Followers

November 15, 2009

pahinga..

nakakapagod.
gusto kong sabihin sa harap niyang.."ayoko na..napapagod na kong araw-araw kang hintayin. araw-araw kang intindihin. araw-araw ulit-ulitin sa isip ko na kaya mo, kaya ko, kaya natin to. kasi hindi..hindi natin kayang gumawa ng imposible. alam mo, may mga bagay sa buhay natin na kahit anong pilit natin, hindi natin magagawa, hindi natin matutupad, hindi natin maaabot. kung tatanungin mo ako ngayon, hindi ko na kaya. nakakapagod na talaga. nasaan ka nung mga panahong kailangan kita? yung mga panahong nag-iisa ako at iniisip ka? p*cha, kahit isang text na good morning, wala akong natanggap! ngayon, sasabihin mo, kung may dahilan ako para mag-stay, magsi-stay ako? eh pano yan? wala na `kong makita? is this goodbye? is this the end of i onced thought will be forever? ngayon, sabihin mo sa akin kung meron pa nga akong dahilan para maghintay, para mag-stay."


ewan..nakaka-blangko na naman ng isip. tama nga siguro yung sinabi ng isa kong kakilala..na kakalaro ko sa ganitong aspeto ng buhay, darating ang panahon na makakarma ako. at ito na siguro yun.

-i know how to flirt. i know how to play the game. but the nega side is..i always fall in love. (parehas tayo. totoo. pero si-nwerte ka ngayon..pana-panahon naman yan eh..nagkataong hindi ito yung akin.)

3 comments:

kox said...

bakit di mu kaya sabihin sakanya yan? malay mo may mag bago..

hindi nakakapagod mag antay kung talagang gusto mo. gumawa k ng paraan, hindi yung puro tanong at gulo ng pag iisip ang iniisip mo. :D

Yj said...

damdamin man ay totoo,
pag pinaghihintay,
napapagod din ang puso.....

lalalalalalala

sabi lang ng kanta yan ha.... smile ka na po....

chicomachine said...

kox- oks na lahat..baka nga burahin ko na tong post na to. hahahaha!

yj- yj yj yj..wala lang..palagi mo na lang ako inaaway..huhuhu.. :D hahaha!