Followers

November 5, 2009

sino nga ba ako?

sino na nga ba ako?





-pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho o sa eskwela, mapapatanong ka kung ikaw pa nga ba ang taong nakikita mo ngayon sa salamin. kanina, habang tinitignan ko ang sarili ko, para bang..

..


hindi ko rin masabi. oo. nakikita ko ang sarili ko sa salamin, pero hindi ko naman maramdaman na ako nga ang nakikita ko. mahirap ipaliwanag. sa parehong paraan na mahirap ding intindihin. hindi naman kasi ako ganito dati. pero ngayon, heto ako, napapabuntong hininga at nag-iisip kung bakit ako nagkaganito.


-bakit nga ba ako nagkaganito?


maraming dahilan. kung iisa-isahin ko ito ngayon, malamang sa malamang, hindi na `ko matatapos sa pagsusulat nito. pero ang isang malaking dahilan ay ang.."pag-ibig."







-pag-ibig.


sabi nga sa kanta, kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. pero, sa lahat ba ng pagkakataon, dapat mo siyang sundin? ano, para sa`yo, ang mas mahalaga? sa paglalakbay mo sa buhay, mas importante nga ba ang tinitibok ng puso mo kesa sa ibang bagay na kailangan din ng atensiyon mo? kalokohan ba `tong mga pinagsasabi ko? gago ba `ko?








hindi ko alam. at palagi namang hindi ko alam.

5 comments:

Jepoy said...

Ewan ko na guguluhan ako. LoL

Aris said...

minsan, higit nating makikilala ang ating sarili sa pamamagitan ng taong nagmamahal sa atin. :)

citybuoy said...

sige lang. sundin mo lang ang puso mo. wala namang makakapagsabi kung ano mangyayari eh. it's always better to live your life and to fall in love without thinking of the pain that it can sometimes bring. :D

Manech said...

One thing I've learned is that the what-ifs hunt you in the middle of the night.

I agree with citybouy. Do what you must. You risk more by not risking.

Random Student said...

parang mulan lang ah he-he... magcharantia ka muna dude.