Followers

December 2, 2009

pasasalamat.

meron akong isang literary folio na galing sa isang pamantasan dito sa amin. nainggit ako sa pasasalamat ng EIC kaya ginaya ko. wala lang. trip-trip. :D

pasasalamat ni caloy:

sa panginoon.
salamat sa walang sawang pagbibigay ng biyaya. salamat sa mga pagsubok. salamat sa lahat. mahal kita.

sa alvarez at rabino family. sorry sa lahat ng sakit ng ulo. maniwala kayo sa hindi, mahal na mahal ko kayo.

kay mac. oi bespren, kung hindi mo binibilang, 13 years na tayong magkaibigan. salamat sa pag-unawa. salamat sa pagtanggap. kung ikakasal man ako, ikaw pa rin ang bestman ko. walang iwanan diba? :D

kay yna. labyu yna. salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kwento ko. aylabshoo berimats. ikaw ang lagi kong kakampi eh. mahal kita, sa maraming dahilan na hindi mo alam. isa ka sa mga taong alam kong makakasama ko hanggang tumanda ako. alam mo yun.

sa tropa: ryan, tracy, pap, lordy. kayo ang dahilan kung bakit kahit kailan, hindi dumikit sa pangalan ko ang katagang "loser." tropa 24ever tayong pito nila mac tsaka yna, tandaan nyo yan. labyu ol. :D

kay señor aladeza. maraming-maraming-maraming salamat sa'yo. ikaw na isang guro, isang ama, isang kaibigan. marami akong natutunan sa inyo, pero utang na loob, wag niyong itanong sa akin kung sino si maria clara at sino si florante. mag-jowa yon! nga po pala, sinabi ko sa inyo noon na kayo ang nakatuklas sa potensyal kong magsulat. (weh? parang niloloko niyo ko noon!) babaguhin ko ang binitawan kong salita. ako ang nakatuklas ng potensyal pero kayo ang humubog at humasa ng kung ano mang mayroon ako ngayon. salamat sa walang sawang pagbabasa ng mga likha ko. sinasabi niyong maganda pero wala naman talagang kwenta. (hindi naman ako masasaktan kapag sinabi niyong panget talaga. hahaha!)

sa NS1-06.
ang nagbigay daan para mayakap ko ng lubos ang salitang "explore." (ang ganda pakinggan no? pero ang totoong ibig sabihin niyan ay "mga pakyu! tinuruan niyo lang akong gumala ng gumala sa maynila! mga hungkag!" hahaha!) salamat sa tatlong semestreng naging pinakamasayang bahagi ng college life ko. brainy high, rebel high, mvp high, nice guy high, sossy high, miss ko na kayo. reunion!

07'. salamat sa inyo, sa pagbabasa ng mga likha. apat na taong pagkakaibigan, apat na taong samahan. sa lahat ng bumubuo ng batch 07, maraming-maraming salamat.

astruth. oi best buddy! kamusta na? di ka nagpaparamdam. pakyu ka talaga.

M. sinayang mo ang limang taon ng buhay ko. akala ko talaga noon, first love never dies. hahaha.

J. grabe ka. urong-sulong tayo noon. gumulo buhay ko dahil sayo. joke lang. hahaha.

H. alam ni papa God na minahal kita. nagkataon lang na hindi ko pa talaga kayang magseryoso noon. sorry.

B. sayang. ikaw ang nagmulat sa akin ng isang bagay na matagal ko ng tinatakasan. malas talaga ko sa pag-ibig.

G. hindi naman sa ayaw kita, pero friendship lang ang kaya kong i-offer sayo. pasensiya na.

R. minahal kita ng sobra. ng sobra-sobra talaga. hindi ko akalaing kaya mong manloko ng tao. sana hindi ka na lang nakipag-commit kung mahal mo pa yung isa. nakakaasar. nagmukha kong tanga. pero oks lang. we are still best of friends right? :D

F. sayang ka din. ikaw kasi eh. lahat ay bunga nga talaga ng pagkakataon. kung may next time, why not diba? miss na kita, sa totoo lang.

I. where to start? i'll guess i'll start in the end. choice ko na din na makipaghiwalay. walang mangyayari. alam mo yun. tanga ka kasi sinabi mong kaya mo. hindi mo naman pinangatawanan. nung una, tinatanong mo kung kaya mo, ikaw naman si tango. as in tango ka lang ng tango. para kang gago. ako lahat ang gumagawa ng paraan para makapag-usap tayo kahit dalawang minuto lang.


YJ.





secret muna. whahahaha!

22 comments:

Renz said...

dami mo naman pong gf. ayt

Aris said...

naintriga ako sa YJ. as in, YJ talaga? hmmm... meron ba akong hindi alam, friend? hehe! :)

Vladimir Buendia said...

ang gwapo mo pala talaga.

citybuoy said...

kinilig naman ako sa ending!

Victor Gregor said...

ako rin. hehe. vicarious living ito. LOL.

chicomachine said...

@renz..magugulat ka kasi hindi gf yang mga yan. hahahaha!

@aris..friend, iba yang yj na yan. yung yj na kilala ko, amoy lungad. hahaha! yung sayo? anong amoy? hahahaha!

@vladimir..haha! ilan ang grado ng salamin mo? naisuot mo ba habang binabasa mo to?

@citybuoy..haha! susmarya! asaan ang nakakakilig doon? yung secret? whahaha!

@victor..si citybuoy nasabihan ko na, kaya ikaw din.."utang na loob, wag ka gagamit ng mga salitang galing sa ibang planeta. hahaha!" va- vi-..what? hahaha!

the geek said...

winur ang huling dalawang letra. wahahaha

glentot said...

Aha! Anong kwento about kay YJ? Sya ba yung YJ na Manila Biyaaaatch.

Jepoy said...

Question: (disclaimer: hindi po ako likas na chismoso) May napansin lang ako Sire, Parang merong kuneksyon yung recent entry ni Manila Bitch a.k.a. YJ sa entry mo... Ang cheesy parang tunong inlove lang...

so eto na ang question...

Syota mo ba si YJ?! hihihihi

parteeboi said...

oi... ano itong tungkol kay YJ?

chicomachine said...
This comment has been removed by the author.
chicomachine said...

@geek..thanks! hahahah! :D

@glentot..hindi siya yun. tinext nga ako ni yj kung bakit ako nagpapasalamat sa kanya..hahaha! sabi ko, magkaparehas lang ang initials, wag syang assuming! :D

@jepoy. na kay glentot ang sagot. mag-usap kayo!

parteeboi..na kay glentot din ang sagot. :D

the geek said...

ako may alam ako.bwahahaha

engel said...

ako'y nagpapasalamat naman sayo sa pagdalaw mo sa blog ko.

;)

Yj said...

OMG... ganun na ba ako kasikat kung saan saan ko na nakikita ang pangalan ko?

@ Chicomachine.... yang mga pasasalamat mo, ang dami kong gustong itanong... naintriga din po kasi ako...

anyways, sino nga yang YJ na yan...?

pero sure na hindi ako yan... dahil hindi naman ako amoy lungad noh... yuck....

baka mamaya nagpapanggap lang siyang ako.... bwahahahahaha

Britney Spears said...

it is very nice that we get to look back and thank all the people who made us what we are today.

JOKE! ito talaga comment ko:

SINO ITONG YJ NA ITO?!
HAHAHAHAHA

kala niyo ha. hahahahaha.

wanderingcommuter said...

mamatay na ang mga inlove! hahaha! consistent pa din ako sa mga comments ko. hahaha!

chicomachine said...

@yj..oh god. as in oh god! (ang arte na..whahaha!) hindi ko alam na may kapangalan pala yung yj ko dito sa blogosperyo. amp. sorry. atsaka wag ka mag-assume! hello? kamusta naman yon? whahaha!

@britney spears..may pa-its very nice very nice ka pa jan..umisa ka din pala..whahahaha!

@wandering commuter..pasalamat ka walang "r" yung comment mo. pasalamat ka talaga. whahahaha!

glentot said...

Sino kaya talaga itong YJ na ito... Akala ko naman si Manila Biatch na ambisyosa (joke YJ and thanks for shedding light)

Mangyan Adventurer said...

Kakaintriga! Walang clue?

hehe :) Naks naman....

gentle said...

hehehe. nakakaintriga ang entry na to kahit aminado akong di gaanong napapashal sa yong munting kaharian.. hmm.. sino nga kaya sila sa listahan mo? madamdamin ang mga banat mo ha.

dabo said...

magtae sana ang yj na yan haha