Followers

September 15, 2009

nasaan ang walang hanggan?

ipipikit ko ang aking mga mata,
ang dilim ay di alintana.
nasaan na kaya?
nasaan ang tunay na ligaya?

yapusin ang naiwang alaala,
hanggang ngayon ay di makawala.
pilit mang ikubli,
ikaw at ikaw pa rin sa huli.

lalaban na `ko ng patayan,
iyo kayang matunghayan?
bawat sipa at hagis ng kamao,
ang lahat ng ito ay alay sa`yo.

pagtapos ng laban,
ako sana`y iyong hagkan.
mga bituin ay aking hihilingan,
ito sana`y wala ng katapusan.

sa ligaya man o sa lumbay,
sa iyo, kailanma`y di mawawalay.
di ka iiwan,
tayo pa rin sa walang hanggan..

No comments: