Followers

October 5, 2009

uy. g*go ka raw?

boom. wala lang. kamusta ka na kaya? sa haba-haba ng panahong hindi kita nakausap, nagbago ka na kaya? ewan ko rin. siguro masayang-masaya ka ngayon. siguro, oks na oks na ang buhay mo. mas pinili ko kasing manahimik sa isang sulok para mas maging mabisa ang kalayaang hiningi mo sa akin noon. na kahit napakahirap ibigay, ay nagawa kong bunutin ang mga salita sa dibdib ko. kamusta ka na kaya? mahilig ka pa rin ba sa mga kakaibang tunog? mahilig ka pa rin kaya sa siopao? mahilig ka pa rin kayang magbasa ng paa kahit anong mangyari? alam mo kaya ang mga pagsubok na dinaanan ko pagkatapos nating magpaalamanan? sira pa rin kaya ang ulo mo?

wala lang. gusto ko lang malaman. gusto kong ipakita sa`yo yung mga bagay na hindi mo nakita sa akin noon. ang mga pinagbago ko. ang biglang pagbaliktad ng mundo ko, maipaunawa ko lang sa`yo na hindi ganoon kadali lumimot ng mga bagay na una mong naranasang gawin ng isang tao sa`yo. gusto kong ipakita na malaya na `ko. na kaya ko ng sabihin na masaya ako, dahil `yun ang totoo. at dahil `yun ang gusto kong isipin mo. gusto kong ipakita sa`yo na kayang-kaya ko na na wala ka. gusto kong ipakita sa`yo na mas maraming magagandang bagay ang nangyari sa akin nung umalis ka. gusto kong maramdaman mo na hindi ako galit sa`yo, pero nakatatak ang lahat ng nangyari sa akin.

wala na akong nararamdaman. (ows?) sa parehong paraan na hindi na pala ako marunong huminga.

5 comments:

citybuoy said...

grabe. ang lakas ng post na 'to. sobrang sakto sa nangyari sakin quite recently. i'm glad na nakasurvive ka. mahirap pero ganun lang talaga. left foot tapos right foot nanaman. maya maya nakamove on ka na.

kox said...

grabe ah! haha.. parang bitter na di ko maintindihan. hehe :)

Aris said...

maiksi pero malaman. simple pero tumatalab. magaan pero madamdamin. :)

taympers said...

i agree with aris.

蔥油餅Jon said...

徵信社,尋人,偵探,偵探社,徵才,私家偵探,徵信,徵信社,徵信公司,抓猴,出軌,婚姻,劈腿,感情,第三者,婚外情,一夜情,小老婆,外遇,商標,市場調查,公平交易法,抓姦,債務,債務協商,應收帳款,詐欺,離婚,監護權,法律諮詢,法律常識,離婚諮詢,錄音,找人,追蹤器,GPS,徵信,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信社