Followers

June 24, 2010

the three-month message.

kumusta ka na? wala lang. after what happened to formspring, ngayon lang ako nagkaroon ng tapang para i-message ka. sorry pala ulit. hindi ko alam na nagalit ka dahil dun. sorry din pala sa ginawa ni *** (insert nickname here), i know, that is so pathetic. hindi ko rin alam kung bakit niya ginawa yun. we broke up. nakipaghiwalay na ako. ayokong lokohin yung sarili ko. ayokong makipag-commit sa taong hindi ko talaga mahal. nung nakilala ko siya, akala ko, ikaw siya. nurse din, kumakanta rin. akala ko mahal ko siya.  i said to myself, finally, hindi na kita mahal. pero nagkamali ako, nakikita ko lang pala siya sa'yo kaya napa-oo ako sa relasyong yun.


alam mo, bitter na kung bitter, pero, masakit pa rin. :( akala ko, pag lumandi ako, makakalimutan na kita. seriously speaking, after our break up, marami akong naging ka-relasyon. pero ni-isa sa kanila, hindi kita nahanap. well, i guess, nag-iisa ka nga.


araw-araw kitang iniisip. hindi na nawala sa sistema ko na tignan ang profile mo kahit hindi tayo friends. ang pathetic no? para akong stalker. dun ako masaya eh. makita ko lang picture mo, ok na `ko. ikaw at nananatiling ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. yung mga pangarap ko (natin, dati) ay hindi ko pa rin binibitawan. umaasa pa rin kasi ako na babalik ka. na mauuntog ka uli at makikita mo `ko. hindi ko sinasabi `to para bumalik ka sa akin. ewan ko, imposible na nga yatang mangyari yun. pero still, naghihintay at maghihintay pa rin ako. ewan ko, eh sa mahal kita eh. pinilit ko namang mawala lahat ng nararamdaman ko, pero hindi ko magawa. alam mo, nakakatawa pa nga eh. kasi tuwing 27, suot ko yung i ♥ changi airport and i make it to a point na ako lang at si jaco/baloy ang magkasama sa buong araw. sabihin mo ng baliw ako, ayos lang sa akin. hahaha.


sana, hindi ka na galit sa akin. sana lang naman. pero kung galit ka pa, ok lang. kaya kong hintayin yung araw na mapatawad mo ako. dahil lang ba dun sa formspring kaya ka galit sa akin? o marami pang iba? kung gusto mong sagutin to, edi good. kung ayaw mo naman, hindi naman kita pipilitin. sige, bye. :)


-hindi mo naman siguro itatanong kung mahal pa kita. pero in case na itanong mo yun sa sarili mo, ako na ang sasagot: oo. mahal pa rin. mahal na mahal na parang walang nangyari. mahal na mahal na parang kahapon lang nangyari ang lahat.






(eksaktong 3 months after the break up, nag-message ako sa ex ko. wala lang. kating-kati na kasi ako. hindi ko na kaya. kailangan kong makatanggap ng kahit anong reply sa kanya. mapa-"putanginamo hayop mamatay ka na" o "mahal pa rin kita" eh tatanggapin ko talaga, basta malaman ko lang na buhay pa siya, na okay siya, na naaalala niya pa rin ako kahit paminsan-minsan lang.


clearly stated naman na hindi ako nakikipagbalikan, pero hindi ko rin isinasara ang pinto ko para sa iba pang oportunidad. ewan ko. as in ewan ko! sa dinami-rami ng naka-relasyon ko, hindi ko talaga siya makalimutan. putangina, tama nga, first love never dies..)


matagal nang nasa drafts to. ngayon lang ako nagkatapang i-post. :(

17 comments:

caloy said...

sa mga magko-comment: okay! alam ko! tanga ako! hindi ako makapag-move on! hindi niyo na kailangang paulit-ulitin! hahaha!

imsonotconio said...

nakakarelate me hay! hugs!

SOLTERO said...

ang tanga mo! mag move on ka na! hayssst!

ahahahaha :P

seriously, u should move on. i guess nakapag nove on na sya. find happiness sa ibang person :P

Mac Callister said...

sinend mo yan sa kanya?i find it sweet and stupid...kidding! atleast honest ka e sa yun ang nararamdaman mo e bakit bah keber!

sana if sumagot siya ng di maganda,as whay they say, time heals all wound,makakalimutan mo din siya..

anteros' dominion said...

ang anak ko talaga..nagmana sa ama..ayun oh, meh ganung factor?!

ayabyupoh.. :)

Jepoy said...

well i like the structure of this post...

mamatay na mga hindi makapag move on nangugulo pa ng buhay ng may buhay..Joke ahhaha

:-D

jepoy dacuycoy said...

ang daling sabihing magmove on, pero sa totoo lang diba ang hirap gawin?

depende sa kapasidad ng isang tao kung paano nya gagawin ang proseso ng pagmove on. sa case mo, medyo mabagal, ask yourself why? pero hindi ka namin masisisi, hindi kasalanan ang magmahal, ang pagibig.

pero kung yung taong mahal mo eh ok na naman, at nakamove on na nga, i guess, maging happy ka na lang sa kanya. tanggapin mo sa sarili mo na minsan eh naging parte sya ng buhay mo. darating ang mga pagkakataong maiisip mo pa rin sya, pero sa mga pagkakataong ganun, dapat hindi ka malulungkot, dapat makakangiti ka, magiging masaya ka, para sa kanya.

caloy, hindi ka tanga. hindi katangahan ang ginawa mo. kudos to you sa pagaccept na katangahan ang ginawa mo pero no, hindi ito katangahan. lahat tayo may tendencies na gumawa ng ganito. parte yan ng pagmamahal, ng pagibig. :)

magdasal at humingi ng Peace sa Kanya, para sa ikakatahimik ng puso mo. :)

goyo said...

move on. :)

madaling sabihin mahirap gawin. demet!

engel said...

dapat sa post na to dinelete!!! :P

kikilabotz said...

iiyak n yan si caloy. haha

nu k b? wag m talga hanapin sa iba ang katangian ng iba..hnd m talga mkikita un.hehe

Nimmy said...

awwwwwww. makakalimutan mo rin sya kapag may nameet ka na taong mas mahal mo kesa kanya.

tama na ang emo! date date date! :)

Yas Jayson said...

ay kaloy, napupuno ka ng drama.

feeling ko lang alam ko to pero hindi. hug na lang ang maibibigay ko dahil sa tangkad mong bata ka. lol

mabuhay ang mga first love.

FerBert said...

baka naman kase magaling sya...










magaling syang magmahal.


so hindi din kita masisisi kung bakit ka nagkakaganyan.

caloy said...

imsonotconio: really? hahaha! di nga? eh diba...wala lang. hahaha!

soltero: ayokong i-post yung reply niya! baka sabihin niyo ang tanga-tanga namin! hahaha! we know right? haha!

mac callister: sumagot siya..yun nga lang..nahihiya ako i-post eh..kilig much. ♥

AD: hindi rin! hahaha! marami pagbabago. halavet!

jepoy: sisipain kita! hahaha! blog on! hahaha!

orn orn: ay..pinagalitan ako oh? hahaha! may libre pang preaching! hahaha!

goyo: i know right! hahaha! pero minsan i left din. hahaha!

engel: isa ka pa! kala ko ba hiatus ka? anong ginagawa mo dito? chos! hahaha!

kikilabotz: hindi ako iiyak! kala mo diyan! inom na lang tayo! hahaha!

nimmy: ayoko na makipagdate! lumalabas lahat ng acrobatics ko sa kalandian! hahaha!

yas: utot mo! magkasing tanda lang tayo! tse! hahaha!

ferbert: opo nga po. hahaha! magaling na magaling siya! :)

glentot said...

Hahaha ganyan rin ako noon yung tipong kahit paramdam lang na buhay, satisfied ka na kasi feeling mo wala na sya sa mundo at mag-isa ka na lang kapag hindi sya nagparamdam.

Pero makakalampas ka rin diyan kasi kung hindi man yan magwork, meron at merong magwowork.

At kung walang magwork eh di wala. Required ba magkajowa?

Putangina ang seryoso ng comment ko erase erase!

devil_under_light said...

quote of the day ko to: "pag lumandi ako, makakalimutan na kita." pa plagiarize ha. epic eh. (=

caloy said...

glen: tangina ka! ok na sana eh! mag-iiba na sana ang tingin ko sayo! binawi mo pa! hahahaha! pero, hindi naman required na magka-jowa. ginawa ko yun kasi pakiramdam ko, hindi niya pa ako napapatawad sa ginawa ko (kung meron man akong nagawa) atsaka para malaman niya rin na nage-exist pa rin naman ako. :)

devil-under_light: sige lang. libre naman yan eh. hahaha! salamat sa pagbisita. :)