Followers

September 24, 2009

ang manok at ang multo. (multo nga ba?)

nagising ako ng mga alas kwatro. ay hindi pala, bumangon lang pala `ko. hindi naman kasi ako nakatulog. bumangon ako kasi kailangan ko nang lutuan ng almusal ang kapatid ko. maaga kasi ang pasok niya. wala din ang ermat ko, pumunta sa bahay ng tita kong balik-bayan. shemper, gusto niya, siya ang una sa chocolates.

ayun nga, nagluto na nga ako. habang nagluluto, may narinig ako. parang may kumakaluskos na hindi ko maintindihan. kinakabahan ako. wala naman kasing gising sa buong bahay, ako lang. pinagpapawisan na ko kahit malamig naman. nasusunog na ang piniprito kong manok pero wala akong pakialam. sobrang natatakot na `ko.

"sh*t. ba`t ngayon pa `ko minumulto? kung kailan nagpiprito ako ng manok? kakaasar. pwede namang habang nagsasaing. ano ba yan.." yun lang ang nasabi ko sa sarili ko. hanggang sa lumakas ng lumakas ang kaluskos. may nakita rin akong puti nabiglang dumaan sa likod ko. napatalon ako sa sobrang takot! grabeng experience yun! para bang tumayo ang lahat ng ano sa aking katawan..lahat ng balahibo! unti-unti akong lumingon sa likod. dasal na `ko ng dasal pero parang wala atang nakakarinig ng dasal ko. nagdasal ako sa benteng santo. yun lang kasi ang kilala ko.

nakita ko na. nakita ko ang puno`t-dulo ng lahat ng katatakutan na bumabalot sa akin habang nagpiprito ng manok. habang inaamoy ko kung paanong naging uling ang manok na uulamin ng kapatid ko. habang pinapalo ko ng syanse ang ulo ko.

asar na asar ako habang pinagmamasdan ko ang ang dahilan ng lahat ng iyon. as in sobrang asar na asar ako. nginangatngat ng daga yung puti kong t-shirt. bullsh*t. isipin mo, p.e t-shirt ko yun na isusuot ko kinahapunan ng madaling araw na `yon! badtrip! dun pa sa may kili-kili. ano na lang ang sasabihin ko sa mga classmates ko pag pinapag-smash nila `ko? "ayoko..shy ako eh.." sabay beautiful eyes? the heck! baka pakainin ako ng racket ng mga classmate ko!


pero habang tinutubuan ng galit ang buo kong pagkatao, hinablot ko na ang t-shirt at sinimulan nang isalang sa kawali kasabay ng pini-pritong manok.



baliw!

5 comments:

carloslaron said...

hahahaha! napaka detailed naman! pero it's funny man! im scared of rats, BIGTIME. tumataas tlaga balahibo ko pag nakakakita ako ng daga. ewan ko ba. sarap ba fried chicken?? waha :P

`Chaizka said...

haha .. bakit naman sa bandang lekii.lekii.. haha lasang keso cguro hehe joke .. xD . sana un daga nLang cnbay mo sa manok ..

kox said...

wahahaha.. =))

citybuoy said...

"sh*t. ba`t ngayon pa `ko minumulto? kung kailan nagpiprito ako ng manok? kakaasar. pwede namang habang nagsasaing. ano ba yan.."

it's so incredibly random! grabe tawa ako ng tawa! galing!

chicomachine said...

@citybouy: thanks! it's an honor na napatawa kita. hahahaha! :)