Followers

August 28, 2009

random thoughts..

saktong 12:47 ng tanghali. walang tao sa bahay. tanging ako lang ang tao dito. at dito nasisimulang lumikot ang isip ko..


masakit pa rin ang mga hita ko dahil sa lecheng p.e. oks lang. it's purely academic naman (kahit na isinisingit ko ang pagpapapayat ko dito. hahahaha!) naaasar ako. hindi naman kasi ako dating mabilis mapagod at mabilis sumakit ang katawan. haaay..epekto ng yosi.

napagtuunan ko tuloy ng pansin ang pagyo-yosi ko. hindi ko alam. hindi ko rin kasi matigilan. siguro, ang tanging makakapagpatigil lang sa akin ay ang napipinto kong pagpasok sa varsity team ng iniirog kong unibersidad. shemper, di pwede dun yung mabisyo. no more cig and liquors for me. (haaaay..) pero oks lang. gusto ko rin naman kasing itigil na `to. hindi ko lang alam kung paano. hahahaha!

yung sa kagabi, yung pag-post ko ng "super angst"..wala lang, kapag binabasa ko siya ulit, nararamdaman ko na naman yung bigat ng pindot ko sa pc namin. hahahaha! asar na asar kasi talaga ko kagabi. at sa sobrang asar ko, natatawa na lang ako. akalain ko bang maiilabas ko lahat ng galit ko sa mundo dahil sa post na yon? hahahaha! may entertainment value naman diba?

may sinulat pala ko sa notebook ko. yung adventure ko nung pumunta ako ng CCP. akalain mong umabot ng 22 pages yung isang buong araw na yon? ang tindi ko! hahahaha! after ko ngang matapos yun, pinabasa ko agad yun kay "pareng idol". siya ang nakatuklas nitong pagsusulat ko. ang laki nga ng utang na loob ko dun eh. kundi dahil sa kanya, wala siguro akong blog, at mayaman na `ko kung hindi ako bili ng bili ng bolpen. hahahaha! pero seriously, nagpapasalamat ako sa teacher na yon. ano kaya ako ngayon kung hindi niya kami pinagawa ng journal nung high school? ano kaya ako ngayon? HRM student pa rin? hmm..baka hindi ko pinaglaban noon yung pangarap ko.

going back to the topic, yung adventure ko sa CCP, medyo dull talaga. pero ika nga ni "pareng idol", nabigyan ko raw ng buhay ang isang araw na patay. yung bang.."parang napaka walang kwenta nitong araw na `to!" ganon. pero thanks to my very gifted brain and imagination, sobrang dami ng nagbabasa nun at yung iba, inuulit-ulit pa! hahahaha! hindi ko nga lang mai-post dito kasi sooooobrang nakakatamad. napakahaba naman kasi! minsan nga, nagsisisi pa `ko kung bakit ko ginawa yun in the first place. napagod lang ako. hahahaha! ilang oras ko rin tyinaga yung pagsusulat non boy! hahahaha! pero, naisip ko rin na worth it din pala. marami nang mga nakakakilala sa akin dahil dun sa adventure na yon. kung sino-sino rin kasi ang mga nagbabasa. hahahaha! pero walang halong kabarberuhan yun. lahat yon ay totoo. nakakatuwa nga eh, kasi lahat ng nasa isip ko nung mga oras na yon, sinulat ko. bale ba, makakabisado na ng tao ang way of thinking ko (yeh! may ganon! hahahahaha!).



tinamad na `ko sa pag-tipa. hahahaha!

No comments: