Followers

September 7, 2009

dudel-doodle.

natutuliro na ang utak ko kakaisip. palagi naman eh. hahahaha! kailan ba hindi? :)

wala lang. araw-araw, may bago. araw-araw, may rebelasyon. oo. medyo exciting ang mga nakaraang araw. pero ang hindi ko maintindihan, bakit hindi ako umaaray kapag nasasaktan ako.

-nonstop.

nakakarindi at nakakapagod. ampness talaga ang mga bwakanang inang acads na yan..ito pala ang nagiging resulta kapag nag-aaral ka ng mabuti. (ano? totoo ba `to? hahaha!) seryoso, nakakapagod nitong mga nakaraang araw. andami-dami kasing ginagawa. at malapit na rin naman kasi ang finals. haay. ayun. ang tawag ko nga sa sarili ko, bubuyog. o kaya langgam, di kasi ako tumitigil kaka-trabaho. ang masaklap, hindi na ako nakakapagsulat. how sad. pero oks lang. kasi, kahit na puro browsing ang ginagawa ko, marami na din akong nakikilalang mga katsokaran ko. yung bang mga co-bloggers. although hindi nga nila `ko kilala, basta kilala ko sila. hahahaha! i dont want to be famous because of this, all i want is to write a book. hahahaha! jangas! umi-english na naman ako! yey! :)

-so gulo..

iniisip ko kung bakit siya naguguluhan. sabagay, kailan nga ba umayos ang takbo ng isip niya. diba? hahahaha! kidding aside, bakit kaya? hala, ako din, naguguluhan. ang dami kasing nangyari eh. ayoko namang isa-isahin. anak ng baka, baka naman kasi maputulan na `ko ng daliri sa dami ng kailangan kong ikwento dito. sa ngayon, kahit alam kong alam niya ang tunay kong nararamdaman, kailangan kong pigilan ang sarili ko, kasi hindi na pwede. ngayon nga lang ako nakaranas ng ganito. yung hindi mo pwedeng ipakita ang tunay mong nararamdaman kasi may masasaktang iba. and eventually, magkakasakitan kayo sa dulo. haay..so gulo nga. pero pinipilit kong maging ok. (lagi naman eh! hahaha!) si mahal kasi, sabi niya, kanya daw yun. sabi ko naman: "kebs ko naman sa inyo! basta ako, tahimik na `ko. wala na `kong balak manggulo." pero hindi `yon totoo. kasi, kung ano ang nararamdaman ko noong unang naging kami, ganon na ganon pa rin ang nararamdaman ko. mahal na mahal pa rin. wag niyo ng itanong kung naaawa ako sa sarili ko. hahahah! basta, ang pinagdadasal ko, sana maging ok na sila. yung ok na ok. para hindi na `ko tinutubuan ng pag-asang baka pwede kami ulit..

-goodness gracious!

napakarami ko pa palang gagawin! yung anak ng bakang report na nakakaasar dahil sa mga pesteng groupmates! tapos, yung journal entry ko pa na hindi ko maipasa kasi sooooooobrang haba. ayaw tanggapin ng prof. nakakainis kasi ayaw niyang irespeto yung estilo ko sa pagsusulat. pilit niya akong binabago sa paraang gusto niya. eh wala naman akong nakikitang mali sa ginawa `ko. inulit-ulit ko pa nga eh! gusto niyang iklian ko ko kasi. yung mga essay na pang-elementary hindi yung mga meaningful na articles katulad ng sa mga professionals. hindi ko naman sinasabi na professional na `ko, pero, get the f*cking point? ibababa ko ba yung standard na ine-establish kong marating para lang makapasok ang gawa ko sa panlasa niya? diba unfair? unfair na nga, mali pa. prof pa naman siya sa isang subject na kailangan talagang madaanan ng mga aspiring writers. akala mo naman kung sinong napakagaling niya. amp talaga.


tigil muna. naririndi na kasi talaga `ko.

No comments: