Followers

September 27, 2009

ang hagupit ni ondoy: unang araw.

tangnang yan si ondoy, di pa nagsisimula ang araw, umaarangkada na. maaga akong ginising ng ermat ko. may pasok kasi ako ng sabado. siguro around 5, nakatingin na `ko sa bintana kung kaya ko ngang pumasok sa skul sa ganoong panahon. pero dahil walang pag-asa, natulog na lang ako uli.

sunod kong gising, mga alas nuwebe na. kaso, hindi na ako nakanood ng power rangers dahil excited akong gamitin ang bago naming laptop. (yehey!) kaya dali-dali akong lumipat sa kabilang bahay para saksakan ng internet connection ang amoy americang laptop. thanks again to my very gifted brain (ulul) ayun. at mga bandang ala-una na nga nung pumasok na ang tubig sa bahay. nung una, medyo oks pa, as in kaya pa naman limasin. eh nung uber lakas na talaga, ayun, wala na, inisa-isa na ang pag-angat ng mga gamit. inuna shemper yung mga mahahalagang bagay na kailangan naman talagang iakyat katulad ng mga bagay na de-kuryente. tapos sunod na yung mga ibang bagay na oks naman mabasa kahit papaano.

pagkatapos kong mag-akyat ng mga gamit sa amin, siya naman ang paglipat ko sa kabilang bahay para tulungan ang tito ko mag-akyat ng mga gamit niya, wala kasi siyang ibang kasama sa bahay. ayun. umpisa sa dalawang computer, yung router, yung modem, yung mga upuan, yung sala set, at lahat-lahat ng mga bagay na pwedeng iangat.

tulala ako habang pinagmamasdan ang bahay namin. hindi ko maisip kung anong dapat kong iprosesong damdamin. dapat ba masaya dahil suspendido ang klase? dapat ba malungkot dahil sa kaunting panahon, aanurin na ng baha ang bahay namin? dapat ba matakot dahil maaaring lumabas sa manhole ang ninja turtles? hindi ko alam. isa lang ang nasa isip ko, sana nasa maayos na kalagayan si labs.

ewan ko rin ba sa sarili ko. bakit kailangan kong isipin ang ibang tao? ngayon pang nagsu-scuba diving na ang pamilya ko sa mga burak na humalo sa ulan? sus, kaya naman niya ang sarili niya. sa tingin ko..

aktong isusuot ko na ang goggles ko ng biglang dumating ang tita ko. nag-aalala siya na baka inanod na ang mga paninda niya. binuksan niya ang tindahan at isinalba ang mga pwede pang kainin. kumuha ako ng batya para doon mailagay ang mga paninda. karamihan ay mga pwede pa naman talagang kainin pero sinabi kong hindi na talaga. itapon ko na lang daw o kaya ibigay sa aso sabi ng tita ko. pasimple akong nangulimbat ng isang pack nf skyflakes, choco topps at lemon square cheese cake and i was pigging out like there's no tomorrow. grabe ang kasibaan ko kahit na bumabagyo. sa tingin ko, ito ang magiging dahilan ng muli kong pagtaba.

ang tagal matapos ng araw. napakarami ko ring ginawa. nandiyang nagluto pa `ko, naghugas ng pinagkainan, nagbuhat, inubos ang mga nakulimbat na relief goods, panhik-panaog sa bahay para malaman kung nasa ayos ang lahat. at sa dami kong ginawa, hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ako dapuan ng antok. kahit anong basa ko ng mga napakakorning pocket books, mga magazine, maglaro ng kandila, uminom ng tubig baha, ihian ang tubig baha, at kung ano-ano pa, ewan ko ba, hindi pa rin ako makatulog.


siguro nga, masyado akong nag-aalala kay labs.

7 comments:

tim said...

hello thank you visiting my blog and following me as well. take care always..

Kosa said...

bad ondoy!

sana hindi na sya bumalik...

citybuoy said...

haay ang pag-ibig nga naman. hehe nakakatuwa naman yung kwentong ondoy mo. parang bigla tuloy ako nagcrave ng lemon squares cheese cake. super favorite ko yun eh!

chicomachine said...

@tim: tengks din. :)

@kosa: pare! salamat sa add sa fs. haha!

@citybouy: pramis! lakas ko mangulimbat ng relief goods sa tindahan ng tita ko. luging-lugi nga sila eh. :)

Jepoy said...

Sana inihian mo muna ang baha bago mo ininum tapos sumalok ka ng konti tapos pahigop mo k labs. LoL

I hope you and your loved ones are all in good condition after the bagyo :-D

kox said...

huhuhu.. %$#%&^%$ talaga si ONDOY!

btw,, bagong bahay ah :)

Carl Paolo said...

bad ondoy nga