Followers

April 19, 2010

ang una at ang huli..(part2)

siya yung may kakaibang feeling na message. ewan ko ba. sa pagkakatanda ko, ang cute o ang gwapo ko daw. yun ata yung sinabi niya. ang simple lang nun pero iba yung dating sa akin. parang may kaba tapos may excitement na hindi ko mawari. at kung hindi rin ako nagkakamali, nagreply ako ng salamat at nagkapalitan na nga ng numbers after that.

simula noon, araw-araw na kaming magka-text. as in araw-araw-araw. walang palya. walang sawaan. text til you drop talaga. para siyang payless instant pancit shanghai. no sawa factor kasi. hahaha! hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasawang malaman ang mga daily activities niya, yung mga simpleng bagay sa kanya, yung mga ayaw niya, yung mga gusto. bakit interesadong-interesado akong malaman? siguro kasi excited ako, bagong textmate eh. may ka-kwentuhan ka, may nasasabihan ka ng mga angst mo, mga problema. natatawa nga ako eh, kasi hindi ko naman siya kilala ng personal pero gustong-gusto kong nirereport sa kanya ang lahat ng nangyayari sa akin. alam mo yung pakiramdam na parang anapakatagal niyo ng magkakilala? ganun yung feeling. tapos parang hindi ka na mapakali kapag hindi siya sumasagot. mag-iisip ka na baka may nasabi kang hindi maganda tapos magso-sorry ka tapos aamuin mo tapos magpapakipot siya ng konti. yung ganun! grabe! kung meron lang cloud10, siguro yun na yung pakiramdam ko araw-araw kapag ka-text ko siya.

tumagal pa ng ilang linggo yung pagpapalitan namin ng text messages. ang saya saya ko nun! sabi ko nga sa sarili ko "shet lord! pwedeng-pwede mo na kong kunin! buong-buo na `ko!" hahaha! ano pa nga ba naman ang mas sasarap pa sa pakiramdam ng umiibig? oo. umiibig na nga siguro ako. siguro natutunan ko siyang mahalin dahil nararamdaman kong pinapahalagahan niya ang bawat kwentong pinagsasaluhan namin. siguro natutunan ko siyang mahalin dahil ginusto ko rin na mahalin siya. siguro natutunan ko siyang mahalin dahil gusto ko siyang gamutin..


gamutin dahil sa sakit na nararamdaman niya.


may mahal kasi siyang iba..


alam ko na `to, umpisa pa lang. nakuwento niya sa akin na meron nga daw siyang mahal. na ganito-ganyan daw sila, biglang nawalan ng communication. may lumayo, may umiwas. nagkalabuan ek ek. wala akong ibang ginawa kundi pakinggan lang siya. wala akong ibang ginawa kundi i-comfort siya kahit nasa magkalayong lugar kami. kahit mahirap, ginagawa ko. mahal ko na kasi siya. gusto kong palitan ng mga ngiti ang bawat luha niya. gusto kong palitan ng halakhak ang       mga hikbi niya. gusto kong makita siyang laging masaya.

masyado akong natangay ng emosyon ko. nasabi ko tuloy na mahal ko siya. badtrip. wrong timing. gusto ko kasi sasabihin ko sa kanya kapag mahal na niya ko. haaay. gusto ko magaling na siya bago ko sabihin. eh pasensiya na, tanga eh. at dahil doon, tinanggihan niya yung pagibig ko. hindi pa raw siya handa sa mga ganoong bagay. naiintindihan ko naman. kahit ako ang nasa ganung sitwasyon, siguro tatanggi rin ako. tumanggi rin siya, hindi lang dahil sa hindi pa siya handa, kundi dahil wala naman daw siyang nararamdaman para sa akin. hanggang pagkakaibigan lang daw ang kaya niyang ibigay.

inaamin ko, nalungkot ako. kaya inisip kong umiwas na lang. iiwas ako para di na lumalim pa ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. para magamot ko naman ang sarili ko. sige, hindi talaga ako nalungkot, nasaktan ako ng sobra. nag-assume kasi ako na dahil pinag-aaksayahn niya ako ng panahon, mahal na rin niya ako, nahihiya lang magsabi. pero hindi pala. hindi ko alam kung anong gaggawin ko nung mga panahon na yun. kung iiwas ba ako o hindi. pero di rin ako nakaiwas. masyado ko na siyang mahal nun para matiis ko ang sarili ko sa mga simple niyang good morning o good night. eh sabi naman niya..


itutuloy. :(

11 comments:

ʎonqʎʇıɔ said...

ay bitin! aargh!

i think i'm beginning to understand you. haha or feeling lang ako.

anteros' dominion said...

in love ka naman ata...

ay, wag nang malungkot

engel said...

nakikita ko sarili ko nung mas bata pa ako. you'll look back at this, years from now and you'll just want to knock the old you. =)

caloy said...

@ʎonqʎʇıɔ baka nga naiintindihan mo na ko. haha or feeling lang din ako.

@antero's dominion hindi ako in love. hahaha! ano yan, dati pa. kinukwento ko lang ulit. :)

@engel oo nga. hahaha! kaya nga umeeyfort ako sa mga ganto, para years from now nga, tatawanan ko sarili ko. :) at bakit ikaw ang nagko-comment sa akin? asaan kakambal mo?

Ronnie said...

Bitin ulit. Teleserye ba ito? Haha. Anyways, naranasan ko na din na matangay ako ng sarili kong emosyon. Nakakatawa lang yung pakiramdam. Hehe. BTW, andun ako nung saturday. Pag may nakita kang balyena sa loob ng Bed, ako na yun. =))

Jepoy said...

ang landi! ahahaha

Renz said...

aw :[ yan lang ang nasabi

Chyng said...

kala ko ba walang sawa factor, bakt nagbago?

ang impulsive mo kasi? di ko gets..

glentot said...

Hmmm problemang puso. At dahil jan hindi ako makakapag-advice kasi kababauyan ang expertise ko...

arkin said...

i super feel for you. i think yan ang problem with texting, it gives you the kilig factor fine fine but it's a sufficient cause in building a premature relationship.

and premature i love yous. na in the end, pagsisisihan.

owel. we learn. that matters.

caloy said...

ronnie hahaha! oo eh. tineteleserye ko. wala lang. for a change. :)

jepoy muka mo! hahaha! malandi ka jan. tunay akong umiibig! hahaha!

renz sexbomb ka ba? :)

chyng sa mga susunod. maiintindihan mo rin. :)

glentot kung gusto mong pasabugin ko yung kiki niya, pwedeng-pwede ko namang gawin. hahahah!

arkin korak! kaya di na ko makikipagtexting talaga. anong number mo? hahaha!