Followers

September 21, 2009

paulit-ulit.

'hi.

-uy! kamusta?

'oks lang. kaw?

-eto, nagne-net. kumain ka na?

'tinatanong pa ba yon?

-tsk. ano nga kasi?

'hindi. nagsimula naman akong hindi kumain palagi nung..

-nung ano?

'wala lang..basta.

-ok bahala ka. nga pala, si apol? mama mo? kuya mo? papa mo?

'ayun, nasa loob silang lahat. either nanonood or natutulog na.

-ah, ok.

'so, kamusta na? di ka ba nagtataka? halos gabi-gabi tayo nag-uusap pero di pa rin maubos ang kumustahan natin?

-eh friends naman tayo diba?

'oo naman. hahaha..(kahit di naman talaga niya gustong matawa)

-bat ka natatawa?

'kasi friends tayo. (kahit wala naman talagang nakakatawa)

-kamusta skul? kamusta love life? may bago ka na no?

'wala akong bago. kung meron man, lolokohin ko lang naman yun. ikaw at ikaw pa rin.

-hindi mo na mabibilog pang muli ang ulo ko.

'as if naman na gusto kong bilugin? gusto ko kayang gawing triangle? (ang totoo, nagsasabi siya ng totoo. ayaw lang maniwala nung isa. hindi pa rin siya napapagod ipaintindi na mahal niya pa rin yung isa. yun nga lang, paulit-ulit na)


at hanggang kung saan saan na mapunta ang usapan nila. laging ganon ang ritwal. paulit-ulit. pero hindi nakakasawa. ganon naman talaga yata ang lahat ng nag-uusap sa telepono. yun na rin naman kasi ang nakasanayan nilang gawin.

-mahal mo pa ba ko?

'oo. mahal na mahal pa rin.

-..

'kung hindi ka naniniwala, why ask in the first place right?


sa dinami-rami ng mga napapag-usapan, lagi na lang doon napupunta. ewan ko rin kung bakit. marami talagang mga bagay sa buhay ang di maipaliwanag. at sana, maintindihan ko na yun sa susunod. ayokong tumigil ang buhay ko sa isang paniniwala. at ayoko ring mabulok ako sa mga bagay na wala naman akong aasahan.



*toot-toot-toot-toot*
busy na.

2 comments:

citybuoy said...

ang sakit naman nito. shouldn't it be easy? nagmamahalan naman kayo. pero sometimes the complications make it so hard.

thanks for following! :D nice page you have here.

chicomachine said...

waw. ang ganda nung sinabi nya! thanks citybouy! :) i'm nearly skipping while i'm reading it. :D