Followers

July 22, 2010

project.

hindi naman talaga masaya itong post na to. wala lang. to have something new lang. haha

these past few days, puro ka-BV-han lang ang mga pinagsususulat ko. wala eh..wala naman talagang matinong nangyayari sa buhay ko. pwera na lang kung ang pag-uusapan ay ang project ko! yipeeee!

well, itong project na ito which is entitled in full details ay isang kwento base sa tunay na buhay. natutuwa ako dito sa story na ito dahil akong-ako. well, ako naman talaga. pero half-half kasi siya eh. parang sinusulat ko na ang talambuhay ko with a different twist. madali siya dahil storya ko siya. mahirap siya kasi storya ko pa rin siya. half fiction, half real. eto yung storya na sobrang pinagpupuyatan ko, sobrang pinag-iisipan kong mabuti. ayoko kasing lumabas na panget, alam kong magre-reflect sa akin yun as a writer. tama po ba?

ayun. nakakalungkot lang kasi kailangan kong balikan ang lahat ng dark times ng buhay ko. kailangan kong i-relive yung mga moments na sobrang down ako. babalikan ko lahat ng masasamang bagay.

pero ang isa pang masaya dun, mababalikan ko lahat ng masasayang bagay. :) pero dahil half fiction siya, kailangang paganahin ko ang jutakels ko para maging melodramatic pag nagi-emo emo siya. balak ko pa ngang i-extremes yun eh. yung tipong melodrama na bonggang-bongga. kaso yung mga tao ngayon, ang gusto eh yung mga light lang. yung mga feel good story kumbaga.

ngayon, may dillemma ako. (yes naman! dumi-dillemma na ko! hahahaha!) ito ay ang pagbabago ko ng plot. gusto kong baguhin kasi medyo ang O.A ng conflict. may patayan galore. hahahaha! kala mo teleserye ang puta. hahahah! pero ito talaga yung pinaka-story.


umiikot ang storya kay JC o Jiovanni Carlisle. isang 17 year old HRM student. simple lang na tao. may pagka-weird. tahimik. kumakain ng buhay na manok(loko lang) at tahimik na namumuhay kasama ng pamilya niya. magbabago ang takbo ng buhay niya ng magrebelde siya at lumayas sa kanila. doon niya nadiskubre na hindi pala siya straight at masusubaybayan natin ang mga magiging pagbabago sa kanya. imagine, from super weirdo(freak) nerdy nerdy eh naging super hot(wag pumalag, ang kumontra, may kiss! hahahaha!) super conceited and over confident. naging happy-go-lucky na rin ang hayop. basta marami pa eh. patikim pa lang yan. hahahaha!

sana talaga maging maayos yung project na yun kasi super nagagandahan ako sa concept. nakuha ko kasi yung concept na yun from a blogger tapos naisip kong gumawa ng akin. hindi ko naman sa ginaya, pero alam ko unique yung akin. bastaaaaaaaaaaaaaaaa! hahahaha! sabihin na lang natin na sobrang ina-admire ko yung blogger na yun dahil oh so galing and oh so astig niya. :)



so basically, ang story talaga nun eh from straight transforming into bekimon! hahahaha!

9 comments:

glentot said...

Hahaha dalian mo na tapusin para mabasa na namin at nang may mapag-usapan kami haha

Nimmy said...

bilisan mo dyan. naiinip na ako. lol

Jepoy said...

Carlisle talaga?!!!! Sana lang hindi bampira bampira 'to para hindi ma-skip read.

Saan namin mababasa itong project na'to?

Felipe said...

I-dedicate ko sa iyo ang kantang I'm Every Woman.

anteros' dominion said...

anak, pabasa ako :)

ʎonqʎʇıɔ said...

gusto ko yan! excited na ako.

at tama ka, mahirap talaga when you're writing something na ikaw na ikaw. pero the fun us in exposing enough to make the story real but hiding enough parin para hindi ka maubusan.

dali! dali na! now na!

soltero said...

hmm pagkaka kitaan ba yan? magkakaron ka rin ba ng book launching? ahhaha :P

imsonotconio said...

goodluck!

caloy said...

glen: utot mo! hindi ko na itutuloy kasi alam ko lalaitin mo lang ako. hahaha!

nimmy: sige, mainip ka pa. hahaha! apat na buwan ko ng ginagawa yun pero di pa rin ako natutuwa sa kwento. hahaha!

jepoy: asanes! ayoko nga nung mga movie movie about bampira eh. eeeewness to death!

felipe: bakit naman? hahaha! bading na bading eh

AD: oo naman po.

citybuwi: oo. kulang na lang makipag-acrobat ako sa giraffe para maiayos yun. hahaha!

soltero: bibigyan kita ng rights tapos ibenta mo diyan. ipa-xerox mo na lang tapos patungan mo ng mga 2 dollars. hahaha! 60/40 tayo okay ba yun? whahaha!

imsonotconio: tantanan mo ko! ganyan din comment mo kay soltero sa isa niyang post! hahaha! yung comment mo mukha ng group message. hahaha! :)