Followers

July 7, 2010

isa sa mga dahilan kung bakit ayokong nagpo-post agad ay sa kadahilanang, wala namang kakwento-kwento sa mga nangyayari sa akin ngayon. well, hindi ko nga naman inoobliga ang sarili ko na magkwento ng magkwento diba? haha. hindi naman ako artista para abangan ng tao ang mga kwento ko. pero, wala lang. siguro nararamdaman ko lang na unti-unti ng nawawala yung dating excitement sa tuwing binubuksan ko ang blog ko.


ikaw? bakit ka nagba-blog? kung sa akin itatanong yan, hindi ko rin alam ang sasabihin ko. sa totoo lang, napag-trip-an ko lang naman `tong blog na to eh. wala naman talaga akong balak na ituloy `to. yung tipong meron lang ako, ganoon.


after 28 months of blogging, saka ko lang naisip na ito ang pangunahing dahilan ng pagbabbago ko. ito ang nagtutulak sa akin para gumawa ng mga out of this world things para lang may mai-kwento ako. pero ang pinaka nakakatawa eh ang dami-dami ko ng nagawa na out of this world, hindi ko naman mailagay dito dahil alam ko, alam na alam ko, may mga kamag-anak akong natuklasan na ito. patay ako pag nagkataon. as in patay na patay ako ng bonggang-bongga.


eh kasalanan ko rin naman eh. hindi ako naging maingat. pero ayos na rin. siguro gugulatin ko na lang sila sa mga kwento ko tapos kapag nagtanong, quiet na lang ako. actually hindi na nila saklaw ang pangingialam dito. gusto ko ngang baguhin ang url nito eh. pwede naman kasi. tapos hindi na nila makikita. pero ang iniisip ko, hindi na rin ata malalaman ng mga blogger friends ko yun. kung gumawa na lang kaya ako ng bago? actually nakagawa na ako ng bago eh. yun nga lang, hindi ko napanindigan ang pagi-english. hahaha! super english kasi yun eh. ay hindi, saktong english lang.


balak kong buhayin yung blog na yun under a different title. ilalagay ko doon yung totoong kwento. yung drama sa likod ng bawat halakhak. yung tapang sa bawat tintang nasayang. gusto ko ng ikwento ang lahat ng storya na hindi edited. yung hindi ako kakabahan na baka may sasabihin yung ibang tao, para bumalik ang dating popoy nung nagkahiwalay tayo(loko lang) hahaha. basta ayun. sana magawa ko. ang hirap kasi mag-maintain ng dalawang page. mahal na mahal ko itong blog na `to, eh more than two years na kasi ito eh. 


pasensiya na rin pala kung hindi ako masyadong nakakapag-bloghop. sorry mga pare, may project lang akong ginagawa. malalaman niyo rin yun. siguradong magugustuhan niyo yun. :)


o sige na.

8 comments:

casado said...

ahaha ang drama drama naman ahaha...basta mag blog ka! at dalawin mo blog ko, kasi KSP ako! bwahaha :P

Boying Opaw said...

buti na lang hindi lahat ng bagay ay kelangan hanapan ng rason kung bakit ginagawa.





parang ang labo ng sinabi ko. hahahahaha.

kikilabotz said...

ang tagal m na palang blogger..hanep hanep.. saludo..hehe


go lng ng go..

Nimmy said...

honga. tander blogger ka na pala. nyahahaha

glentot said...

Sige hihintayin namin ang project na yan! Gandahan ang structure!

paci said...

di kailangang exciting ang mangyari sa buhay. nasa pagbibigay-buhay sa mga nangyayari. =)

imsonotconio said...

ako din nahirapan din ako iwan ung dati kong blog but if its for the good then i suggets you move on

basta dont forget to tell me kung anong bagong blog mo ah hehehe!

caloy said...

soltero: sakto lang. medyo down ako lately eh.

boying: oo nga. haha

kikilabotz: utot mo. hahaha! sipain kita eh. tara shot na!

nimmy: uy hindi ah..saktuhan lang. :)

glen: utot mo. hahaha! gandahan ang structure wala, blog on!

paci: uy minsan kailangan mo din yun. shemper, para mabigyang justice mo yung pagbibigay-buhay sa isang bagay. oha oha! naks! hahaha!

imsonotconio: oo naman. kaso baka laitin mo ng laitin yun eh. hahaha!