Followers

September 4, 2009

katahimikan.

katahimikan.
kahit kailan naman, hindi ako sumuko.
oo, tumigil nga ako.
pero para `yon sa ikatatahimik ng lahat.
pero hindi rin ako tumigil magmahal.
sa hinaba-haba ng panahon na nawalay tayo sa isa`t-isa,
ni sa hinagap,
hindi ko naisip na limutin ka.
hindi naman kasi masakit mahintay,
nakakainip lang.
mas pinili kong wag gumawa ng hakbang.
dadating din naman kasi ang tamang tiyempo.
tiyaga lang.
pasasaan ba`t alam kong maayos din ang lahat ng ito.
dahil marunong akong maghintay.
at marunong din pala akong magtiyaga.
kung magbago man ang ihip ng hangin,
magpapadala ako sa bawat hampas nito.
baka sakali kasing mahipan ako nito pabalik sa`yo.

walang silbi ang lahat.
ang paghihintay.
ang pagtitiyaga.
lahat ay napunta sa wala.
pero kahit kailanman, hinding-hindi ako susuko.
katahimikan.

No comments: