Followers

October 9, 2009

taguan sa sm..

dapat sana ngayong araw na 'to, makikipagkita ako sa mga kaklase ko para sa isang documentary na required sa isang subject. 9 ang usapan pero mga 9 na rin ako nagising. inisip kong humabol na lang kaya nagmadali na rin ako sa pagkilos.

habang nasa bus ako, ulit-ulit ang dasal ko na sana hindi sila makonpi (mapikon) sa akin kasi nga late ako. medyo late na rin kasi ako nakatulog nun. ayun. pagdating nga sa may quirino, medyo oks pa ang pakiramdam ko, hanggang sa mapadaan na nga sa dating unibersidad na pinapasukan ko.

linga ako ng linga na hindi ko maintindihan na parang g*go. may hinahanap akong ewan.
hindi ko alam.
nagbabakasakali akong makita ang isang tao na pilit kong binubura sa buhay ko. bad trip talaga.

hindi ko naman siya nakita.

pero oks lang. wala rin naman akong intensiyon na makita siya ngayon.

umandar na muli ang bus. pinilit ko na namang matulog pero wala na talaga kaya nagpatugtog na lang ako ng kanta galing sa telepono ko. at habang binabaybay ang kahabaan ng taft, napapaisip na naman ako ng mga bagay na hindi ko na naman na dapat pang isipin.

pagdating sa cityhall, habang nag-aayos ako ng gamit, nakita ko siya. kasama ng dalawa niyang kaklase. nagmadali akong bumaba. inikot ko sa kabila ang cityhall para makasalubong sila. sa sm kasi sila pupunta.

di ko sila inabot. pumasok na lang din ako at nagbakasakaling baka magkasalubong kami. dala ko pa naman yung ibibigay ko sa kanya.

"f*ck. bat apektado pa 'ko sa lahat ng ginagawa niya! p*tangna."

naglalakad ako. nakita ko siya. hindi ko alam ang gagawin. bunot agad ng telepono kahit wala namang kausap. akting mag-isa. kailangang ipakitang burado siya sa sistema.

"f*ck talaga. this is so pathetic. i am so pathetic."

biglang liko habang bumubulong ng sangkaterbang dasal. dasal na sana hindi niya ako makita. na sana kung makita niya ko, malaman niyang ok na ko..kahit hindi.

kibit-balikat. kunyari hindi ko sila napansin. parang wala lang. naglakad na naman ako. lakad na mabilis. yung parang nakikipag-karera sa kabayo. bigla kong naisip na.."bat ako nagtatatakbo? atat ba kong makasalubong siya uli?"

at habang nagtatalo ang isip ko, ayan na naman sila. hablot aulit ng telepono at parang nakikipag-away sa kausap. kausap na gawa-gawa ko lang. kausap para hindi ako magmukhang tanga..kahit tanga na talaga ako.

mukhang makakasalaubong ko na na naman sila. mukhang kailangan kong magdasal na naman o kahit mag-rosaryo pa 'ko sa harap ng comic alley.

pawis na pawis ako kahit malamig. pawis na pawis ako kahit na may iniinom akong nagyeyelo. kinakabahan ako na parang hahatulan na 'ko ng kamatayan. ayoko na.

lumabas ako. nag-yosi. nag-isip. at nag-isip na naman. isip ako ng isip pero wala akong mapagdesisyonang bagay. sana pala hindi na lang ako nag-isip. sayang sa oras.

bumalik ako sa loob. uulitin ko siguro ang katangahan ko. hindi ko na naman alam. palagi namang hindi ko alam. bwiset. nakakasawa.

tambay sa may bilog. umiinom. kunyari na namang may kausap. nakita ko sila sa baba. iniba ko ang tingin ko. kunyari na naman hindi ko sila nakita. umiiwas ako hindi dahil baka mapahiya ako. umiiwas ako dahil hindi ko na siya kayang harapin. baka bumalik bigla ang lahat ng nararamdaman ko. baka habulin ko ulit siya. kahit ayaw niyang magpahabol.

mabigat ang loob kong lumabas ng sm. sa susunod, hindi na 'ko pupunta doon.

11 comments:

Goryo said...

Tama... sa tutuban mall k na lang pumunta.. kahit hindi sale dun, ang presyo ng mga bilihin ay parang sale na rin... ahihihi - ang gulo !!

citybuoy said...

sometimes, in our effort to seem so unaffected by a break-up we end up doing the silliest things. haay.. nakakastress naman yun. buti okay ka lang.

listen to everything in time ng no doubt. bagay na soundtrack sa moment mo dun. buti nalang di kayo nagkita.

caloy said...

citybouy: nagkita kami. talagang umiwas ako. di ko kaya. :( kasama pa naman niya yung current niya. haist. anyway, thanks sa comment. :)

Unknown said...

hehehe, i am not living in manila, but i know the situation there..

Unknown said...

tsk tsk tsk... pasakit sa ulo ang mga ex lalo na kong fresh na fresh ang pagiging ex niya.. and mas masakt pa kung ang ex ay may current habang ikaw, nagdidildil ka pa sa mga naiwang ala-ala.

wala akong masasabi kundi move on. mahirap pero dapat. kelangan mong tulong? hek hek

citybuoy said...

mukha namang buhay ka pa. anong ginawa mo nung nagkita kayo?

Anonymous said...

ang mga ex na yan ay dapat tinatagpo
at nagpapalibre ng bonggang bongga
sasama sa current
at guguluhin ang moment nila
at uuwing masaya dahil nasira ang binalak nilang date :)

caloy said...

ang jangas ng payo mo anthony! hahaha! i'll do that. i promise. yeh!

caloy said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

hayyy.. ang gulo mu. ang gulo ng mga lalake! hahaha. echos! :D

Carlos Jude Laron said...

i read this again. now I know. :)
move on tsong there's more fish in the water!