Followers

August 27, 2009

kwento. sais..

halatang tinamad.
nako! ayoko nang nagku-kwento masyado lalo na kung pare-pareho lang. nakakasawa kaya..diba? anyways, 8:56 na ng gabi, wala lang, sinabi ko lang. ayun. ang sakit-sakit ng katawan ko dahil sa powtek na p.e na yan. kamusta naman yung 4 hours straight kang mag-p.e? maryosep! daig ko pa varsity! hahahahaha! pero oks lang, ang taas naman ng nakuhang kong grade. feeling ko nga, makaka-uno ko sa p.e namin. tsaka interesante naman kasi ang p.e ngayon, badminton. yehey! badminton! yehey! (repeat 25x til fade..)

habang tinitipa ko `to, nanonood ang buo kong pamilya ng "tayong dalawa". maganda yung storya, tragic kung tragic. lahat na ata ng pasirko-sirko ng drama, meron sila. mga taong patay na nabuhay, mga pagsabog, mga pag-aagawan sa pag-ibig, agawan ng pera, malalaman mong magkapatid pala sila, mga ganon! maryosep! hahahaha! pero buti na lang! buti na lang talaga! wala sila yung mga nag-sasayawan sa beach o sa resort. yung tipong may song and dance number pa? kung ganon yung soap operang yun, tatalon ako sa building. hahahahaha!

-pag-ibig!

hmm..medyo namumukadkad na ng tuluyan ang pag-ibig ko. ewan ko. ayoko pang maniwala. ika nga, it's too good to be true. sakyan ko lang muna. kung sakaling maganda ang andar, sige, tuloy-tuloy ko na. (patigil-tigil ako dahil nanonood din ako ng tayong dalawa. hahahaha!) where were we? ah! oo, yun nga. para bang..gusto niya ng laro? edi game! sisiguraduhin kong mananalo `ko ngayon. ha! ako pa? di ata ako papayag na matalo ako. mas malakas `to sa malakas. medyo tricky nga lang `tong gagawin ko, baka kasi ma-carried away ako, ako pa ang mahulog sa huli. ayoko naman kasing patulan ulit. eh syempre, yung pride ko, kailangan kong ipaghiganti. kaya eto, gulong-gulo ako sa sitwasyon na ako naman ang pumasok. para tuloy ang sama ng ugali ko. eh ano naman? ina-absorb ko lang ng sobra yung paborito kong tagline: lintik lang ang walang ganti! kung manalo ako, edi okay. quits na. pero kung matalo ako, edi okay, pagdudusahan kong muli ang mga bagay na pinagdusahan ko noon. isa kasi yun sa mga paniniwala ko sa buhay, na ang buhay, gantihan lang yan. hintayan lang ba ng karma. ganon. what goes around comes around. pero seriously, sana manalo ako ngayon. at sana, totoo na `tong mga nangyayari sa`kin. kung halfway pa lang, malaman kong totoo lahat to, ititigil ko na ang lahat ng katarantaduhang pagganti at yayakapin ko ng malugod ang kaligayahang naghihintay sa`kin. pero sa ngayon, damahin niya ang hagupit ni caloy! hahahaha! powtek. feeling ko tuloy, ang sama-sama ng ugali ko. kebs naman? hahahaha!



masakit ang daliri ko. ciao. :)

-thanks nga pala kay ban, ginawa niyang header yung sinend ko sa kanyang message. hahaha! nakakatuwa, feeling ko tuloy, philosopher na `ko. o kaya nobel prize winner. :) eto kasi yung sinabi ko:
“matanda ka na, RN ka na nga eh diba? alam mo ang dapat mong gawin. kesyo mahal mo o hindi. be practical. whatever you do, just stick to what is right and not to what is pleasurable”- Caloy

pati na din pala yung naka-tag ako sa isa pa niyang post. hahahaha! ang galing-galing! sabi nya:
And why it’s so easy for me to squash them away? (tulad ng sinabi ni caloy).


thanks ban. :) ita-tag din kita dito. hahahaha! pero shemper yung magaganda din. :) hahahaha!

No comments: