Followers

October 18, 2009

an.

wala na ba `kong ibang mapagbabalingan?
bakit mayroon pa rin akong nararamdaman?
matagal na panahon na rin naman ang nagdaan.
bakit mahirap siyang kalimutan?
nagawa ko na halos lahat ng alam kong paraan.
mula noon hanggang ngayon, wala pa ring kaibahan.
pinangarap kong muli siyang mahagkan.
pinangarap kong muli kaming magmahalan.
hindi ko pa rin maintindihan.
ang mainit na samahan,
ngayon ay napalitan ng malamig na kibuan.
mga dating pangako, di pa rin mabitawan.
mga huling salita, hanggang ngayon ay di pa rin maunawaan.
ito nga ba ang kapalaran?
ang maghintay sa wala kailan pa man?
ipit sa nakaraan.
kaya ngayo'y di makarating sa paroroonan.
lahat ng ito ay ngayon ko lamang naranasan.
at sana, hindi na ito masundan.
ayoko sanang ipagpilitan.
pero sa katunayan,
ayoko talaga sanang bitawan,
pero lagi kaming nauuwi sa paalamanan.
siya ang laging laman ng aking isipan.
mapagawi sa kanluran,
mapalingon sa silangan,
siya at siya pa rin sa walang hanggan.

4 comments:

Anonymous said...

kilala ko kung sino to. hahaha

Aris said...

search your heart. baka naroon ang kasagutan kung kailangan mo pa ring magpatuloy o mag let-go na. :)

Jepoy said...

Lilipas din yan believe me... Alak pa!

Carl Paolo said...

ang galing naman niyan