Followers

October 8, 2009

hagupit ni ondoy: the after-shock (ikalawa at ikatlong araw)

ayun na nga, matapos ang mga makapagbagabag-damdaming oras na hindi ako makatulog, nag-internet muna `ko. (umulan man o bumagyo, shemper, tuloy-tuloy ang blogging :D) binuksan ko na rin ang fb ko. sa dami ba naman ng mga pinaggagawa ko buong araw, natural na i have to give myself a break. kahit na ba halos kalahati na ng katawan ko ay lubog sa tubig baha na pinaghalong brown at green ang kulay. (hindi ko talaga alam kung bakit nagkaganito ang kulay ng tubig-baha. paminsan-minsan, iniisip ko kung sa papaanong paraan nabago ang kulay nito. ayokong isipin minsan kung saan galing, para kasing umiikot ang sikmura ko. basta. yakk) ayun na nga, natuwa naman ako sa mga nakita ko. past 2 na, pero alam kong hindi pa rin ako dinaalaw ng antok. hanggang sa makita ko ang relo uli, sh*t! 4 na pala! dali-dali akong lumangoy at umakyat sa kwarto. I need to be as light as a feather but I have to be as quick as..as..basta quick! susmarya, maaga pa naman magising ang nanay ko! ay anak ng baka talaga, oo! baka mapagalitan ako. sasabihin non, “ABA CARLO! WALA KA NA NAMANG INATUPAG DIYAN KUNDI MAG-KOMPYUTER MAGDAMAG! ANAK NG P*TA, IBABALIBAT KO NA YAN!”
takot na takot talaga ako kapag gumaganon si mama. pero kapag ganon na siya, cool na `ko sumagot. shemper, para mabawasan yung tense feeling. atsaka, para hindi na niya pahabain yung pag-uusap. ayun na nga, buti, pag-akyat ko, natutulog pa siya.wala namang ibang magagawa talaga kundi matulog, lalo na sa panahong `to. di mo rin naman kasi maaasahang magbigay ang pamahalaan sa lahat ng nasalanta at naperwisyo. shemper dun lang sila sa über nasalanta lang talaga. yung tipong sa tuktok na sila ng bubong nila nag-aabang ng anything na dadating galing sa langit (ex. de-lata, barbie[for the kids][wala na atang batang lalaki sa mundo], bigas, mga damit) ganon. mga common na kailangan ng isang nilalang. (teka, bakit walang sipilyo at toothpaste? ang yakk naman nila kung ganoon man.)

halos tatlong oras lang ang tulog ko, mga alas siyete kasi bumangon na ako. kailangan kasi ako shemper para ayusin at itaas pa ang ibang bagay na kailangan ayusin. pero hindi muna ako kumilos ng dalawa pang oras kasi nag-internet ako ulit. (oo na, addicted na kung addicted.) pagbaba ko, simula na ng aksyon. sakto kasi ang pagdating ng tita ko, ayun, may mga pinaayos na naman sa tindahan niya. oras na naman para makakuha ng totoong relief goods. ayun, nakadekwat ako ng isang pack ng flat tops (yung chocolate?) tapos isang pack din ng cloud9 at tatlong pirasong pancit canton. (hanggang ngayon, nakukunsensiya pa rin ako kapag naaalala ko ang mga pagkaing nakuha ko. sa kabilang banda, natutuwa rin ako dahil kahit may sakunang naganap, hindi pa rin naaalis sa sistema ko ang pagmamasiba.)

tumataas ang tubig. maya-maya, bumababa na naman. tapos tumataas na ulit. tapos hindi na titigil sa pagtaas. biglang bababa na naman ng kakapiranggot. makailang ulit ko ng tinatanong sa ermat ko kung bakit pasirko-sirko ang tubig pero iisa lagi ang sagot niya: ang p*tang-inang dam daw ng tubig malapit sa amin. nagpapakawala kasi ito ng tubig para hindi ito mapuno, nang sagayon, hindi malunod ang mga tao sa mas marami pang tubig na paparating. inuunti-unti nila ang pagpapalabas nag tubig kaya naman hindi na matapos-tapos ang baha sa amin.

at ayun, pagkatapos kong gawin ang mga kailangan ko, tinawag naman ako ng tito ko para alisin na ang internet. (how sad) itataas na kasi naming ito sa 2nd floor para di na kami mababasa at para hindi na rin mabasa nnag modem at telepono kung sakaling tumaas uli ang baha. (how great!) umakyat na ang tito ko sa bubong, habang iniisa-isa ko na ang pagtanggal sa mga kable at sa mga saksakan. maligayang-maligaya ako kasi mas hassle-free na ang pagi-internet ko. wantusawa pa! ow yeh! ingat na ingat kong inakyat ang mga kable nang sa gayon, maisakatuparan na ng todo ang paraisong naghihintay sa akin.

naiayos na ng henyo kong tito (waw. naging henyo agad! yeh!) ang mga kable at redi tu rol na ang telepono. naglalaway pa nga ako habang ikinakabit ko na sa laptop yung internet. ito na ata ang pinakamasayang sakuna na naranasan namin. ilang minute pa, nakita ko na ang sarili kong walang humpay at walang kaumay-umay sa pagtitipa at pagbubukas ng mga website na oh-so-kay-tagal-kong-inasam na magbabad. mga umaga inilipat ang telepono at internet, paglinga ko sa bintana, anak ng p*ta, gabi nap ala! susmarya, adik na adik na nga siguro akong talaga. saka ko lang din napagtanto na kaninang-kanina nap ala kinakain ng sikmura ko ang iba ko pang internal organs sa soooooobrang gutom. bumaba na ako sandal para kumain. (kung hindi ako nagkakamali, paksiw nab angus ang ulam namin.) pagkatapos kong kumain, wala ng pagaatubili pa, bumalik na ako sa harap ng kompyuter at sinimulan na naman ang pag-aadik ko na tila ba hindi na ako sisikatan ng araw bukas. (literally speaking, hindi naman talaga ako sisikatan ng araw bukas. it’s raining cats and dogs. no chance of embracing the stupid sunlight.)

palalim na ng palalim ang gabi. kinukumusta na naman ng malikot kong isip si labs. sa tingin mo, ok lang kaya siya? wala lang, napapaisip na naman kasi ako. nakaraming message na ako sa kanya sa ym at sa fb, hindi pa rin ako nakakatanggap ng kahit na isang reply. medyo namumutawi na ang kaba sa dibdib ko. hindi kasi ako sanay na hindi ko nalalaman ang kalagayan niya. pero don’t get me wrong. hindi lang naman ako sa kanya nag-aalala. maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. (pero minsan, kung hindi busy, naglalakad lang sila, else, gumagapang. na-get mo yung joke? :D)

kidding aside, ayun na nga, sana ok lang siya. atsaka, sana magparamdam siya kahit “ok” word lang sa mga message na ipinadala ko sa kanya. hindi naman dahil hindi kami, hindi yun dahilan para hindi ako mag-alala sa kanya. ewan ko ba. haaay.

No comments: