Followers

April 17, 2010

ang una at ang huli..(part1)

minsan sa buhay ng isang tao, may darating na alam mong makakapagpabago ng buhay mo. yung taong mapaghuhugutan mo ng inspirasyon, ng lakas, ng determinasyon para mabuhay. pero mas swerte ako sa karamihan. dalawang beses kasi siyang dumating sa buhay ko. sino siya? ikukwento ko.


noon, wala pa akong kamuwang-muwang sa buhay. seryoso. tanga-tanga pa ko nun. (sabagay, hanggang ngayon naman. so what's the difference? haha!) pero seriously, dati kasi akala ko, ok na ako sa mga taong nakakasalamuha ko. friends and family, okay na. hindi pa ako nakakaramdam ng kulang factor sa buhay ko. natatakot na kasi akong ibigay ang puso ko sa iba. (naks!) kaya hirap din akong makahanap nun ng karelasyon. hindi naman sa naghahanap ako. pero mailap nga siguro sa akin ang tunay na pagibig.


hanggang sa isang araw nga, nag-iinternet ako sa phone ko. may nakita akong social networking site na may chat-chat pa. so ayun, inaya ko nga yung mga barkada kong magregister dun. tuwang-tuwa ako kasi masarap palang manlait (opo. dun po ata nagsimula ang mga lait skills ko. hahaha!) marami kasing mga nagpopost dun na posing ng jejemon. (alam mo ba ang jejemon? yun yung mga taong kung magtext eh pRaNg cRaH aNg kEyfAd dHahiL kHUnG aNU-aNU aHNG nHAiiMbHENt0nG wORdZz..aJejejE..) nakakatawa yung mga jejemon na yun kaya ayun..wala kaming ibang ginawa ng mga barkada ko kundi magsearch ng magsearch ng mga mukha ng mga lintek na jejemons na yan. hahaha!


hanggang sa nagkaroon nga ng contest sa site na yun. nung una, inisip kong ang pathetic ng contest pero sumali ako. hahaha! isipin mo ba naman, ang mga kalaban mo, mga jejemon. pero sa di inaasahang pangyayari, nanalo ako. ewan ko rin kung bakit nagpapapatol ako sa mga ka-chep-ang yun. pero okay na rin panalo naman eh. hahaha!


simula nun, napakarami, as in NAPAKARAMI ko ng natatanggap na mga PM na kesyo ganito-ganyan daw ako at ganit-ganyan daw nila ako. yung iba nga, sobrang extremes. nagtatapat kasi sila ng pagibig nila sa akin! seryoso! hindi naman sa ineentertain ko lahat ng mga Pms nila pero binabasa ko lahat kasi yung iba, aminin na natin na flattering naman talaga. tapos yung ibang sobrang nakakatawa, pinapabasa ko sa mga barkada ko. hagalpakan kami lagi sa tawa tuwing may pinapabasa akong jejemon message sa kanila.


marami akong nabasang mga message. as in maraming-marami. bukod pa dun yung mga comment nila sa picture ko na siyang nagpapanalo sa akin. pero meron isang message na talagang nakakuha ng atensiyon ko. siya yung...




itutuloy. :) 

9 comments:

Aris said...

ay, bitin. sino kaya ito? :)

Ronnie said...

JEJEMONS are cool.. NOT! hahah

can't wait for the second part.

mjomesa said...

bat ba naiimbyerna kayo sa mga jejemons? well, leave them alone. Their population's diminishing. hahah.

caloy said...

@aris someone who's not from the blogging world. :)

@ronnie wala ng second part yan. hahaha! loko lang.

@mjomesa sana nga. :) hanggang maubos yang mga kinginang jejemon na yan. hahaha!

Leo said...

e0w puh! wahahaha. taragis yan.

hehe. kabitin naman ung kwento. in fairness... nakakahook naman.

ung mga jejemons nauubos na sila, kasi lumalaki na sila i guess. feeling ko kasi mga batang paslit sila o mga abnoy lang.

Renz said...

nakakatwa talaga ako sa mga jejemon. bakit sila dumadami nanganganak ba sila? haha

bitin..more!

Yohan said...

Bitin! Haha.

ccaloy said...

@Leo sana nga maubos na yang mga lintik na yan. hahaha! salamat sa pagbabasa. :)

@renz ayan na oh, may bago. hahaha

@yohan isa ka pa. may bago na. hahaha salamat sa pagbabasa. :)

ʎonqʎʇıɔ said...

sorry super delayed lang ako. haha bitin nga. buti nalang andito na yung part 2. hehe