Followers

December 20, 2010

kilig-filled weekend. tse!

so. ano.














ay puta! di ko alam ang ilalagay ko! hihi kasi ganto yun. bibilisan ko lang kasi mabilis lang din naman to. ganto nga, nung two weeks ago, nag-message sa akin yung asawa ng pinsan ni B. sabi "loy! (short for caloy) punta ka dito sa 19, inaanak mo tong baby ko!" eh siyempre, alangan namang tumanggi diba? blessing daw ang pag-aanak sa binyag eh, so go na ko. bigla kong naisip na "f*ck! makikita ko si B! ayokooooooo!" (weh? ayaw ba talaga?) tapos shemper, hinintay ko na mag-18. ang usapan kasi namin, by 18 dapat andun na ako asince maaga ang binyag. so go na ko dun nung saturday. tinext ko pa nga si B, sabi ko, "pupunta na ko. asan ka?" sabi niya, baka di daw kami magkita kasi marami daw siya aasikasuhin ng weekend. dadaan na lang daw siya saglit para maki-kamusta. (echuserang engkanto!)


pero pagdating ko dun, wala nga siya. :( may thanksgiving pala sila ng very early kinabukasan so kailangan niyang magpahinga ng maaga. :( sabi ko.."f*ck, sayang naman!" eh ganun talaga eh. nung una, inisip ko na hindi ko na ipipilit kasi kung di talaga pwede, bakit pa diba? kaya ayun. nagkasya na lang ako na mag-inom ng super-duper dami the night before the binyag. iniisip ko siya. iniisip ko kung bakit ko siya mahal. iniisip ko kung kaya ba namin, kung kaya ko ba. kung bakit ganito, kung bakit ganyan. sa tagal kong nag-iisip at umiinom, natumba na pala ko.


time check. nagising ako ng alas nwebe. 10 ang binyag at may 1 motherf*cking hour pa ako para mag-ayos. tinignan ko ang phone ko at may 7 texts galing kay B. puro "hoy gising na! lasing na lasing ka daw sabi nila kuya bem!" at kung anu-ano pa. nagreply ako. sabi ko "baka di ka umabot. dumaan ka na lang dito after mo diyan. please? :(" tapos sabi niya bahala na daw.


natapos ang binyag. grabe lang. sobrang na-stress ako kasi binyagang bayan pala yun. kala ko naman kami lang ang andun sa church. nakanamputput, ilang daang sanggol ang andun! grabe lang! parangf 2012 na bukas! whew! pero sa dami ng tao dun, si B pa rin ang hinahanap ko. pero mukhang malabong makita ko siya. bumalik na kami ng bahay. sabi ko magpapahinga lang ako sandali kasi halos wala pa akong yulog at may hangover pa ko. so umakyat na ako para magpahinga. after 2 hours, ready to fight na ako uli at bumaba na. pagbaba ko, nakita ko siya, nakangiti. tapos sabi niya..




"uy, kanina pa kita hinihintay.."


exaggerated lang ba ako o talagang naramdaman kong nag-palpitate ako at parang tumigil ang oras? akala ko nababasa ko lang yung mga ganun sa mga pocketbooks pero F*CK! talagang naranasan ko siya! medyo natulala ako at tumulo yung laway ko sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. hindi ko alam yung feeling na dapat kong ipakita. kung matutuwa ba ako, kikiligin, maaasar. basta halo-halo! tangina lang talaga. sobrang, kung andun ka lang at nakita mo ako, putangina siguro babatukan mo ko kasi..basta!


tapos ayun, sabay kami kumain. nagkwentuhan kami sandali tapos nag-inom na. kumanta siya sa videoke. (tuwang-tuwa ako pag naririnig ko siya kumanta) tapos yung isa (actually lahat) ng kinanta niya, parang may patama na f*cking di ko maintindihan. sige, anong ibig sabihin pag kumakanta siya ng linyang "if you ome back in my life.." tapos nakatingin sayo tapos ngingisian ka pa ng nakakaloko. diba nakaka-something? tapos kinanta na naman niya yung "just once" at "if ever your in my arms again." i actually don't know. habang kumakanta siya, pinagpapawisan ako ng malamig. para bang lahat ng tao nakatingin sa akin. oh sige, andun na yung kinikilig ako. pero f*ck, mapapaisip ka kung bakit ganun yung reaction niya habang kumakanta.


after niya kumanta, tinanong ko siya. "bakit ganun yung mga kinanta mo? parang puro malungkot tapos damang-dama mo?" tapos ngumisi lang siya sa akin. yung makahulugan. pero hindi ko alam kung anong kahulugan nun. basta alam ko meron!


maraming-marami na akong nainom. sabi ko hindi ko na kaya kaya umakyat na ako at nagpahinga. pagkatapos ng ilan pang minuto, tapos na pala ang party kaya nag-akyatan na rin ang iba. tumabi sa akin si B. pinagmasdan ko siya. habang nakatingin ako sa kanya, iniisip ko kung bakit ko siya mahal. na napkaraming tao sa mundo pero bakit siya ang pinili kong mahalin. nakatingin lang din siya sa akin. medyo matagal na rin kaming nagkakatitigan ng bigla niya akong hinila at niyakap. gulat na gulat ako. si B yung tipo ng tao na mamamatay muna siya bago mawala ang hiya niya sa katawan. pero nung gabing yun, naging agresibo siya. natuwa ako. hindi ko alam kung bakit. tapos yumakap na rin ako. yung mahigpit. yung parang hindi ko na siya papakawalan. matagal kami sa ganoong posisyon ng bigla niyang inabot ang noo ko at hinalikan. nasabi ko sa sarili ko na "putangina ano bang kabutihan ang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!"


binulungan niya ako: "na-miss mo ko?" sabi ko "tangina naman B. 9 months. 9 months mo akong tiniis tapos itatanong mo sakin kung na-miss kita? gago ka ba?" tapos tinanong niya, "mahal mo pa ba ko?" sabi ko naman, "gusto kong sabihing hindi na, pero pinipilit mo akong um-oo."


dead air.


tinanong ko siya. "na-miss mo ko?" sabi niya "tanga ako kasi 9 months kitang tiniis." tinanong ko uli, "B, mahal mo pa ba ako?" sagot naman niya, "walang nagbago. at sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko. mahal na mahal kita." sabay iyak. tangina, ang sakit sa loob na marinig siyang humikbi. :(


sabi ko, "tama na. i-kiss mo na lang ako. miss na miss na kita."


matagal kami sa ganoong pwesto hanggang sa makatulog kami. pag-gising ko, wala na siya. :(

13 comments:

glentot said...

"uy, kanina pa kita hinihintay.."

-GUSH moment. Ilang droplets??? Hehehe

Ramdam na ramdam ko naman ang kakiligan mo kung ako lang ang Lola mo kinurot na kita sa singit malandi kang bata ka!

jc said...

lungkot amp. hays. :(

shenanigans said...

taena! ang hirap ng sitwasyon mo.. parang nakakarelate ako sau at ramdam na ramdam ko yung bigat na nararamdaman mo.. ang hirap nga!

naisip ko.. pagkatapos ng mga pinagusapan nio nung gabing magka yakap kayo bakit bigla siyang nawala nung umaga? ibig kong sabihin... anu kaya ibig NIYANG sabihin dun?


tsismosa lang! haha!


dati kung naaalala mo pa. nung nakausap kita sa phone sinasabi ko sayo na kalimutan mo na si B wala kang mapapala sa kanya or sinasabi ko sayo wag kang magpaka tanga sa kanya ngayong nabasa ko toh at naiintindihan na kita ng lubos.... gusto kong sabihin sayo na hintayin mo siya pero bilang kaibigan mo siyempre ayoko naman na masaktan ka everytime na papaasahin ka niya. mahirap yan caloy.... ewan ko! di ko alam sasabihin ko

haha!

smile ka lang ha?! lalo na yung tawa mo nakakamiss...

merry christmas

mr.nightcrawler said...

i was once involved in a relationship na hindi pwede... habang pinipilit, lalong lumalala. even though i loved her, i had to let her go... and now, i'm glad i did kasi pareho na kaming masaya at magkaibigan na kami ngayon. i'm not telling you what to do pero sana maging masaya ka and i hope everything works out for you. advance merry christmas.

soltero said...

bket kc natulog kapa, sana magdamag mo syang tinitigan! inuuna pa kasi yang pag inom! hayssst, sana sober ka that nite para lalo mong naramdaman!

KUMAGCOW said...

"Where are you now? 'Cause I'm thinking of you
You showed me how, how to live like I do
If it wasn't for you, I would never be who I am"


Pang LSS after reading this post hehe

Leo said...

in fairness, bet ko ung title... kasi parang nauwi sa "tse" ang mga sandali... naimagine ko rin kung paano ka kiligin. :) hope everything turns out well...

Royce King said...

Shet lang! I love the dialogues! Pang movie! One More Chance ang drama?! PAK!

Ex Jason said...

hindi ko alam kung bakit, pero dun ako kinilig sa "hoy gising na! lasing na lasing ka daw". lol.

so ang tanong ng bayan: anu na?

Tsina said...

Aw. Sayang!!

Jepoy said...

tawa ako ng tawa sa echuserang engkanto. bagong litanya nanaman sakin ahahahha

Ang landi lang ng dulo parang korea nobela lang. Che!

melovesflying said...

Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks and Merry Christmas! :)

Supladong Office Boy said...

It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.

Happy Holidays Caloy! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)

Merry Christmas and Happy New Year!