Followers

November 10, 2009

walang ma-i-taytel. amp.

linggo. alas sais y media ng gabi. sa isang simbahan na malapit lang sa amin.

alam kong isa ito sa mga huling beses na magkakasama kami ng matagal. ayokong magpakita ng kahit anong emosyon na magpapalungkot sa kanya. gusto ko, aalis siya sa lugar na ito na may ngiti. may alaalang aalalahanin at taong babalikan.

tahimik ako habang naglalakad patungo sa kanya. hindi man halata, nalulungkot ako. tapos na kasi ang maliligayang sandali. tapos na ang bawat paglusong ko sa baha para makasama siya. tapos na pagsundo sa kanyang workplace.

at maiiwang nakatiwangwang ang burger machine.


papalapit ako ng papalapit sa kanya.

'kamusta?

-mamaya na tayo sa next mass.

'oks oks.

(katahimikan.)

'aalis ka na. bukas right?

(katahimikan.)

-mangomunyon tayo.

'(hesitant.) (pero para sa'yo..) oks oks.

'(sa isip..) mawawala ka na. mamimiss mo kaya ako? pagdating mo dun, maalala mo pa kaya ako? kaya nga ba natin ang ganitong set-up? oo sana, ang o.a ko..hindi naman ganoon kalayo ang destinasyon mo, pero malaking kawalan ang anim na beses sa isang linggo na hindi kita makikita.

-pawis na pawis ka, magpunas ka nga. may panyo ka?

'alaws eh.

biglang may umabot sa aking basang panyo. natural galing sa kanya.

'thanks. bat basa? yak ka. nasa simbahan tayo eh.
sabay punas ng pawis. nagtatakbo ako papuntang simbahan. gusto kong sulitin ang oras na magkasama kami ngayon. haay..

-(tahimik.)

'anong iniisip mo?

-wala.

'weh? peksman?

-(tahimik.)


nakapila kami para sumubo ng ano..ng ostiya. at ako: nag-iisip. kaya ba namin? kaya ko nga ba? oo. sa tingin ko. mababaw lang ang lahat ng ito. pero bakit may kumokomplika ng isip ko?

[katawan ni kristo]

'amen.

[katawan ni kristo]

-amen.

-uy, sa relic chapel..
(may lungkot siya sa kanyang boses.)

'oks oks.
(full of enthusiasm.)

habang naglalakad kami, tinitignan ko ang buo niyang likuran. gusto ko siyang akapin bigla. sabihin sa kanya na: "bibilangin ko ang mga araw na wala ka sa tabi ko at sa oras na bumalik ka, triple ng bilang na yun ang mga araw na magsasama tayo at magsasaya." pero hindi ko pwedeng gawin yun, nasa loob kami ng simbahan habang nagmimisa. ayokong gumawa ng eksena para lang maibsan ang mga ka-o.a-yan ko sa katawan.

pagdating sa chapel, sumalampak siyang bigla sa luhuran at nagsimula ng magdasal. tinitignan ko lang siya, habang kinakausap si Lord.

'(sa isip) Lord, salamat kay topak. siya ang biyaya mo sa akin diba? salamat at katabi ko siya ngayon. salamat at sa huling pagkakataon, may pagkakataon akong pumunta sa balwarte mo na kasama siya. ayokong umalis siya, pero realidad ng buhay diba? kailangan niyang mabuhay. kailangang gampanan niya ang responsibilidad niya. masaya ako dahil nakilala ko siya sa sandaling panahon. magiging mahirap ang mga susunod na panahon pero kakayanin ko. kakayanin namin.

natapos na siyang magdasal. nakatingin lang ako sa kanya. ineeksamin ko ang mukha niya, kinakabisa.

-bakit? (ayan na naman siya sa pagtatanong with maamo face na parang inosente. cute na cute talaga ko sa kanya pag gumaganon siya.)

'wala.

-bakit nga?

'wala nga. tara na?

-magpa-bless tayo kay father?

'oks oks.

lumabas na kami sa relic chapel at hinintay matapos ang mass para magpa-bless kay father.

at natapos na nga ang misa. lumabas na kami, sabay sa ilang daang tao na sumamba rin. gusto kong hawakan ang kamay niya, sa kahuli-hulihang pagkakataon. pero hindi pwede. gusto kong halikan siya, pero hindi rin pwede.

'sasakay ka na?

-(tahimik.)

anak ng..bat ba ayaw niyang magsalita? oh sige. go go the silent treatment.

'..

-..

'arrrrgh! magsalita ka naman! (sa isip lang..hahahaha!)

-..

'san mo gustong tumawid? dito o sa kabila?

-sa kabila.

'oks oks.

at tumawid na nga kami, hindi ko sinasadya, pero nahawakan ko ang kamay niya. natuwa ako dahil hindi niya ako pinigilan. pero pagkatawid namin, bumitaw rin siya agad. naiintindihan ko naman kung bakit. masakit lang na kung hindi pa kami tatawid, hindi ko pa mahahawakan ang kamay niya. sana tumawid ulit kami..sampung beses pa.

'sasakay ka na?

-(tango.)

'ingat ka dun. ingat ka pag-uwi. (mahal kita..mahal na mahal.) (pabulong lang ang huli. na hindi niya rin narinig.)

-pakabait ka.

'(pinipigilan kong tumulo ang luha ko. kasi o.a yun.) yeh. bye.

at sumakay na nga siya. nilingon niya ko sabay flying kiss. at ako..nakatayo sa kung saan kami nagkahiwalay. nanlalamig. parang bato. at unti-unting hinihila papunta sa burger machine.




kung saan kami unang nagtagpo.

12 comments:

Yas Jayson said...

swerte ni topak sayo. no fuss. :D

kung ibig ng dyos talaga na maging kayo maski sa ganyang sitwasyon, makakaya mo. mag-blog ka. gawin mo tong imbakan ng lahat ng pangungulila. haha. ikaw ang bahala tsong. kitams, ang tunay na umiibig ay nasasaktan. :D

+++
Yas @chicomachine:
At sino bang hindi magagalit dun? Imba sya. LOL :D

Yj said...

aaaaaaaaaaaaaaaw hug kita...

sana nilagay mong pamagat,

"ostrich goodbye"

hehehehehe

Unknown said...

life has its own change, and and we need to know that life has its own things to follow, it is a guide to make you strong and become good in life... you can do it...

Anonymous said...

ramdam ko ang pagmamahal at lungkot mo.

kaya yan! :)

AL Kapawn said...

oh pag ibig, kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin lahat masunod ka lamang..

madalas kapag nai-inlove ang isang tao nginging OA, naginging baduy.. he he he,

huwag mong iyakan...idaan mo na lang sa blogging..

AL Kapawn said...

salamat nga pala sa pag dalaw at komento sa aking site.. sinundan ko na lang ang links mo.

Jepoy said...

Puro ka kesohan dito ah hihihihihi

Di bale marami naman darating eh, hayaan mo na sya LoL

Na paka insensitive ba ng advise ko?! Ganun naman ang reality masakit o painful sa english. Hihihi

caloy said...

@elyas: mas swerte ako kay topak. :D hahaha!

@yj: oy yj..ostrich na naman! hahaha!

@tim: thanks..isasapuso ko yan..peksman! :D

@alkapon: salamat sa pag-follow! pislabrakenrol. :D

@jepoy: gumaganti ka lang..nakita ko kasi na hindi ka nagsipilyo. hahahaha! joke leng! :D salamat idol!

citybuoy said...

kaya niyo yan! haha gogogo fightfightfight!!!

nasad lang ako dun sa part where u held his hand tapos he let go. metaphor ba yun o nagkataon lang?

caloy said...

@citybuoy: nagkataon lang..hahaha! pero kung trip mong gawing metaphor para gumanda sa paningin mo yung post..sige, metaphor na din. :D

Renz said...

sad ako nakakakonek huhu

Aingel Joy Domingo said...

aww. i so love ^^ *thumbs up