Followers

Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

December 26, 2010

my 2010. ulol!

gagawin ko na sigurong tradisyon itong pag-gawa ng gantong klaseng post dito sa blog ko. wala lang..bakit? blog mo to? pakyu!


de, joke lang. punks nga eh. lol actually, hindi ko talaga ugali yung mag-gagawa ng diary at babasahin by the end of the year because that's so gay. lol


so start na? three parts ulit to..and kahit na iniisip ko lang lahat to, accurate to kaya wag kayong mga intrimitidang ipis! tse!


january


-kami pa ni Y.O.U
-nakilala si A. isang matandang mayaman na hindi madaling mamatay. (sayang!)
-ok. infidelity na kung infidelity. sumasama ako kay A. MINSAN.
-nagpapahiwatig ng pakikipagbalikan si I at si B. naguguluhan ako lalo.
-pumunta sa Puerto Galera alone.
-nakilala si O sa Puerto, weekend romance?
-may asawa si O. (putangina, kabit ako!)
-nakipaghiwalay kay Y.O.U
-sayang ginastos ko sa Puerto, hindi naman ako nakapag-isip.
-you made me realize that i have the right to be loved. -B.
-january 27, 2010. its official. kami na ulit ni B.
-january 31, nagkita kami ni B.
-inuman sa harbour's square. happy. :)


february

-birth month namin ni B! :)
-celebrated my birthday ng may sakit. (to the rescue si B. how sweet..) lol
-valentines na paikot-ikot lang sa MOA. saya! :)
-inom ulit sa harbour's after sa MOA. B made a promise that i will be his last love. (tangina lang diba? nag-precum ako pagkasabi niya nun lol)
-birthday ni B. 1st time ko mag-sleepover sa kanila. nag-pray kami magdamag. (kami na! kami na ang virgin!)
-nagiging weekly ang pagsi-sleepover ko kela B.
-why i have this feeling na lumalamig siya? :(

march

-kasal ng ate ni B.
-ako ang official picture-picture sa kasal.
-si B ata ang kinasal eh. mas marami pa siyang picture kaysa sa mga ikinasal. :)
-nagsisimula ng maging shaky-shaky..putangina. :(
-march 22, its official. wala na kami.
-march 22, lumandi ako. nakilala ko si R4. bestfriend ni I. one night stand. duh?
-hindi pa rin ako maka-move on kay B. haaaay.. :(
-march 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31. lasing akooooooooo!

april

-april 1, 2, 3, 4, 5, 6. lasing pa rin ako. walang tigil na ang pag-inom ko nito. as in sobrang daming alak ang ipinapaligo ko sa sarili ko.
-marami akong nakilala. si H, P, bumalik si O, si I at si C.
-nakai-isip ng paraan. titipunun ko lahat ng naging ex ni B sa isang meet-up. bahala na.
-wala ng pasok, wala ng pera. :(
-wala ng pang-inom. wala ng pang-yosi.
-kung kani-kanino ako sumasama para lang maka-inom, maka-yosi...para makalimot.
-nagkita ulit kami ni B after the breakup.
-grabeng pigil ko sa sarili kong wag ipakita sa kanya na mahal ko pa rin siya.
-grabeng pigil niya sa sarili niya na wag ipakita sa akin na mahal niya pa ko..alam ko..nararamdaman ko.
-2 ex palang ni B ang naku-contact ko. 3 more.


abangan ang part 2. yey!

December 20, 2010

kilig-filled weekend. tse!

so. ano.














ay puta! di ko alam ang ilalagay ko! hihi kasi ganto yun. bibilisan ko lang kasi mabilis lang din naman to. ganto nga, nung two weeks ago, nag-message sa akin yung asawa ng pinsan ni B. sabi "loy! (short for caloy) punta ka dito sa 19, inaanak mo tong baby ko!" eh siyempre, alangan namang tumanggi diba? blessing daw ang pag-aanak sa binyag eh, so go na ko. bigla kong naisip na "f*ck! makikita ko si B! ayokooooooo!" (weh? ayaw ba talaga?) tapos shemper, hinintay ko na mag-18. ang usapan kasi namin, by 18 dapat andun na ako asince maaga ang binyag. so go na ko dun nung saturday. tinext ko pa nga si B, sabi ko, "pupunta na ko. asan ka?" sabi niya, baka di daw kami magkita kasi marami daw siya aasikasuhin ng weekend. dadaan na lang daw siya saglit para maki-kamusta. (echuserang engkanto!)


pero pagdating ko dun, wala nga siya. :( may thanksgiving pala sila ng very early kinabukasan so kailangan niyang magpahinga ng maaga. :( sabi ko.."f*ck, sayang naman!" eh ganun talaga eh. nung una, inisip ko na hindi ko na ipipilit kasi kung di talaga pwede, bakit pa diba? kaya ayun. nagkasya na lang ako na mag-inom ng super-duper dami the night before the binyag. iniisip ko siya. iniisip ko kung bakit ko siya mahal. iniisip ko kung kaya ba namin, kung kaya ko ba. kung bakit ganito, kung bakit ganyan. sa tagal kong nag-iisip at umiinom, natumba na pala ko.


time check. nagising ako ng alas nwebe. 10 ang binyag at may 1 motherf*cking hour pa ako para mag-ayos. tinignan ko ang phone ko at may 7 texts galing kay B. puro "hoy gising na! lasing na lasing ka daw sabi nila kuya bem!" at kung anu-ano pa. nagreply ako. sabi ko "baka di ka umabot. dumaan ka na lang dito after mo diyan. please? :(" tapos sabi niya bahala na daw.


natapos ang binyag. grabe lang. sobrang na-stress ako kasi binyagang bayan pala yun. kala ko naman kami lang ang andun sa church. nakanamputput, ilang daang sanggol ang andun! grabe lang! parangf 2012 na bukas! whew! pero sa dami ng tao dun, si B pa rin ang hinahanap ko. pero mukhang malabong makita ko siya. bumalik na kami ng bahay. sabi ko magpapahinga lang ako sandali kasi halos wala pa akong yulog at may hangover pa ko. so umakyat na ako para magpahinga. after 2 hours, ready to fight na ako uli at bumaba na. pagbaba ko, nakita ko siya, nakangiti. tapos sabi niya..




"uy, kanina pa kita hinihintay.."


exaggerated lang ba ako o talagang naramdaman kong nag-palpitate ako at parang tumigil ang oras? akala ko nababasa ko lang yung mga ganun sa mga pocketbooks pero F*CK! talagang naranasan ko siya! medyo natulala ako at tumulo yung laway ko sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. hindi ko alam yung feeling na dapat kong ipakita. kung matutuwa ba ako, kikiligin, maaasar. basta halo-halo! tangina lang talaga. sobrang, kung andun ka lang at nakita mo ako, putangina siguro babatukan mo ko kasi..basta!


tapos ayun, sabay kami kumain. nagkwentuhan kami sandali tapos nag-inom na. kumanta siya sa videoke. (tuwang-tuwa ako pag naririnig ko siya kumanta) tapos yung isa (actually lahat) ng kinanta niya, parang may patama na f*cking di ko maintindihan. sige, anong ibig sabihin pag kumakanta siya ng linyang "if you ome back in my life.." tapos nakatingin sayo tapos ngingisian ka pa ng nakakaloko. diba nakaka-something? tapos kinanta na naman niya yung "just once" at "if ever your in my arms again." i actually don't know. habang kumakanta siya, pinagpapawisan ako ng malamig. para bang lahat ng tao nakatingin sa akin. oh sige, andun na yung kinikilig ako. pero f*ck, mapapaisip ka kung bakit ganun yung reaction niya habang kumakanta.


after niya kumanta, tinanong ko siya. "bakit ganun yung mga kinanta mo? parang puro malungkot tapos damang-dama mo?" tapos ngumisi lang siya sa akin. yung makahulugan. pero hindi ko alam kung anong kahulugan nun. basta alam ko meron!


maraming-marami na akong nainom. sabi ko hindi ko na kaya kaya umakyat na ako at nagpahinga. pagkatapos ng ilan pang minuto, tapos na pala ang party kaya nag-akyatan na rin ang iba. tumabi sa akin si B. pinagmasdan ko siya. habang nakatingin ako sa kanya, iniisip ko kung bakit ko siya mahal. na napkaraming tao sa mundo pero bakit siya ang pinili kong mahalin. nakatingin lang din siya sa akin. medyo matagal na rin kaming nagkakatitigan ng bigla niya akong hinila at niyakap. gulat na gulat ako. si B yung tipo ng tao na mamamatay muna siya bago mawala ang hiya niya sa katawan. pero nung gabing yun, naging agresibo siya. natuwa ako. hindi ko alam kung bakit. tapos yumakap na rin ako. yung mahigpit. yung parang hindi ko na siya papakawalan. matagal kami sa ganoong posisyon ng bigla niyang inabot ang noo ko at hinalikan. nasabi ko sa sarili ko na "putangina ano bang kabutihan ang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!"


binulungan niya ako: "na-miss mo ko?" sabi ko "tangina naman B. 9 months. 9 months mo akong tiniis tapos itatanong mo sakin kung na-miss kita? gago ka ba?" tapos tinanong niya, "mahal mo pa ba ko?" sabi ko naman, "gusto kong sabihing hindi na, pero pinipilit mo akong um-oo."


dead air.


tinanong ko siya. "na-miss mo ko?" sabi niya "tanga ako kasi 9 months kitang tiniis." tinanong ko uli, "B, mahal mo pa ba ako?" sagot naman niya, "walang nagbago. at sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko. mahal na mahal kita." sabay iyak. tangina, ang sakit sa loob na marinig siyang humikbi. :(


sabi ko, "tama na. i-kiss mo na lang ako. miss na miss na kita."


matagal kami sa ganoong pwesto hanggang sa makatulog kami. pag-gising ko, wala na siya. :(

October 29, 2010

are you?

hindi ko alam kung bakit all of a sudden, nagparamdam ka na naman. sariwa pa sa alaala ko ang mga sinabi mo noon na hindi mo na ako mahal, sinubukan mo, pero hindi mo pa rin makalimutan yung dati mo. hindi ko makakalimutan yung ipinagtulaakan mo ako palayo dahil sabi mo nasasakal ka na sa akin. eh bakit ngayon? handa ka na bang magpasakal muli? kaya mo na bang panindigan yung mga sinabi mo noon na ako ang huli mo? kaya mo na bang gawin lahat ang mga pinagsasasabi mo?


hindi ako galit sa'yo. at kahit kailan naman, hindi ako nagalit sa'yo. siguro, nasaktan lang ako ng sobra. at oo, inaamin ko, hanggang ngayon, masakit pa rin.


tanga na kung tanga (palagi naman di ba?) pero mahal pa rin (ata) kita. hindi ko sigurado. siguro unti-unti nang nawawala dahil ipinipilit ng mga tao sa paligid ko na huwag ka ng mahalin. sisirain ko lang daw ang buhay ko sa'yo. sasayangin ko na naman daw ang buhay ko kahihintay sa wala.


ngayon sasabihin mong nagbubulag-bulagan ako? eh pakyu ka pala eh! sino sa atin? ha? eh kung hindi ka ba naman isa't-kalahating gago, alam mo, as in alam mo! na ako! ako lang ang tumagal sa maderpaker mong ugali! putangina lang! kung alam lang ng buong sambayanang pilipino kung gaano kahirap magmahal ng isang B! f*ck.

September 28, 2010

quick post.

nadama ko. sa di malamang kadahilanan, ndama ko. hindi ko alam kung bakit. gusto kong ulit-ulitin sa sarili ko kung bakit ganoon. bakit nga ba?


-i dunno why but you always make my heart skip thrice. (sa mga nakakakilala sa akin personally, kilala niyo yan. pero sa mga hindi gaano, alam ko, kilala niyo rin yan. hahaha!) shet, may jowa pa naman ako ngayon.


wala lang. bigla ko kasing naramdaman. mali ito. maling-mali. :(






-naka-hiatus pa din ako. pero ayun, napa-post lang kasi sudden rage of emotion (naks) to eh.

August 27, 2010

let's bring it back!

nitong mga nakaraang araw, tuwing nagpapatugtog ako, palagi akong may naaalalang something. hindi ko rin alam kung bakit ganoon. yung bang pag naririnig mo `tong song na `to, nagpa-flashback yung mga memories as if it was yesterday? mga ganown! kaya napagpasiyahan kong gawin ang entry na ito at ng may mai-kwento sa inyo. hihi


thinking of you by katy pery


-naalala ko, nauso sa akin tong kantang `to nung ondoy. as in kasagsagan ng paglangoy-langoy ko sa baha, napapakinggan ko `to. naaalala ko rin na ito raw ang kanta sa akin ni B. lalo na yung mga line na "your'e like a hard candy with a surprise center" at "he kissed my lips, i tasted your mouth, he pulled me in, i was disgusted with myself" yung mga yun. ewan ko rin ba. sobrang heart felt tong kantang `to para sa akin. pati din pala yung line na "you said there's tons of fish in the water so the waters i will test." yun naman, ewan ko kung anong ibig sabihin nun. siguro sinasabi niya dun na mangisda na lang ako. :p


stuttering by mario


-napapasayaw ako kapag naririnig ko `tong kantang to. ang nagturo sa akin nito ay isang ex din. ayun. eh party people kasi yun kaya ganyan yung mga kantang gusto niya. in-absorb ko naman yung kanta kasi maganda. atsaka sige, party people din ako. hihi. at! may isang blogger akong kilala na love niya daw ang song na `to. party people din yun eh. :) tap out! naalala ko pa, dahil lakas hatak ako sa mga barkada ko, naging LSS din nila to for some time. partida, karamihan dun mga rockers so mapapaisip ka kung pano nila nagustuhan yan. :)


just once by james ingram


-hindi ko talaga gusto `tong kantang to. pero sa pagkakatanda ko, march 2, 2010 ko nagustuhan tong kantang `to. eh pano, kasal yun ng kapatid ni B. nag-away kami nung gabi at kinanta niya `to sa videoke. dapat magbi-break na kami nun eh. tapos binato niya pa `ko ng cellphone, natamaan ako sa tenga. pero after namin mag-usap, oks na rin. mega iyak siya nun eh. ako konti lang. hindi, joke lang. ako talaga yung mega iyak. hihi :p


undiscovered by james morrison


-ito ang pinakamaraming alaala para sa akin. where to start? hihi. pero seriously, ito ang unang kantang natutunan ko kay B. naalala ko nun, sa seaside sa MOA. nakaupo kami. nagpapalitan kami ng kanta sa cellphone. sabi niya sa akin, "maganda yan, pakinggan mo. favorite ko yan eh. lahat ng kanta ni james morrison paborito ko. idol ko yun." yan yung eksaktong sinabi niya sa akin. at pinakinggan ko. nung unang beses kong narinig, parang napaka-ordinaryo lang. pero habang tumatagal, nahihimay-himay ko yung lyrics at naisip kong i was indeed lost and he rediscovered me. ayun. hihi. hangkorni. :p kaya all-time favorite ko yang kantang yan eh. kahit hanggang ngayon na malapit na siyang umalis, alam ko, we're still rediscovering each other. :) landi much, i know. hihi.


save yourself by james morrison


-iniyakan ko `tong kantang `to. the lyrics itself said it all. :( kinanta `to ni B sa akin eh. ito ang ilan sa mga lines.


"Oh and if you stay with me
honestly it's what I want
But if you stay with me
I know I'll hurt you more.."



"So won't you save, save yourself
by leaving me now
For someone else
if I'm crying out
don't listen to it
It's only my heart
save yourself
it's only my heart.."



"And I don't want to let you go
But I know
that it's the right thing to do baby
And I don't think I'm that strong
to say goodbye
I don't wanna see you cry"

grabe lang ang hagulgol ko nun. tandang-tanda ko pa. ginawa niya pa nga yang status sa FB, wala akong nagawa.


-si citybuoy ang nagpakilala sa akin kay sara bareilles. hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyang kanta dati. pero salamat sa kanya, nagkaroon ako ng perfect song para sa sarili ko noon. nung mga panahong hindi ako maka-get over kay B. yah, si B na naman. hihi.



yung iba, next time na lang. actually, marami pa talaga `to. eh natatamad na kasi akong mag-type. :p

June 14, 2010

record breaker. 3

after 13 days of being together and on the 13th day of june, naisip kong ayoko na. siguro nga, sira ulo `ko. ayan na yung perpekto oh! nakabalandra sa harap ko pero umayaw din ako. wala lang. hindi pa rin ako maka-get over sa putanginang ex ko na ewan ko kung asan na. wala akong balita sa taong yun. ayokong i-view ang fb niya kasi hindi naman kami friends. baka isipin pa ng nga barkada ko, sino-stalk ko siya. hahahaha!


etong recent ano ko. ayun nga. masyadong perpekto para sa akin. binibigay lahat. as in lahat! minsan niya ng nabanggit na hindi niya kayang mahalin ng sabay ang sarili niya at ako. wala na raw siyang pakialam sa sarili niya kasi mahal na mahal niya raw ako. aba puta, sino ba naman ang hindi matatakot doon diba? i mean, like, duhh? kung gusto mong magmahal ng iba, matuto ka munang mahalin ang sarili mo. sinopla niya naman ako na halos dalawang taon siyang walang karelasyon. sapat na raw yun para mahalin niya ang sarili niya. hindi na ko sumagot. ako, aaminin ko, mas mahal ko ang sarili ko kesa saibang tao. eh kaya nga hirap na akong matiwala, lalong-lalo na sa aspetong pag-ibig.


atsaka, nakakasakal. puta. as in kailangan talaga i-report lahat-lahat sa kanya. lintek. eh sa nanay ko nga di ako nagpapaalam eh, tapos sa kanya pa? putangina. nahihirapan ako kasi hindi ako sanay sa ganun, siya daw gusto daw ginaganun siya. edi putangina mag-report siya sa sarili niya, puta siya! naiinis ako kasi tanga-tanga ko din puta ko, nakipag-commit ako agad. siguro na-excite lang ako kasi may bago.


naiinis din ako kapag nakakarinig ako ng forever sa kanya. pucha naman oh. saan ka ba nakakita ng dalawang bading na forever na nagsama/ i mean, forever doesn't even exist, right? nabubulagan sa pag-ibig, whew!


ako kasi, simula ng ano..nito lang, hindi na `ko naniniwala sa forever, or minsan kahit sa pag-ibig na mismo. para bang hindi na siya nag-e-exist? ganon. para bang, wala ka naman ibang makakasama sa pagtanda mo kundi sarili mo lang. puta, kapag nag-asawa ka ngayon, maglolokohan na lang din naman kayo. kaya mas mabuti pa, anakan mo na lang. at least, may punla ka, pero iiwan ka rin pala ng anak mo kaya wag ka na lang pala mag-anak. i-treasure mo na lang ang mga kapitbahay mo kasi pagdating ng panahon na isusugod ka na sa ospital kasi kina-cardiac arrest ka na, sila ang magsusugod sa'yo at sila na rin makikinabang sa mga inipon mong yaman. kaya isa pang payo, mamundok ka na lang kung ayaw mong ipamahagi yung yaman mo.


putangina, puro kabaliwan talaga ang mga pinaglalalagay ko rito. nyemas.