Followers

August 27, 2009

super angst.

kung pundido ang ilaw ng tahanan ni ban, sa akin naman, inaanay na ng bonggang-bongga ang haligi namin! powtehk!

nakakaasar! meron bang bagay dito sa mundo ang kaya mong gawin? anak ng baka naman! pati ba pag-uuwi mo ng charger, iaasa mo sa anak mo? what the heck? eh easy-ng easy ka sa pwesto mo, mang-aabala ka ng tao para lang ipadala sa bahay yang charger mong wala pang isang kilo? maging makatarungan ka naman! may ginagawa akong acads! acads! acads na pinagduduldulan mo sa muka ko dahil kailangan ko yon! powtehk! ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung mag-uutos ng mga bagay na kaya naman nilang gawin, eh inuutos pa sa iba! walangya mo! maglalakad ka ba ng napakalayo para makarating sa bahay? men, wala pang sampung hakbang, makakapasok ka ng bahay! at mas mabigat pa yang betlog mo kesa diyan sa charger mo! arrrrgh! buwisit talaga!

at ito pa isa, ang saksakan ng batugan kong kapatid. pucha, kababaeng tao, walang ginagawa sa bahay! at ang mga gamit! susmarya, nakasabog sa bahay! sumasakit ang ulo ko! waaaaaaa! bullsh*t kasi yang bed cover na yan eh. anak ng baka, at talagang utang na loob ko pa sa kanya yon? arrrrgh! eh siya nga eh! kung mag-hihiga sa kama ko, minsan, hindi ko na alam kung saan ako matutulog. tapos makikipag-away pa siya dahil ayaw niyang tanggalin ang bed cover? pucha talaga! pag ako nainis, ipapangatngat ko sa kanya lahat yon! holymadehrgahd talaga. as in!

ang nanay ko naman! wala ng ibang anak kundi ako! haaay! puro utos na lang! as in! di ka pa tapos sa pinapagawa niya, raratsadahan na agad niya ng tatlo pa! tapos magagalit siya, bakit hindi ko daw siya sinusunod! waaaaaa! saan ba dapat ako lumugar? yung iba niyang anak, nakahilata lang, tapos ako, nanlilimahid na ko sa dami ng utos niya. asan ang katarungan? sus! kung hindi lang dahil sa kalusugan ng nanay ko, baka matagal na `kong naglayas. as in..far faaaaar away..yung tipong makapagpahinga naman ako sa mga pang-aalipin sa akin. kahit one month lang. yung tipong ma-realize lang nila na kadugo nila ako, at dapat pantay-pantay ang trato sa mga anak. hindi yung, sitting pretty yung dalawa, ako, mukha ng basahan. diba? sa aming tatlo nga eh, ako ang may pinaka-kaunting damit. pucha! siguro, kung hindi ako nag-invest at nag-ipon ng pambli ng mumurahing t-shirt, mga pinaglumaan pa rin ni kuya ang isusuot ko. at partida, ginagamit din pala ni kuya ang mga damit ko. eh ang laki na ng ipinayat ko diba? no choice ako, once na maisuot na niya yun, wala na akong damit. mababawasan na naman ang wardrobe ko, kung wardrobe ngang matatawag yon. yung sira-sira ko ngang tsinelas, hindi na mapaltan-paltan. wala akong formal or even corporate attire na nire-require na halos kapag wash day (syempre, hindi ko sinasabi sa ermat ko, kasi kapag sinabi ko yun, ang ipapasuot niya sa akin ay ang forever maroon kong long sleeves. hindi ko nga sinusuot yun kasi mukha daw akong D.I., or worst, kolboy) yung rubber shoes ko din palang sira-sira na tina-tiyaga ko pa ring isuot dahil wala akong ibang sapatos. (hindi naman sa nag-iinarte ako, pero kamusta naman yung mag-suot ka ng sports shoes habang naka-casual diba? hahahaha!) may pinadala kasing sapatos yung tita ko from america. sports shoes. malinaw na malinaw.sports shoes, ginagamit sa? correct! sa sports! tandaan! sa sports at hindi pang-casual!



ayoko na.
baka sabihin niyo, wala ng naitangi sa pamilya ko. hahahahaha!

No comments: