Followers

September 7, 2009

kabado..

madilim na naman ang langit,
ngunit kailanma`y di titigil sa pag-awit.
kabado,
kailan nga kaya magbabago?

ang mga mata na tumatangis,
naghahalo na ang luha at pawis.
hindi na maikukubli,
ito na siguro ang huli.

yayabong nang muli ang bukang-liwayway,
aasa pa bang mabibigyan ng bagong kulay?
walang kasiguruhan.
hindi ko alam, ako`y naguguluhan.

kakainin ng lumbay,
ang paghihintay na walang humpay.
matagal nang namaalam,
ngunit hanggang ngayon ay puno pa rin ng agam-agam.

dadahan-dahanin ko ang paglisan,
at sabay ng pagtatago ng tunay na nararamdaman.
lalayo hanggang mahapo,
ngunit hihintayin pa rin sa kabilang dulo..

No comments: