Followers

December 29, 2009

my 2009 (part2)

may 2009

-isang malaking rebelasyon ang gumimbal sa akin. kung may nangyaring twist sa buhay ko, ito naman, napa-tumbling ako! grabe! payback time ng lahat ng katarantaduhan.
-unang beses ko nagsimba. sinabi ko sa kanyang "sana..kung magbibigay siya ng problema, yung one time big time na." nahihirapan na kasi ako. yung relationship namin ni R, parang unti-unti ng nawawala.
-ginawa ko lahat, lahat-lahat ng kaya ko para suamaya siya sa akin. maayos naman ang naging resulta. nung una..
-nag-apply sa call center agency sa pag-aakalang hindi na muling makakatuntong sa paaralan. nakaabot sa 2nd interview pero hindi rin pinalad. (eh pano naman kasi, kinabahan ako, tapos nag-utal-utal na ko. hindi ko tuloy siya ma-straight english! tapos naka-panel interview kami. halos bumaha sa pawis ko yung office dahil sa sobrang kaba. hindi ko na nga marinig yung interviewer dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.)
-nabigyan ng isang pagkakataon. kapag nagkaroon ulit ng bagsak, (hindi naman ako bumagsak eh, hindi lang ako pumasok ng isang buong sem) wala na talagang pag-asa. nagpasalamat ako sa bagong liwanag na ipinagkaloob sa akin.
-nagpunta si R sa bora kasama ang pamilya. limang araw ko siyang hindi nakita, limang araw na walang kabuluhan ang buhay ko.
-ito na ata ang isa sa mga buwan na sobrang down ko. maraming problema.
-enrollment. halos mapaiyak ako sa may gate ng skul kasi ang saya-saya ko.
-enrollment. halos mapaiyak ako sa may gate dahil nagtext siyang ayaw na niya.
-nag-usap kami. masinsinan. kaya pa naman..na parang hindi.


june 2009

-june 3: officially, wala na.
-gusto kong patayin ang sarili ko. hindi ako kumakain. 2 weeks straight.
-hinimatay ako isang beses sa skul dahil dun. sabi ng tumingin sa akin..(nakakakita daw siya. loko lang.) hindi daw kasi ako kumakain, panay pa raw ang yosi ko. sabi ko naman, "kumakain naman ako no! this week, once lang, yung skyflakes..di ko pa naubos."
-tuluyan na kong namayat. para akong baloon na bigla na lang tinusok ng bbq stick. umimpis ako ng sobra.
-sabi nila, pag depressed ang isang tao, may tendency na maging matakaw siya. pero iba ang kaso sa akin. ang galing!
-hindi na ako nakakatulog ng maayos. ang pinakamahabang tulog ko yata nitong mga panahong ito ay 45 minutes. seryoso.
-at dahil hindi ako madalas makatulog, nagsimula na naman akong sipaging magsulat. ang 2009 ay naging poetry year para sa akin. dito sa taong ito ako naging produktibo bilang isang aspiring
poet/writer/novelist/pusher/kriminal/estafador/kumakain-ng-buhay-na-baka. marami akong nagawang tula. as in marami. araw-araw may bago. pero iisa ang tema.
-pinilit i-divert ang lahat ng iniisip. kulang pa pala..



july 2009


-ganun pa rin, hinihintay ko siya kahit alam kong wala na.
-divert, divert, divert!
-nagkakaroon ako ng magandang imahe tuwing writing in the discipline namin. hahaha! susme, pagawain ba naman kayo ng essay buong period! sorry to say, elementary pa lang, isinasali na ako sa mga essay writing sh*ts. hahaha!
-kumakain na ng alikabok ang prof ko. kawawang bading. hahahaha!
-ubusin ang oras sa pag-aaral!..kailangang mabura siya sa isip ko.
-walang pinagbago. kung ano ako nung naghiwalay ang landas namin, ganun na ganun pa rin.
-nagkita kami. kunyari friends, pero ang sakit-sakit-sakit-sakit.
-(magtataka ka dahil kahit isang beses, hindi ko idinaan sa alak ang kasawian kong ito.)
-(wala lang. wala akong pang-inom eh. hahahaha!)
-dumating si C. isang dating kakilala. nagtapat ng pag-ibig. ayoko naman. 3 month rule eh.
-bumalik si B. bumabalik. eh wala na kong maramdaman eh? alangan namang pilitin ko diba?
-kinukulit na naman ako i G. seasonal talaga kung makapanglandi. hahaha!
-gusto ko sanang patulan si C kaso, hindi pwede. ang sama ko naman nun. diba?
-sabi ko sa sarili ko, lilipas naman ang lahat. tiyaga lang.
-tuloy-tuloy pa rin ang therapy ko. yosi ang agahan, tanghalian, hapunan, merienda at midnight snack.
-pero may developments naman. natutunan ko ang "brunner" or breakfast-lunch-dinner. 3in1 meal. happy meal! :D



august 2009

-alam kong wala na talaga. pero hindi ko maiwasang isipin siya. paminsan-minsan lang.
-binuksan ko ang sarili ko sa iba pang posibilidad.
-naging kami ni C, B, at ni G all at once.
-nagtext ako kay R. sinabi kong natututo akong magtarantado ulit dahil sa kanya. hindi sumagot. kebs ko naman?
-nahirapan ako sa pagsasabay-sabay. putek.
-(hindi ko inilagay ito para mag-isip kayo ng kung ano-ano. inilagay ko ito dahil ito ay hango sa tunay na pangyayari.)
-sabay-sabay ko rin silang hiniwalayan. mas maaga, mas mabuti. at ayoko na ulit makarma. masakit eh.
-nagsisimula na naman akong um-absent. sakit na ata talaga yun.
-ito ang buwan kung kailan nagpaka-mainstream na ang blog ko. humataw ako ng followers sa iba para i-follow din nila ako. hahaha! nag-comment din ako ng nagcomment, para may comment din ako. hahahaha! :D
-at unti-unti ng nawala si R sa sistema. masaya ako sa nangyari. marami akong dapat na ipagpasalamat. pumayat ako, naging isang produktibong tao, at natutong maglaro.





-last part na. yihee! :D

15 comments:

Jepoy said...

May 2009 --nagpunta si R sa bora with "his" family. limang araw ko siyang hindi nakita, limang araw na walang kabuluhan ang buhay ko.

Hala!

Di parin tapos?! Sobrang installment na ah...

Happy New Year!

Chyng said...

Super detailed, pano mo naaalala lahat?
Oh well, i consider myself lucky dahil malilimutin ako. Ü

Anonymous said...

jepoy: nahuli mo ko dun! whahaha! matatapos na po. huling kabanata na. :D

chyng: oo. tinatandaan ko lang lahat. yung organizer ko kasi (na ginagawa ko ding notes of ek-ek..) eh na-ondoy..kaya ayun..super lafang ng mani para maalala ko lahat. hahaha!

Jepoy said...

@Anonymous Caloy Pinalitan talaga?! Sir no judgement dito, Kung ano ang choice mo ay ni-rerespect ni Jepoy, kaya no worries ok.

Happy New Year! Cheers to Online friendship kulitan ng bonggang bonggang!

At tapusin mo na ang End Year Review mo bago mag putukan

panda bear. said...

@jepoy..ayoko lang magmukang masagwa. hahaha! baka sabihin naman ng mga makakabasa nito, ang landi ko. hahaha!

happy new year din! :D matatapos na ang year end ek-ek na to. hahaha! malapit na. :D

engel said...

napakadrama ng buhay, grabe!!!

yung nangyari sa'yo nung 8 months, parang 8 years na experience ko lang.

=D

Rei said...

As i said this is so facinating to me cause its like opening your life's bok..
FAN NAKO!!!

ANENG said...

hi kuya!
idol na kita!
ang haba nung post na un ah.
di ko kinaya grabe.
haha.
HAPPY NEW YEAR PO!!
nakiusyo at nakibasa. ;)

glentot said...

Aantayin ko ang November-December kasi may nalalaman akong naganap nun. Nyahehehe joke.

Rei Mikazuki said...

In fairness, ang kulay ng life ni Caloy... parang make-up kit ko lang. Ahihihi.

Kakaiba ka pala ma-depress... nakakatakot. Although, yeah... looks like it paved the way for a better you... I think. :P

Happy new year, Caloy!

Yj said...

oh tapos?

caloy said...

@engel: hindi naman! hahahaha! happy new year! :)

@rei: wushuu..thanks! :)

@aneng; salamat! happy new year! :) talagang aneng ang pangalan mo? hahaha! parang ano lang eh.. :)

@glentot: ano naman kaya yun? whahahaha!

@rei: makulay ba yan? muka ngang ewan eh..hahaha! :) happy new year din! :)

@yj: bat laging galit ang tono mo dito? hahaha! happy new year na nga lang! hmpft.

Victor Gregor said...

May gulay, naaalala mo lahat ito? O may journal ka?

caloy said...

victor: naalala ko lahat. haha! nagstart lang ako mag-journal ulit nung november. :)

蔥油餅Jon said...

徵信社,徵信,徵信,徵信社,外遇,尋人,徵信公司,徵信,抓姦,徵信,徵信社,徵信,抓姦,抓姦,外遇,尋人,徵信公司,徵信,徵信,徵信社,徵信社,徵信,徵信社,徵信,外遇,尋人,徵信公司,徵信社,抓姦,徵信,外遇,徵信社,,徵信,徵信社,徵信,徵信社,徵信,徵信,徵信社,徵信社,徵信,徵信社,徵信,徵信社,徵信,徵信社,徵信,外遇,尋人,徵信公司,徵信,徵信社,徵信社,徵信,錄音,背叛,商標,商標,GPS,離婚