Followers

August 31, 2009

kwento-siete! ow yeh!

powtehk! where to start! anak ng baka! within 2 days na di ako halos nakapag-net, napakaraming nangyari. gahddeymit. una sa lahat ay yung acquaintance na (ewan ko kung anong nangyari..) bakit? ewan ko rin. basta, after ng class, deretso ako sa bahay ng pinsan ko sa Quirino to kill time, kikitain ko kasi yung irog kong sinisinta. eh ang oras ng uwi niya, around 9 pa so uber hintay ako sa kanya. kala ko nga hindi matutuloy dahil sa sobrang dami ng mga hindrance. (hindrance daw oh?) hahahaha! ang lakas lakas ng ulan men! akala ko magsu-scuba diving na ko sa taft. as in grabe talaga! pero hindi don natatapos ang aksyon men. kasi pagdating ko ng city hall, nakita ko na si irog. hahahaha! nawala lahat ng pagod ko. may kasama siyang classmate. ang plano lang naman kasi, ihahatid ko siya, eh dahil sooooobrang layo ng bahay nila, inisip ko na lang na dun na ko matutulog. pero wag na lang din pala, kaya umuwi na din ako. pero ang nakakarindi sa lahat ay nung nagba-byahe na kami papuntang kanila. grabe! ang hirap sumakay ng jeep! anong oras na naman kasi nun. pero oks lang, basta kasama ko si irog. it buys me more time para makasama ko pa siya ng mas matagal. hahahaha! kung natatandaan ko pa, naka-tatlong jeep din kami then isang tricycle hanggang makarating sa kanila. oks naman yung bahay nila. maganda, parang hati na pinagsama yung bahay nila kasi partly wood and stone. hahahaha! ang gulo no? pero oks nga eh. ayun, nagku-kwentuhan lang kami, tapos mga around 12, umuwi na din ako, ayoko kasing mag-sleep over. though inaaya niya ko kaso lang ayoko din. hahahaha! binigyan niya ko ng instructions kasi first time ko dun. shemper baka mawala ako eh gabi na tsaka tanga ko sa directions. hahahaha! nung nakasakay na ko ng bus at nakapagbayad, saka ko naisip na sa alabang ako bababa kasi soooobrang naji-jingle na ko. to the extreme na kaya kong jumingle sa bus. hahahahaha! bawal daw sa kanila ang refund kaya no choice, kahit na sobra yung binigay ko, sa alabang pa rin ako bumaba. pagdating ko nga ng alabang..nakakatuwa na. bakit? kasi first time kong nakita ang alabang na walang katao-tao! ang tindi! at ang saya! dumaan na ko sa jollibee para maisakatuparan ang kay tagal ko nang minimithi: ang umihi ng umihi hanggang sa wala ng matira kahit isang patak! hahahahaha! pagkatapos kong umihi, shemper yosi muna. susmarya naman ang nilakbay ko dib? kaya ayun. pagkatapos kong mag-yosi, nagmadali na rin akong sumakay ng jeep kasi gustong-gusto ko na makita at mahagkan ang kama ko. pero bago yun, may isang matinding aksyon na naman mah men! akalain mong napag-tripan ako ng dalawang holdaper! as in! maryosep, yun na ba ang bagong pamantayan nila ng itsura ng mukhang mayaman? hahahaha! sa dungis kong yun? tinulungan nga ako ng ibang pasahero sa pagtatanggol. kaya salamat ng marami dun sa manong na kaharap ko pati na rin dun sa driver na biglang humarurot para malaglag ng tuluyan yung dalawang holdaper sa kalsada. oh sige na nga, salamat din dun sa ale na nanood lang ng maganap ang holdapan. simula ata bayanan hanggang tunasan, nakatulala ako eh. wala namang nakuha sa akin na kahit ano. pero yun bang pakiramdam mo, binalasubas ang buo mong pagkatao dahil hinoldap ka? ganon. eh asaness naman. anong makukuha nila sa akin? hahahaha! wala naman kasi akong cellphone ngayon. ang laman lang ng bag ko ay pabango, barya, mga ticket ng bus, bolpen, lapis, pambura, clay doh na binili ko sa bench at yung notebook ng mga sinulat ko. sino ba namang magkaka-interes don? kundi ba naman mga tanga yung mga holdaper na yon. hahahahahaha! pagdating ko nga sa bahay, tulala pa rin ako. pero oks naman ang pakiramdam. natatawa na lang ako ngayon kapag naaalala ko yung mga adik na holdaper na yon. maling tao ang napili nilang holdapin. wala naman kasing makukuha sa akin. hahahahaha! pero pag-uwi ko, hindi rin ako nakatulog agad-agad. di nga ko mapakali eh. pero mga bandang 5..inabot na rin ako ng antok. sa wakas. hahahaha!

pagkagising ko, kumompyuter na agad ako. kailangan ko kasing sabihin kay irog kung anong nangyari. at looking forward ako sa pag-iistarcity ng mga classmates ko. kailangan kasi yun para sa dalawa naming subjects. mga 11 na ko umalis ng bahay kasi 1 pa naman yung show sa aliw theater. dumaan muna ako kela yna para ikwento din yung holdap drama kagabi. sa sobrang aliw ko sa pagku-kwento, hindi ko namalayan na alas dose na pala. anak ng baka! baka ma-late ako! kaya nagmadali na kong pumunta ng alabang at sumakay ng bus. ang pinakanakakaasar don, walang bus! powtehk! linggo nga pala men! hahahaha! kaya no choice, sumakay na ko ng jeep pa-pasay rotonda. mag-e-lrt na lang ako hanggang vito cruz para mag-orange cab na lang ako papuntang aliw. edi ayun nga, nakarating na ko ng aliw. una kong nakita ay si ryan mulit, classmate ko sa humanities. sabay na kaming pumasok para manood. hinahanap ko pa si raymart kasi siya naman talaga yung nakausap kong makakasabay. eh wala siya. kaya ayun. maya-maya, nagtext na si raymart rodulfo na best bud ko kapag english at humanities. hahahha! eto kasi lagi kong kasama ngayon. ayun. kaming tatlo ang magkakasama. hanggang matapos ang powtehk na ballet at hanggang pumila kami sa napakahabang pila ng star city. napakahaba ng araw. kung saan-saan kami nagpunta. kung saan-saan din kami napasakay. pero puputulin ko muna dito.



natatamad na kasi ako. hahahahaha! :D

No comments: