Followers

December 9, 2009

mang-aagaw. (a super angst special..)

dapat sana, ang title ng post na ito ay "akin yan!" o kaya naman "wala ng natira sa akin.." eh kaso parang walang dating. hahaha! ayun. at hindi, isang malaking HINDI. hindi po ito tungkol sa aking buhay pag-ibig, sad to say. hahaha! wala naman kasi akong problema sa aspetong iyon so we'll just left it as it is. (oy si koya! umi-english! nakanaman. hahaha!)

bakit mang-aagaw?

dahil (1) kailangan ko lang talaga ibuhos ang aking sama ng loob at pagkamuhi sa aking pamilya. (2) hindi ko na kasi kaya ang mga pambababoy nila sa akin. (3) nahihirapan na ako ng sobra. (4) ipi-nost ko ito dahil nagbabakasakali akong may mapupukaw akong damdamin at tulungan nila ako. (sana..ssana lang talaga..)

ano ba kasing problema?

umpisahan natin sa pinaka-ugat ng lahat ng pambababoy: ang aking kuya. (omfg! as in super-incest ba? with same sex sexual intercourse?) loko lang. simula pa kasi noong bata pa kami, malaki na ang pagnanasa este pagka-inggit niya sa akin. actually, hindi ko rin talaga alam kung bakit. atensiyon ng magulang? edi kanya na! tumatanda talaga ng paurong! atensiyon ng kamag-anak? sige, kanya na din! atensiyon ng kapatid? sige lang! i-bespren niya pa!

sanay naman kasi akong mag-isa. in fact, mas gusto ko pa ngang mag-isa ako palagi. naiirita kasi ako kapag sooooooobrang ingay ng mga kasama ko. gustong-gusto ko yung lalabas ako mag-isa, pupunta kung saan-saan mag-isa, kakain mag-isa, maglakad mag-isa. lahat ng gusto kong gawin, gusto ko ako lang. sana pala, ang title nito ay "mag-isa." hahaha!)

anyways, matalino naman siya. aminado akong mas matalino siya sa akin. atsaka, kebs ko naman kung ganon nga? i am smart in my own ways. ang isa kong nakikitang dahilan, ayun nga, yung mga oportunidad na napupunta sa akin, sooooobrang kinaiinggitan niya. ewan ko rin. may pagkakataon siya noon para paghusayan sa mga bagay na ginagawa niya, pero hindi niya nga ginawa (obviously). marami siyang pangarap. at naaasar siya kasi ako ang unti-unting gumagawa nun.

at ayun na nga, hanggang sa lumaki kami, dala-dala niya sa kanyang puso't isipan ang inggit. madalas niya akong awayin at kainggitan sa maliliit na bagay. kung minsan, umaabot sa suntukan. wala namang nananalo kapag nagkaka-boxing-an na sa bahay dahil palaging umaawat si mama. isa sa pinaka-memorable eh yung napa-dugo ko yung ilong niya. ang saya-saya ko nun! para kong jumackpot sa lotto. :D

eh teka, ano nga bang pambababoy ang ginagawa?

hindi naman talaga siya totally pambababoy. more like panggagago at pambubusabos. hahaha! pero ang pinaka kinaiinisan ko ay ang paggamit niya ng mga gamit ko. and when i say "mga gamit," i really mean MGA GAMIT. as in, name it talaga, nagamit na niya!

bigyang halimbawa na natin ang mga simpleng bagay. (pens, papers, bags, etc..). yung mga bagay na yun, ninenenok niya. oks lang naman kasi pwede namang bumili ulit ng bago diba? pero nakanaman yung mga sumunod niyang ninanakaw at ginagamit! mga damit ko! as in t-shirts, polo shirts, polo, barong, formal wear, pantalon, shorts, medyas, shoes, slippers, and even underwear! yes! you read it right! pati mga undies at boxers ko, ginagamit niya! isipin mo na lang kung sakaling hindi ko nalabhan yung undies ko, edi nag-halo na yung amoy ng bayag namin diba? you see the idea? meron naman siyang sariling gamit, pero why use mine? amp. at hindi pa diyan nagtatapos yan. kasi ginagamit at ipinapahiram niya yung jackets ko kung kani-kanino. isipin mo na lang kung may putok at may anghit yung huling gumamit nun! diba? at ang kakapalan ng mukha, kung minsan, nakikita kong suot ng iba ang mga damit ko, sinu-super balandra pa talaga nila sa akin. as in proud na proud silang suot-suot ang mga damit ko. oh diba makapal ang mukha? wala naman akong magawa, kasi nga mabait ako, pasensyoso, may takot sa diyos, ek-ek! kaya quiet na lang ako.

at ang pinaka-badtrip sa lahat, nakukuha pa niyang magalit sa akin dahil sa ganito at sa ganyan. i mean..hello? g*go ka ba? eh kung makapagnakaw ka nga sa akin, inam na inam, tapos aawayin mo ko over those little crazy things? are you as stupid as you look? (siguro, sa mga oras na ito, hindi na kayo naniniwalang mas matalino si kuya sa akin. hahaha!) badtrip talaga. minsan nga, nagtataka ako kung bakit super ine-embrace ko yung quote na "patience is a virtue" eh pwedeng-pwede ko naman siyang sapukin bigla. hindi ko naman yun ginagawa dahil (1) kahit papaano naman, may natitira pa `kong respeto sa kanya. pero konti na lang talaga, mas maliit pa sa uten ng manok. (magtataka ka dahil wala naman talagang uten ang manok, so mapapa-isip ka ngayon. hahaha!) (2) materyal na bagay lang naman kasi yun, napapalitan. (3) baka atakihin ang nanay ko pag bigla kong pinoksa yun, tapos rambol na.

hindi ko rin pala naku-kwento na ginagamit ng erpat, ermat, at nakababata kong kapatid na babae ang mga damit ko. hahaha! grabe talaga no? kahit ako nagtataka na ako. hahaha! umpisahan naman natin ito kay papa.

si papa, gustong-gusto niyang isuot yung mga t-shirt ko (ewan ko rin kung bakit), at ang mga cargo shorts ko (mahilig siya sa cargo shorts eh), at gustong-gusto niya ring ii-spray ang pabango ko sa katawan niya.

si mama naman, tirador yan ng mga luma kong t-shirt sa aparador ko. ginagawa niya kasing pambahay. nagsimula yun nung pumayat na `ko, hindi ko naman kasi maisusuot yun dahil ayoko ng malalaking damit. na siya namang gustong-gusto ng aking kuya at ina. minsan, kapag uuwi ako sa bahay, makikita ko si kuya at si mama na sabay kumakain at parehas nilang suot ang mga damit ko. dedma na lang kasi wala naman akong magagawa. alangan namang hubaran ko sila habang kumakain.

ang kapatid kong babae naman ang isa pang tirador ng mga boxers ko. komportable daw kasi kaya sinusuot niya ang mga iyon. hindi ako galit sa kanya pero sana nagpapaalam naman diba? same with the rest of my family, sana nagpapaalam sila kapag sinusuot nila yung mga damit ko kasi nakakaasar. as in. minsan, sasabihin ni mama, "ikaw kasi ang pinakamagaling pumorma dito kaya sinusuot na rin namin ang damit mo." oh diba? maiisip mo bang galing iyon sa bibig ng sarili mong ina? grabe talaga.


at dahil wala na kong magagawa, hinahayaan ko na lang talaga sila.. :(

13 comments:

Yj said...

ahahahahaha..... tambling..... okay lang siguro hiramin ng kapatid ko mga gamit ko, pero para ipagamit niya sa iba? gudlak....

kalbuhin mo nga kuya mo habang natutulog.... joke lang

glentot said...

Buti na lang wala akong mga kapatid tapos hiwa-hiwalay pa kami ng mga magulang ko kaya hindi naghihiraman ng gamit haha.

Pero nakakabad-trip nga yan. Inagaw na nila ang lahat sa iyo! Nyahaha drama.

Hi YJ.

Victor Gregor said...

Nangyari na yan sa akin dati. Ang ginawa ko, binilhan ko ng mga damit na gusto nung kapatid kong hilig magsuot ng mga damit ko. Ayun, hindi na siya ngayon "humihiram." Paminsan-minsan na lang. LOL.

engel said...

kung gusto mo ng privacy at walang gumagalaw ng gamit mo, magsarili ka. nasa wastong edad ka na naman yata. at least la ka na pinanggigigilan dyan. =)

Jepoy said...

Sige ikaw na ang mgaling pumorma fine!

At the end of the day family mo parin sila at ung utol mo utol mo parin yan, kahit special child ng konti. Ang masasabi ko lang ay ikandado mo nalang ang aparador mo Joke! Gib en take nalang. Tignan mo dahil mabuti kang anak pumayat ka. Share mo pala sakin ang sikret nang pagpapayat? Pag titikol ba yan night and day?! LOL

dabo said...

nakakaflatter naman ang sinabi ng mama mo... ikaw pala ang pinakamagaling pumorma sa inyo.

buti na alng di ka nagtatago ng bra at panty..

Dan Rabino said...

Very Well said,...

for me, you must be thankful ang lumaking kasama mo sila ay walang katumbas na kaligayahan.

KESO said...

uso pala nenokan dyan sa inyo. hehe.
madalas ko din gamitin yung gamit ng ate ko pero ayos lng nman s knya pero pag sya yung manghihiram nagagalit ako, ang taba nya kse tapos ako payat e di luluwag pag sinuot nya db.

pero, ganun talaga e, pamilya mo yan di mo naman mapapaltan db, tsaka ang saya nga e, share-share kayo . ahihi.

caloy said...

yj: kalbo na siya..haha! kakalbuhin ko siya ulit..sa ibang parte naman. whaha!

glentot: swerte ka. indeed. pero masaya din namang magkaroon ng kapatid. peksman. :D

victor: haha! kahit siguro singkong supot, hindi ko gagastusan yung kapatid ko. haha! if you were on my shoe..maiintindihan mo. :D

engel: sa maniwala ka o sa hindi, bata pa `ko. :D

jepoy: ano ka? may partner ako! secret kung sino!! hihihi

dabo: hindi nakaka-flatter yun. pang-iinsulto yun! pramis! (nangangako ako.) at wala akong tinatagong bara`t panty. whaha! used briefs ng ibang tao lang. whaha!

kuya dan: hindi mo alam ang pakiramdam. (inaway daw oh..hahaha!) kamusta na kayo ni ate babu sa Qatar? pasalubong ko ah? :D

keso: hindi kami share-share! tao kami! tao! whahaha!

Chyng said...

Hayaan mo lang. Idol ka nila kaya gusto nila gamit mo. Bat di mo subukan mang-nenok ng gamit nila este maglagay ng lock para di nila mahawakan mga gamit mo tutal ayw mo ipahiran di ba? haha

Btw, gwapo din ba kuya mo? Ü

caloy said...

chyng; no. absolutely not. mukha siyang kuhol na tinubuan ng lungs sa hita. balbasarado. tapos mataba siya. hahahaha!

Boying Opaw said...

sharing is caring. hahahahaha. loko lang.

sibling rivalry?

ganyan din kaya tingin sakin ng younger bro ko sakin. siya pa naman bestfriend ko

Agingassistant.com said...

Pinagpapala mga na-aapi....
Sige, magpa-api ka pa.... Hehe
balang araw, sisikat ka rin...