Followers

August 31, 2009

super angst: 2

kahit matanda ka, hindi lahat ng bagay, naiintindihan mo.

ilang beses ko na rin napatunayan ang mga bagay na yan. sa sarili ko, kahit sa ibang tao. totoo yan sa pananaw na araw-araw ay may kasama akong matanda sa bahay. may kamag-anak akong matanda at maging paglabas ko ng bahay, may nakakahalubilo akong matanda. hindi talaga tama na magsalpukan ang isang adolescent at isang middle-aged human being sa bahay. araw-araw may giyera. lahat idinadaan sa init ng ulo. ganon din naman ako, ang punto ko, dumaan din kayo sa ganitong parte ng buhay niyo. pero bakit hindi ninyo maintindihan? hindi ako magkandamayaw kakaisip kung bakit ba palagi na lang hinaharang ang mga sinasabi ko. tama, bawal sumagot sa nakakatanda. pero bawal pa rin ba kahit ikaw ang nasa tama? kailan ka sasagot? kapag matanda ka na rin? at paano ka na makakasagot, kung pagtanda mo, wala na rin naman sila? minsan, pinipigil ko ang sarili ko. pero habang tumatagal, alam mong sasabog rin ang mga bagay na to. nagtitimpi ka. kasi matanda sila. pero, damn! kailangan nilang malaman kung ano ang mga bagay na naiisip at nararamdaman mo! diba? bakit ganon? babalik na naman tayo sa igalang ang matatanda, wag sasagot sa nakakatanda. pero kailan nila malalaman! kailan!

ganito ba ka-judgemental ang mga tao? lalong-lalo na ang matatanda? haaay..kelan ba mapuputol ang nakakarinding kaugalian na to?

No comments: