin.


gusto kong maging desperado. gusto kong iuntog yung sarili ko sa pader. nagbabakasakaling magka-amnesia ako. baka sakaling makalimutan ko siya. pero hindi naman ako desperado. ano ba kasing ginawa niya sa akin? ba't ba `ko nagkakaganito? lech!


at para sa'yo: gahddeymmet! tigilan mo na `ko! tigilan mo na kakapasok sa isip ko! shet! kapag may quiz kami, pangalan mo na nailalagay ko! sayang sa papel! nagtataka na rin yung iba kong classmates, hindi naman kasi nila alam kung ano `to. f*ck. talagang pahirap siya sa buhay. actually, wala na nga `kong nakikitang maganda sa mga ginagawa ko lately. lagi akong lutang. lagi akong tulala. shet, baka magtuloy-tuloy `to na nagtatatawa ako mag-isa, namumula yung mata, nakikipag-usap sa puno, yung mga ganoon. hahaha! siguro kailangan ko ng bonggang-bonggang counseling. hahaha! malala na talaga ako. hahaha! parang ngayon. hahaha! kasi, hahaha! uhm..hahaha?


gusto ko siyang makita ulit. kahit isang minuto lang. sa tingin ko, kaya kong pagkasyahin yun para makabisa kong muli ang mukha niya, ang kilos niya, kung paano siya ngumiti at kung paanong ang mga biloy niya sa mukha ay pumuporma sa tuwing ngingiti siya. alam ko, malapit na kaming magkita ulit. ayon sa nasagap kong impormasyon, dito raw siya magtatrabaho sa muntinlupa. iniisip ko pa lang yun, parang nahihirapan akong huminga. parang may bumabara sa lalamunan ko. kinakabahan ako. hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko o oang reaksiyon ko kapag nakita ko siya. hindi naman malaki ang muntinlupa kaya imposible na hindi ko siya makita. ang tanong lang eh kung kaya ko na ba? oo, gusto ko nga, gustong-gusto. pero hindi ko alam kung kaya ko siyang makita. di bale, sa tindi ng skills ko sa pag-stalk pag-sagap ng impormasyon, malalaman ko kung kailan siya darating at mapaghahandaan ko na kung saang lugar lang ako dapat pumunta. wirdo man isipin, pero ayoko na siyang makita. pero parang gusto ko pa rin, pero sige, wag na lang din. puta!






-ang totoo, gutom lang `to. hahaha! :)

10 comments:

Nimmy said...

sampal gusto mo? LOL

kaya mo yan! go go go!

Leo said...

@nimmy - natawa ako sa comment mo mahal... :)

@ caloy- tama na yan... wag ka na magbalak pa makipagkita o makita siya, sinasaktan mo lang lalo sarili mo. move on and meet new guys.

SOLTERO said...

caloy caloy caloy hayyysstt! i can feel ur pain but at the same time i wna smack u so hard para matauhan ka.

wag mo ng pahirapan pa sarili mo. stop watching one more chance and stop listening to love songs!

seriously dude, let go...makakaya mo yan :)

JR said...

Awwww- Ang kulet! Halika nga at sasampalin kita ng etits ko!...I think you should let go, gwapo ka naman so madami pa dyan - dito naman kami - orgy tayo wahaha.

orallyours said...

sampalin ng boggang bongga ang batang to!

glentot said...

Dito ako natawa:

tigilan mo na kakapasok sa isip ko! shet! kapag may quiz kami, pangalan mo na nailalagay ko! sayang sa papel!

Ahahahaha puta

Jepoy Dacuycoy said...

tama yung sinabi ni soltero, let go... at tigilan ang panunuod ng movies like one more chance at pakikinig ng mga love songs. hindi kasi iyon nakakatulong. para mong dinudutdot ang sugat, at kapag lagi mo iyong ginagawa, mas lalong magsasariwa, mas lalong magdudugo, mas lalong masakit.

kelangan mo ng retreat :)

kikilabotz said...

kain ka kaya ng blade? wahahaha...

shenanigans said...

i can so relate to this.. huhu

victor said...

Naku ka Caloy. Mag-iwan para sa sarili at para sa darating pang mas tama at karapat-dapat. Been there, still there--so I know.