Followers

November 23, 2009

pilit tinutuldukan.

ano nga ba kami ngayon?
hindi ko alam.

masay nga ako kapag kasama ko siya.
pero..
kailan nga ba kami huling nagkita?


kung minsan, kinu-kwestiyon ko ang sarili ko kung talaga nga bang pag-ibig ang naramdaman ko noong nakilala ko siya. may sinasabi kasi ang isip ko na baka excited lang ako. baka masyado lang akong natuwa.

pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko (na parang walang pinupuntahan), napag-desisyunan kong putulin ang anumang nag-uugnay sa amin. hindi ko na kaya. ayokong ikulong ang sarili ko sa taong walang kasiguruhan ang pagbabalik. may point naman diba? bakit mo bubulukin ang sarili mo sa isang paso kung napakaraming hardin ang nag-aagaw-agawan sa'yo? hindi naman sa ibinababa ko ang tingin ko sa kanya. pero ang punto ay bakit ko papatagalin ang paghihirap ko? may karapatan akong pumili at may karapatan akong maging masaya. at may karapatan akong maging malaya.

ang nasa isip ko dati: mahal ko siya, mahal niya ko. walang problema.

-pero doon pala nagsimula ang lahat.

-hindi pala sa lahat ng pagkakataon, solusyon na ang pag-ibig. parang "mahal namin ang isa't-isa, pero may mga pagkakataon na kailangang isuko ko ang pag-ibig na yon para sa ikabubuti ng mas marami, para sa ikabubuti ko."
hindi ako matalino. kaya siguro hindi ko maintindihan ang kabilang perspektibo ng isyung ito. sa totoo lang, gusto ko siyang ilaban (sa boxing..loko lang), gusto kong magkaroon ng masayang wakas ang masaya naming kwento. pero mukhang ako lang ang nag-iisip noon. haay..sana nga accurate itong lahat ng mga pinag-iiisip ko. sa tingin ko (sa tingin ko lang ah? wag epal), ako na lang ang may gustong ituloy ito, pero ako rin ang may gustong tapusin na ang lahat. magulo akong tao. at alam kong magugulo ko rin siya kaya gusto kong mawala na sa landas niya. para mag-grow ako. at siguro, para na rin sa kanya. nahihirapan ako ng triple kapag nahihirapan siya. napapagod ako ng triple kapag napapagod siya. pero kapag sinasabi niyang mahal niya ko..





sampung beses pa rin na mas mahal ko siya.
-kaya hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

10 comments:

Yj said...

hindi mo naman kailangan pagurin ang sarili mo sa pag-iisip ng mga bagay na yan....

sabi mo nga, mahal ka niya at mahal na mahal mo siya....

that love deserves a chance.....

saka lang mawawalan ng saysay ang mga sakripisyo mo kapag dinaig ka ng mga negatibong thoughts mo na wala namang basehan...

give yourselves time.... makakapag adjust din kayo sa sitwasyon niyo.... :)

Jepoy said...

Panoorin mo nalang ang 500 Summer days. Maliliwanagan ang isip mo

Cheers!

wanderingcommuter said...

minsan, mahirap din kapag alam mong mas mahal mo ang isang tao kesa mahal ka niya...

pero kung hindi na talaga pwede. huwag ng ipilit. madaming magpaparamdam dyan. kelangan mo lang makiramdam...maging masaya ka na lang dahil naexperience mo ito..

salamat sa pagbisita!

tim said...

hey things will just gonna be okay soon.. it is awesome to focus on goo things now. than focusing on your failure.. this is the moment that you will realize how wonderful to be in love... and knowing the true essence of being in love..

citybuoy said...

ikaw lang makakasagot niyan. yun nga lang, it seems like there are a lot of legitimate questions here. maybe you should answer them first before you truly decide.

Victor Gregor said...

This is what written 7 days ago? Hehe. Magsulat na ulit. Dali. Hehe.

lss pa rin ako dun sa hush, hush. baka mapanaginipan ko pa. Pero ang mukhang naaalala ko ay si dabo. haha.

Chyng said...

ang sweet!

may date pala kayo! ;D

Mangyan Adventurer said...

Sa LOVE... Dapat hindi ka nagcocompare kung sino ang may MAS....

Pero hindi maiiwasan 'yun e.. MAgcompare na nga lang... Haha!

Mr. Scheez said...

madrama pala dito.

lol!

Anonymous said...

mag iiba na ang ihip ng hangin sa blog na to.hahaha

-geek