Followers

December 28, 2009

my 2009 (part1)


january 2009

-may hangover pa dahil sa nakakahilong 2008.
-ito yung sem kong sobrang ginago ko ang buhay ko. ewan ko rin kung bakit.
-nanalo ko ng 3000 pesos! hahah! may sinalihan kasi akong contest sa isang chatroom sa cp. ang title ng contest ay "best smile competition" at naka-grand prize ako. hahaha! ito ang ipinadala kong pic: -------------------------------->
-dito ko nakilala si B.
-nagkita kami ni B.
-minahal ko si B.
-sobrang saya ko nito. si B kasi ang nagbigay ng unang twist ng buhay ko. ginusto ko rin naman at wala akong pinagsisisihan nung niyakap ko ang twist na yun.
-wala na akong mahihiling pa ng dumating sa buhay ko si B.


february 2009

-double celebration ng birthday namin ng bespren ko.
-masaya pa rin kami ni B. ang saya-saya.
-birthday naman ni B, nag-away kami dahil pinagtapat ko sa bespren ko na in a relationship kami ni B. nagalit din sa akin si B.
-dito ko nakilala si G.gustong-gusto daw niya ko. mahal na mahal. pero pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. kasagsagan pa kasi noon ng paghihiwalay namin ng landas ni B. hindi ko pa ata kayang pumasok uli sa isang relasyon.
-walang communication kay B. ang hirap!
-desperado akong bumalik siya sa akin. :(
-makulit si G. ayaw niyang sumuko. haay..
-tuluyan ko ng sinira ang pag-aaral ko.
-natapos ang buwan ng mga puso na may lamat ang puso ko. badtrip.


march 2009

-wala na kong balita kay B.
-malungkot ako nun. sooooobra. kahit pinapasaya ako ni G. walang epekto.
-pagala-gala ako. palibot-libot. kung saan-saan ako nakakarating..mag-isa.
-matatapos na ang semestre, wala pa ring nakakaalam ng mga katarantaduhan ko.
-nag-krus ang landas namin ni R. palaging magka-text, palaging magkausap sa telepono.
-march 24 ay inamin ko sa kanya na gusto ko siya. handa naman ako sa rejections kaya matapang ako.
-march 28: pinagtapat niyang may gusto siya sa akin at naging kami. (ow yeh!)
-the bad part is..in a relationship siya.
-masakit, sobra. yung pain, parang kay B all over again.
-march 29: pinapili siya ng in a relationship niya kung sino ang mas matimbang.
-natalo ako. tinanggap ko ng buong-buo. kahit masakit..
-ginugol ang buong araw sa pagngawa.
-march 31: magkausap kami. pinipilit ayusin ang mga bagay. acceptance.


april 2009

-april 1: officially, kami na.
-nanggugulo ang ex. normal naman yun diba?
-may pakiramdam akong hawak ko siya, hawak niya ko. at may hawak din siyang iba. ignore na lang, ako naman kasi ang pinili.
-masayang-masaya ako. hindi ko rin mawari. ito yung tipong may reciprocity ang lahat ng ginagawa mo. parang lumulutang. parang lumilipad. hawakan nga lang niya ang balikat ko, nangangatog na ang tuhod ko sa kilig.
-april some time: birthday niya. meet and greet sa pamilya at friends. andun din pala si ex. para kong iniihaw sa upuan ko nung andun ako. punyeta talaga!
-wala namang ka-proble-problema bukod sa ex na nagpupumilit. naghiwalay sandali dahil kailangan niyang mapag-isa ek-ek. (melodramatic kasi..)
-smooth sailing talaga ang nangyayari, kahit may konting di pagkakaintindihan, naayos din naman sa magandang pag-uusap.
-sooooobrang telebabad to death kami dahil yun na lang ang means of communication namin. nagagalit ang nanay ko kasi nalulusaw na daw ang telepono sa init ng tenga ko. naghihinala siya, shemper deny to death.



-may karugtong. :D

8 comments:

Jepoy said...

Ang landi naman pinutol pa!

Dapat may name drop na para naman masaya!

Ang buhay mo parang gulay lang napaka makulay. Aylabet!

engel said...

grabe, bilis magmove on!! =P

Yj said...

tapos?

kox said...

part2 please.

Chyng said...

Exciting! Btw, you really deserve that best smile. Pati ako napangiti. Ü

jowa ni y.o.u! said...

jepy: pinutol ko kasi natatamad akong tapusin ng isang bagsakan. hahaha! makulay? makulay? sinabawang gulay beybeh! haha!

engel: di pa tapos..kaya wag mo munsa sabihin yan agad. :D

yj: bat parang galit ka?

kox: ginagawa na. :D

chyng: salamat! pero inaasar nila ako diyan sa pic na yan. para daw kasing hindi na `ko ngingiti bukas. hahaha! gigil na gigil. :D

Kris said...

colorful love life. :p i just hope my 2010 is no longer black and white. i am just new here, so there, happy new year to you!

Victor Gregor said...

Angkyut. Parang compilation ng mga tweets. Haha.