Followers

April 14, 2010

sino si caloy?

sino si caloy? haha, hindi ko rin alam. gago yun eh, tarantado pa. masyadong bulakbol. pero sabi naman ng mga tao sa paligid niya, may alam naman siya, tamad nga lang talaga. yun din yung taong mas nagpapahalaga ng mga natututunan sa labas ng school. lagi niya kasing sinasabi na ang acads, hanggang school lang. pagka-graduate mo, diskarte mo na yung buhay mo, ke may pinag-aralan ka o wala.


sino si caloy? ang taong literal. sarcastic. pilosopo. sa una matutuwa kang kausap siya, pero mapipikon ka rin. asar-talo yun kahit mahilig mang-asar. epal din yun kung minsan. conceited pa. nakakahiya ngang kasama yun eh. poging-pogi din siya sa sarili niya. ewan ko ba dun. pero inilalagay niya ang sarili niya sa tamang lugar, sa tamang oras. kaya siguro, madalas, hindi siya naiintindihan ng ibang tao, minsan kasi, hindi mo alam kung kailan siya nagbibiro o kung kailan nagsasabi ng totoo. tarantado nga.


sino si caloy? nagpupumilit magsulat. may mga nagsasabi na marunong o magaling daw siya, pero siya sa sarili niya, hindi niya maramdaman yun. parang walang kwenta. wala lang. eh naman kasi eh..basta, frustrated talaga ang hayop. nakakaawa na nga kung minsan. kung ako siya, susunugin ko lahat ng sinulat niya! hahaha! o kaya pamparikit sa uling. hahahaha!


sino si caloy? ang taong punong-puno ng kalibugan. hindi na ata naubos ang kati at init nun sa katawan. gasgas na ang palad ng magkabilang kamay kakamarya. adventurous yun pagdating sa sex. hindi naman adventurous, more like desperate. kung sino-sino na nakaka-do niyan. as in! buti nga hindi nagkakasakit ang puta. maingat naman kasi, maarte pa. gusto may ganit-ganyan, para daw safe. pero ngayon, abstain daw eh. nagbe-behave na. gusto daw magbago.


sino si caloy? player yan. sira ulo eh. masyado atang in-embrace yung katagang "maglaro habang bata pa" kaya ayun, laro ng laro. pero umpisa pa lang naman, nililinaw niya na maglalaro lang siya. malas ng mga nakakalaro niya, sa huli, sineseryoso, iyak-iyak tuloy. kung iisipin, parang wala siyang konsensiya, eh kaso, pinagsabihan naman niya eh, hindi lang talaga sila nakinig.


sino si caloy? malakas na tao yan! walang kinatatakutan! pero duwag. ayaw masaktan. simula nung huling beses nasaktan, hindi na nagkaroon ng lakas ng loob para magtiwalang muli. akala niya, lahat ng tao, manloloko, kaya uunahan niya, lolokohin na niya bago pa siya maloko. wala na siyang kapasidad para umibig. takot na. sabi nga niya, lalandi na lang daw siya ng lalandi, at least daw, walang masakit. walang pagsisisi, walang lokohan.




naaawa ako sa kanya. kabata-bata, ganyan na siya. haaaaaay..nakakaawa talaga.

16 comments:

glentot said...

Pa-base muna mamaya na magbabasa hahahaha

glentot said...

Ayan tapos na basahin. In summary, pokpok si Caloy wahahaha joke.

Seryoso, at least kilala na ni Caloy ang sarili nya, alam nya ang mga kamalian at kapangitan sa ugali nya, at alam nya ang mga dapat nyang baguhin... gaya ng...

Matutong gumamit ng lotion sa pagmamarya bwahihi.

JR said...

Nakarelate ako..At least bata ka nagkaganyan..e ako late bloomer..late lumandi hahaha..Nice to know you Caloy, di ka pa lang nakakakita ng katapat mo ;-)

Jepoy said...

Sino si Caloy? Edi EMO :-D

kamusta na tonsillitis mo sir?

caloy said...

@glen hoy hindi ako pokpok! hahaha! atsaka sa pagmamarya, marunong na pala ako gumamit ng paa, o kaya palad ng iba. hahaha!

@JR nakakita na ako ng katapat ko. hahahaha! kala mo no! :)

@jepoy hindi ako emo? hahaha! sino satin? :) oks na tonsilitis ko, magaling na magaling na. yehey!

gillboard said...

sino si caloy? matampuhing bata... hehehe

Trese said...

hehehe... :)
nice one caloy

ʎonqʎʇıɔ said...

caloy caloy caloy.. si caloy na walang malay.

WALANG MALAY SI CALOY?! !#@*%^!@

lol sorry walang saysay comment ko. srsly tho, nice introspection. there are a few things i don't agree with. i guess masyado lang akong bilib sayo. chos

Mac Callister said...

mirror mirror on the wall ba ito?hehe

hey nice to read ur posts,nice.natawa ako dun sa kakamarya!LOL

caloy said...

@gillboard hindi matampuhing bata si caloy. may dahilan lang talaga kung bakit siya ganun. DIBA?

@trese asan ang nice dito? hahaha! para ngang ipinagkakanulo ko na ang sarili ko eh. :)

@ʎonqʎʇıɔ haha! bilib ka sa akin? san banda? whaha! parang hindi naman? :)

@MC ay gusto mo rin? haha

ʎonqʎʇıɔ said...

weh di nga? mamatay na fishing? lol

KESO said...

may mga term dito na di ko alam like pagmamarya? at parang ayoko ng alamin kung ano man yon. haha.

mjomesa said...

pagmamarya...wahahaha..churva ka talaga...

caloy said...

@keso hindi ko alam yung conter term for girls kaya hindi kita mapapaliwanagan. hahahaha!

@mjomesa haha! ganun talaga. :)

imsonotconio said...

hi caloy lol

caloy said...

@imsonotconio hi din. haha