Followers

December 31, 2009

my 2009 (part3plus.)

september 2009

-sino ba naman ang hindi makakaalala ng ondoy na yan? marami siyang sinirang buhay. maraming naapektuhang pamilya dahil sa hagupit niya. isa na kami doon.
-sabado yun, medyo na-late ako ng gising. may klase ako ng 10 pero 8 na `ko nagising. tumingin ako sa bintana, malakas ang ulan. tinanong ako ng ermat ko kung may balak pa akong pumasok. nag-isip ako. nag-isip. nag-isip.
-ayoko. wala akong payong eh. hahaha!
-bininyagan ko na lang ang bago kong laptop.
-nung mga katanghalian na, nag-iiba na ang timpla ng kalangitan. mas lumalakas na ang hangin, mas lumalaki ang patak ng ulan. palakas na ng palakas.
-hapon. bandang alas kwatro(?), yun na ang cue na nagbago na ang buhay namin, ng buhay ko.
-lumakas pang lalo ang ulan. tumaas ng tumaas ang tubig. pinatay ko ang fuse box kasi sa sobrang taas ng tubig, posibleng makuryente kaming mga lumulusong sa baha. wala kaming sinayang na oras, kailangan kasing isalba ang lahat ng gamit. imperrnes, mabigat ang ref!
-umabot hanggang tuhod ko yung baha sa bahay namin. (kung average na pinoy siguro, nasa may hita niyo na yung baha, pero dahil 6'2 ako, hanggang tuhod lang.)
wala na akong maintindihan sa mga bagay-bagay.
-bumalik si F. ang pinaka-una kong minahal. in denial pa kasi ako noong una kaya hindi ko siya isinama. pero ngayong bumalik siya, ayoko na muna siguro. tatlong taon ko siyang hinintay, wala namang nangyari.
-bumalik si B, nagbabakasakaling pwede pa.
-ako na ang nagiging takbuhan ni R kapag may problema sila ng jowa niya. hoping pa rin ako sa kanya.
-napapadalas ang kanta ko ng "sana..dalawa ang puso ko.."
-sabay sa pagdaloy ng baha ang pagdaloy ng mga di maipaliwanag na emosyon.
-nagpalipat-lipat kami ng bahay. tumira muna kami sa tito kong ex-pulis. mahigpit siya, sobra. de numero ang bawat galaw. may mura ang bawat binibitawang salita.
-lumipat uli kami, sa isang paupahang bahay. naranasan kong kumain ng may kasabay na asong hindi naliligo at lagas-lagas ang balahibo.
-in tact pa rin kay R, B, at F. nag-imbento ako ng kanta, "sana..tatlo ang puso ko.."
-sinubukan kong mapalapit muli kay F.
-mukhang magtatagumpay..na hindi.
-itapon niyo na ko sa bangin!



october 2009

-finals. kuhaan ng grade. happiness! (wala akong mas mababa sa 2.25 hahaha!)
-hindi pa rin kami nakakabalik sa bahay, hanggang binti pa kasi yung baha. pero doon na ko umuuwi, wala lang, libre kasi ang net dun. ayokong mag-stay sa hindi ko naman bahay. nakakaasar yung ganun.
-wala akong ibang ginawa sa buhay kundi magcomputer.
-nakilala si y.o.u!
-regular na ka-chat si y.o.u! siguro kasi, wala din siyang magawa. hahaha!
-kasabay niyang dumating si I. roller coaster.
-F: kung kailan hindi na pwede, saka ka naman ganyan. ano bang problema mo?
-isang linggong pag-ibig with I. "o kay bilis ng iyong pagdating, pag-alis mo'y sadyang kay bilis din!"
-akala ko, ang lahat ay perpekto.
-ayun na naman, wala na naman akong mahihiling pa.
-masaya ako kung anong meron kami.
-siya na nga..ata.
-october 30: uuwi siya sa lupang sinilangan. dalawang araw na hindi magkikita. dalawang araw ng karimlan.
-isang mapait na katotohanan.



november 2009

-november 16: unang araw ng klase. nakakatamad.
-november 16: mi-neet si y.o.u! first time kong makakilala ng blogger..in person.
-mabilis ang bugso ng damdamin. may nararamdaman akong kakaiba kay y.o.u!
-sinadya si I sa work place niya. surprise. at ako ang na-surprise. napakanta bigla ng "sayang naman ang pag-ibig na binuhos ko sayo.."
-walang humpay na ngawa. masaklap.
-november 17: di pumasok, nagpagupit instead.
-tumambay sa bahay ng tropa. bilang na lang pala ang mga araw na ilalagi niya dito. (hindi sa mundo ah?) lilipat na pala sila ng tirahan. (ang bastos, bahay na lang.)
-nagtext si I. "pasensiya na sa mga nangyari.hindi ko naman ginusto yun.makakahanap ka din.alam ko.sa gwapo mong yan.may makikita ka pa.andito lang ako." (mukhang tanga yung text na yun..hahahaha!)
-ayokong maniwala na gwapo ako. hahahaha!
-november 18: may ginawa akong labag sa loob ko.
-namimiss ka pa din. talagang malakas ang topak ko sa'yo. pero bakit parang nao-over power ka na ni y.o.u!?
-bumili ng bagong slacks. yehey!
-november 19: ayokong sumali sa sentinel. para na akong nagtraydor sa philwo. ang pinakaunang publication na minahal ko.
-mas ok ng mayabang kesa maging panget! (isang message na sinend ko sa bagong bf ni R.) akala mo kasi kung sino, muka namang patola!
-habang iniisip si y.o.u!, biglang pumasok ito sa isip ko. "bukod sa pagkain at paglalakad, wala na `kong ibang alam gawin kung hindi isipin ka. (naks!)
-november 24: happy birthday I. na-surprise ako. siya na lang daw ulit. (ipinagtapat kong meron na akong ibang napupusuan..si y.o.u!) one more chance ba ito?
-napapadalas ang pagkikita namin ni y.o.u! sh*t talaga..bakit ba tuwing nakikita ko siya..suma-soundtrack ang utak ko ng.."haah..minahal kita agad..haah..minahal kita agad..ipagpatawad mo..whooh.."
-november something: (hindi ko pwedeng sabihin ang exact date..kikiligin ako.) ipinagtapat ni y.o.u! na gusto niya ko. (kung alam lang niya na sampung beses na mas gusto ko siya..gusto lang ba?)
-november 28: officially. :)
-sa totoo lang, hindi naman talaga siya ang swerte, ako. saan pa ba ako makakahanap ng taong soooobrang mahal ko, sooooobrang mahal pa ko.ü kay y.o.u! lang yun! siya ang nagbukas ng maraming oprtunidad para sa akin. siya ang dahilan ng paggising ko sa umaga, siya ang dahilan ng bawat hininga ko.



december 2009


-i'm saying something that i should have never thought na naman.
-naghiwalay na daw si R at ang jowa niya..kaya pala lumalapit-lapit ulit sa akin.
-nangungulit na naman si B, G, C, at gusto akong balikan ni F. (handa na raw kasi siyang ibigay lahat sa akin.)
-oo, aaminin ko, may parteng naguluhan ako kay F, umpisa pa lang, pinangarap ko na siyang makasama. pero ngayong andito na si y.o.u!? wala ng pagdadalawang isip pa. mahal na mahal ko si y.o.u!, at kahit sino pa yata ang iharap sa akin, wala ng papantay sa kanya. (sige na nga, si eva fonda, pwede pa. hahaha!)
-december 13: unang beses kong mag-bar sa buong buhay ko. kasama ko si y.o.u! shemper. at may kakaibang feeling.."bakit ba panay ang tingin sa akin ng mga damuhong bar goers? nakakairita!!!" oh well, namangha siguro sila sa angkin kong kapowgian. (naks!)
-halos isang linggo sa pampanga..isang linggong wala si y.o.u!, para akong mamamatay..sa totoo lang. :(
-siguro naiinis siya sa akin, pero sinusubukan kong wag siyang masyadong isipin at gusto kong ganun din siya sa akin. natatakot kasi akong dumating ang araw na bigla na lang siyang magsawa sa akin at sabihin niyang hindi na niya ko mahal. :( hindi ko na yata kaya yun.
-roller coaster ride ang 2009. nahilo ko sa mga pinaggagawa ko.
-december 28: isinelebra namin ang aming unang buwang anibersaryo. hahahaha!
-ayokong ipakitang masyado akong natutuwa. baka kasi isipin ni y.o.u! na sobra ko siyang mahal. hahaha! gusto ko yung sakto lang. :)
-ayaw akong tantanan ni F, true love daw eh. para sa akin, lust yun! lust! hahahaha!
-parang batam ako kung sasabihin kong gusto kong makasama si y.o.u! habang buhay. taman siguro yung gusto ko siyang makasama hanggang may bukas. :)



the plus..


itong plus na to ay ang aking to do list for 2010. hindi to new year's resolution. hindi ko naman dapat obligahin ang sarili kong gumawa ng mga bagay na ayoko naman talagang gawin. loko-loko ang mga taong gagawa ng new year's resolution at wala namang planong gawin ito. anyways toothpaste, ito ang akin:

1.mag-ipon! marami kasi akong naka-line up na gamit na gustong bilhin. hindi nga ako in demand ngayon kahit nagpopokpok ako sa isettan.

2.bwasan ang paninigarilyo. hindi itigil. kilala ko ang sarili ko. alam ko sa sarili ko na hindi ko siya matitigilan kaya bawasan na lang. kung dati, 2 packs a day, ngayon, 1 pack and 20 sticks na lang. :)

3.magbasa, magbasa, magbasa! wala lang. ika nga ni bob ong, wala ng mas nakakaawa pa sa taong literate pero wala namang natapos na libro, kahit isa. ayun, ine-aim kong makabasa ng 2 books per month. dapat puro english. hahaha! kunyari, my first ABC. hahahaha!

4.umuwi ng maaga. naaawa na kasi ako sa ermat ko. palagi na lang niya akong hinihintay umuwi. napupuyat tuloy siya. (teka, manghingi na lang kaya ako ng duplicate key? hahaha!)

5.iwasang bumili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan. minsan kasi, nangangati akong bumili ng mga bagay na hindi ko naman talaga ginagamit. natutuwa lang ako. ganun. sayang ang pera. ika nga ng ermat ko.."aba carlo! mag-ipon ka! hindi ako tumatae ng pera!" sabi ko naman.."well obviously, hindi kayang tumae ng pera ang isang tao. ano bang statement yan? duh?"

6.matulog ng maaga. kung ngayon, maximum ng 2 hours ang tulog ko, susubukan ko ng gawing 2 hours and 30 minutes. :) hanggang sa humaba na ng humaba. at hanggang hindi na nga ako magising. hahahaha!

7.umiwas sa droga. ito ang isa sa mga pinakamahirap gawin. seryoso. no furthers explanations.

8.matuto ng photoshop! as an advertising student, essential shemper sa akin na matutong mag-edit ng mga ka-ek-ek-an na pics and stuff. diba? nakakita ka na ba ng isang advertising practitioner na walang alam sa photo editing? whahaha! nakakatawa yun!

9.magsulat. dito, hindi ko na siguro dapat pang ipagtulakan ang sarili ko, ang gusto ko lang, sipagin pa lalo sa pagsusulat. :)

10.mahalin si y..o.u! hanggang malunod siya sa pag-ibig! ayokong mag-explain.




happy new year guys! :D rakenrol!

15 comments:

engel said...

Good luck sa inyo ni y.o.u.!!

Happy New Year!!!

Victor Gregor said...

Lunurin mo si y.o.u ng pag-ibig pero wag mong kalimutang maghagis ng salbabida! LOL.

Andrei said...

matutupad din ang lahat ng gusto mong mangyari. palagi lang maging positive lalo na sa kanya. kaya mo yan. nako, ikaw pa. happy new year.

Yj said...

ang ihagis mong salbabida kay Y.O.U. ay sina Nyl at Victor... hihihihihi

Mga Epal said...

Happy You Year! Manigong "sana kumpleto pa ang mga daliri nyo" sa inyong lahat!

lee said...

ang daming nangyari sa 2009 mo =D

goodluck sa 2010 mo. lalo na sa plus #10 mo =D

anteros' dominion said...

madali ang photoshop cs3..madali rina ng corel..pero kung nahihirapan ka sa mga iyon, try mo munang magpraktis sa picasa ng google.

maskom ka pala

actually, friends tayo sa facebook

i just dont discuss my identity in my blog.

iwas gulo lang.hehehe

caloy said...

engel: salamat! :D happy new year din!

victor: naku, nalimutan ko nga yung salbabida. sana marunong siyang lumangoy. :D

yj: bakit hindi na lang yung B.O.B mo? balita ko majubis yun. hahaha!

epal: happy new year din. :D parang gusto kong abusuhin yung pangalan mo. epal epal. loko lang. hahahaha!

lee: konti lang naman. haha! happy new year! :D

antero's dominion: hinanap ko! hindi ko makita! cs3? corel? picasa? hala! alien ka no! hahaha!

gege said...

lupit mo!
naalala mo yan lahat.
hehe.
nice! nice!
good luck sa 2010!
happy new year!

citybuoy said...

dito lang ako magkokomment kasi nitong quarter lang naman kita nameet. masaya ako na nagkakilala tayo at kayo ni y.o.u. :D

kape kape na!

wanderingcommuter said...

may nalimutan ka, at bawasan ang pagiging mapanlait! nyahahaha

Jepoy said...

Ngayon lang naka segwey ng basa. Gaya ng mga nakalipas na parts punong puno ng cheddar cheez ang laman. LOL Gudlak sa New Years Resolution mo.

May nakitang akong picture mo at ni YOU mag kasama ahahahha na screen shot ko joke ahaha

Happy New Year!

Boying Opaw said...

bagong taon na.

happy new year!

Mangyan Adventurer said...

Goodluck sa 2010!


Happy New Year!

Herbs D. said...

drugs.are.fun. hehehe. nuff said.