Followers

July 27, 2010

tatak.

parang hindi na ako ang sarili ko.
hindi na ako `to.
bakit kailangan kong gumising bawat araw na nag-iisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat isipin?
pagsubok ba `to?
ako ba talaga `to?
o ito yung gusto kong maging ako?
mas gusto ko yung dating ako.
yung simple lang.
yung sakto lang.
yung akong-ako.
bakit kailangan kong magbago?
at bakit mas gusto ng tao ang bagong ako?
at bakit pinipilit kong nagbago ako?
siguro,
nagbago ako dahil naka-apekto ng matindi yung mga nangyari sa akin noon.
na hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon.
hindi na ako marunong magtiwala.
lahat ng tao, manloloko.
lahat ng tao, iiwan ka.
napatunayan ko na kasi.
kung anong ginawa nila,
gagawin ko rin sa kanila.
pero kahit maayos na lahat,
ginagawa ko pa rin yung mga bagay na nakasanayan ko ng gawin.
kaya siguro walang nangyayari.
kaya siguro lahat ng tao, manloloko.
kasi niloloko ko na rin sila.

13 comments:

Boying Opaw said...

ikaw na ang pinaka magaling manloko. haha. =)

orallyours said...

hala, naglolokohan na lang.
Idealism is what precedes experience, cynicism is what follows (d.wolf)

ʎonqʎʇıɔ said...

Iisa ang culprit and it may seem cliche but it's true. Haha hormones. 'nuff said. hee hee

rico de buco said...

pansin ko lang masyado ka ng malungkot..tsk tsk dapat magsaya ka din mahirap yang gnyan...tc

nagbago na ko ng bahay pati pangalan

http://soo-yakee.blogspot.com

glentot said...

Naalala ko bigla si Arvin dela Pena! Hehehe joke

soltero said...

hay naku niloloko mo lang pala kami ayoko na pumunta dito ...

bwahahhahaha ;P

luko-luko ka tlaga! maghunos dili ka nga! isang araw gigising ka, babalik ka sa dating ikaw!

cheers! :P

lars (not my real name) said...

bakit mo naman hinayaang lokohin ka? baka masyado ka rin kasi nagtiwala. wala nang matinong tao ngayon!

we all live in a world full of lies and deceit. it's up to you how you handle it. life is unfair. simula pa dati. and you can't do anything about it so live with it.

Jepoy said...

skip read. Ang ganda ng structure and i love the honesty of this post.

Mac Callister said...

hehehe atleast na realized mo na!wag na kasi manloko! :-)

kikilabotz said...

hahaha. ang saya saya ngpost na ito grabe tawa ako ng tawa. hahaha..

joke

nu k b? enjoy life

pusang kalye said...

you cannot throw mud on other people without getting yourself dirty in the process....

caloy said...

boying: oy hindi ah?

orallyours: uso naman yun ngayon. hahaha!

citybuwi: wala akong naintindihan. hahaha!

rico: bakit? anong nangyari sa luma mo?

*hindi ko papansinin ang sumunod na nag-comment. imbyerna me much. hahaha!*

soltero: antagal! excited na ko! hahaha!

jepoy: ganyan ka naman eh! ayheytyaw!

mac callister: ginagawa ko lang yung ginagawa sakin. hahaha! :)

kikilabotz: utot mo. kaya ka nandito ay para sa i love ipis very very well mo!

pusang kalye: kaya nga uunahin ko muna yung akin. humanda kayo. muhahahaha! loko lang.

imsonotconio said...

muah hugs!