Followers

October 27, 2009

burger machine.


hindi ko inaasahan ang mga nagaganap ngayon. maraming nangyayari na di saklaw ng pang-unawa ko pero bigla-bigla na lamang dumadating.

isang gabi, kasalukuyang nagko-computer ako at ano..basta may ginagawa akong kakaiba, at alam kong marami-rami ring gumagawa nito. ayun. bigla akong nakatanggap ng message sa fb..actually pm siya. ayun. magkita nga daw kami. kilala ko siya sa mukha at pangalan, pero di pa pinagtatagpo ang landas namin ni minsan. napa-oo ako ng mabilis. ewan ko rin. siguro naumay na rin ako kaka-computer maghapon-magdamag sa bahay. at isa pa, bihira akong makakilala ng taong konektado sa isang taong sobrang malapit sa puso ko. kaya ayun nga, nagmadali na kong pumunta sa lugar na pagkikitaan namin.

aminado ako. noong una, kahit hindi ko siya kilala, naaasar ako sa kanya. kasi nga konektado siya sa isang taong malapit sa puso ko. pero nung nakita ko at nakausap siya, iba pala.

masaya siyang kasama. kahit pa napakabigat ng problema niya sa buhay, nagagawa pa rin niyang tumawa at pakinggan ang mga sinasabi ko. normally naman kapag may problema, concentrated ang isang tao sa problema niya at wala ng naririnig na iba. pero iba siya. uulitin ko, masaya siya kasama. hindi dahil nilibre niya ko ng red horse, yosi at jumbo burger sa burger machine. kahit na mayroon siyang malaking problema, hindi mo yun mahahalata sa kanya. kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya sa mga pagkakataong kailangan ng presence of mind. mukha siyang tahimik. pero madaldal siya. sa maikling oras na kasama ko siya, muntik niya ng maikwento ang buong buhay niya. detalyado kung magkwento at may nakakatuwang tawa sa huli. natutuwa din ako kapag sinasabi kong wala pa akong karanasan sa isang aktibidad na ginagawa ng mga nagmamahalan. hindi kasi siya naniniwala. pero sa susunod na pagkikita namin, sasabihin ko na sa kanya na niloloko ko lang siya.

kinabukasan ng gabi, nagkita kaming muli. yung 2nd night pa namin ang wala masyadong imikan. nakakatuwang isipin na kung kailan mas palagay ang loob namin sa isa't-isa, doon pa kami hindi nagkikibuan. napagusapan din namin yung taong malapit sa puso ko. pero hindi na naman masyado pang dapat pagusapan yun. sabi nga niya, bakit kailangang pag-aksayahan ng panahon ang mga taong wala namang balak magtagal sa buhay mo? napaisip ako doon sa sinabi niya. kahit ako, walang kasiguruhan kung hanggang saan ba tatagal ang ugnayan namin nung taong malapit sa puso ko. wala naman kasing kasiguruhan ang lahat. hindi siya nangako ng kahit ano kaya napapasuko niya ko ng mabilis.

matagal ang naging kwentuhan namin. nalungkot pa nga ako nung nagpaalam na siya. hindi ko alam. halo-halong emosyon na naman. maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. sa sobrang occupied ng utak ko, nakalimutan kong sabihin sa kanya yung pangloloko ko na wala akong karanasan. napatawa ako habang umuuwi. iniisip ko kung talaga kayang naniniwala siya siya sa katarantaduhan ko. sa tingin ko hindi rin. sa itsura kong 'to, ewan. ayokong magsalita. basta, sasabihin ko na talaga. ino-notes ko pa para di ko talaga makalimutan.

ang totoo, looking forward akong makita siya uli. kahit pa lumulusong ako sa baha makita at maka-kwentuhan ko lang siya. pwede ko naman siyang tanggihan kung gugustuhin ko. pero mayroong maliit na boses sa loob ko na hindi ko siya pwedeng tiisin. dahil siguro kailangan niya ng kausap dahil sa problema niya o dahil gusto kong makalibre ng burger sa burger machine.

*medyo lame tong kwentong to kasi kahit ako, nabibilisan ako sa mga pangyayari. pero ito ay ito, at wala naman akong mababago para dito.

2 comments:

citybuoy said...

hindi naman siya lame. ano ka ba. haha i think it's always better to be emo with someone else. ewan, yung bang may karamay ka at pwede kayo magtawanan or mag-emohan. hehe kaya mo siguro hinahanap-hanap. iba parin yan kesa computer lang kaharap mo buong araw.

Random Student said...

masarap burger dyan mura pa