Followers

September 21, 2009

this is my 100th post. :)

wow! ang dami ko na palang nai-post! yehey! unfortunately, hindi lahat ng nakalagay dito ay meaningful. pero hindi ko yun babaguhin. pakiramdam ko kasi, sumasalamin yung blog ko sa totoong ako. diba? i mean, dati, kung ano-ano lang ang mga pinaglalalagay ko dito. (hanggang ngayon naman ah? :D) eh ngayon, nagta-tackle na ako minsan ng mga mahahalagang paksain. pero syempre, di mawawala yung mga bagay kung saan ako nagsimula. yung mga kwento, yung pag-evolve ng mga kwento into poems. pati yung mga angst ko na hindi ko masabi sa iba, wala kasing kayang umintindi sa akin kundi ang sarili ko. haaay..gaano na ba katagal itong blog na to? hmm..i started blogging around march 2008. so i guess its a year and some months older now. ang dami na pala naming mga napagsamahan nitong blog na to. though sometimes, aminado akong kinakatamaran ko ang pagsulat dito. :D dito ako nagsimula. lahat ata ng mga pagkakakilanlan sa akin bilang isang amateur writer (wow! may ganon?) ay dito galing. at dahil don, nagpapasalamat ako kay God sa pagbibigay sa akin ng isang baliw na utak. shemper, kundi dahil sa mga katangahan kong to, makakagawa ba ko ng blog? hindi diba? nagpapasalamat din ako sa mga experiences ko na sobrang kakaiba, kundi dahil sa experience kong yun, hindi rin maisasakatuparan tong mga to. tama? :D salamat na rin sa lahat ng taong malapit at kakilala ko, salamat sa walang kaumay-umay na pagbasa ng mga kagaguhan ko. (may isang nagsabi na "it's not worth reading so why would i waste my time reading your crap?") hinding-hindi ko makakalimutan yung taong yun. hindi naman ako galit sa kanya. pero sana, mag-krus ulit ang landas namin para masabi ko sa kanya na "i may not be the best, but i'm better now." hindi ko alam kung anong aasahan ng mga tao sa mga susunod kong post. i think i'll just be myself again. ayoko namang maglagay dito ng mga bagay na hindi totoo. ayokong matutuwa sila sa akin dahil naglagay ako ng mga bagay na hindi naman talaga nangyayari sa akin. yung bang tina-tamper mo ang isang situation. sa napapansin ko nga, wala na kong nailalagay dito na masaya. puro lungkot o kaya galit na lang. sana, sa mga susunod kong post, puro masaya naman ang mailagay ko. to have something new ba? :D

mabalik sa mga kwento. :D

sa tingin ko, oks ako ngayon. hindi ko masyado pinag-iiisip ang future. ine-enjoy ko lang ang mga bagay na nagyayari. kapag kasi inisip ko ng inisip yun, masisiraan ako ng bait. siguro nga, balik na naman ako sa pagiging "come what may" ko. but this time around, i'm using my brain so alam kong meron ng pagkakaiba. :D hindi na rin ako mabilis sumuko tulad ng dati. pero ang mali don, lahat na ata ng bagay, hindi ko sinusukuan, may mga nangyayari na palang mali. :D yung schooling ko, oks naman. sana lang hindi ako tambakan ng napakaraming project. kasi pag ganon, tatamarin ka ng gawin diba? dapat one at a time. isang project lang naman ang looking forward ako. yung pag-gawa namin ng MTV. yun nga lang. super cost-cutting ang kailangan. ang gusto ko kasing ma-experience eh yung magarbo. asa namang ma-experience ko yun, eh hindi naman ako artista. :D sa ibang subjects naman, maybe i'm not doing the best, but i'm doing okay. ayoko din kasing maging super devoted sa pag-aaral kasi madalas, para ka ng teacher's pet. i'm not saying na it's bad. pero magiging o.a. na yung tingin sayo ng mga classmates mo. ayoko naman ng ganun. ang gusto ko, yung tipikal na estudyante lang. ganon. no questions asked.

sa lablayp. eto, wala. sa tingin ko naman, hindi ko yun kailangan sa mga oras na to. ok ako ngayon. masaya ako sa mga nangyayari sa akin. kahit nga wala akong cellphone, ok lang sa akin. pero shemper, andon pa rin yung dati. siya pa rin. siya na naman at siya lang. kung dati, pinipilit ko siyang mawala sa isip ko, ngayon, hinahayaan ko na lang. wala naman akong nakikitang masama kung maisip ko siya palagi. hindi naman ako nakakatapak ng tao sa ginagawa ko, so why bother right? yung mga nangyayari sa amin ngayon, hindi ko na lang masyado iniisip. baka kasi mag-assume na naman ako ng kung ano-ano, hindi naman pala ganon. ako lang ang mapapahiya sa huli. hindi naman sa hindi ko na sineseryoso, pero ayoko ng pag-aksyahan ng oras sa pag-iisip. pasasaan ba't dadating din ang magagandang bagay sa tamang oras. chillax lang. :D


ciao. wala na kong idea. :D

No comments: