Followers

August 25, 2009

kwento singko!

napakatagal na rin palang panahon na hindi ako nagku-kwento. natutuwa kasi ako sa "freestyle poetry" ko. meaning, mga poem na hindi sinukat, hindi nilagyan ng rhyme. ok nga eh. mas nae-express ko ang sarili ko. pero i want to go back where i truly started. hahaha! ok game! wento mode!

oks naman ako ngayon. tinatambakan kami ng paper works, projects, sh*twoks, mga report. haay! minsan, nate-tempt na naman ako sa mga dati kong gawi. nato-toxic na kasi ako sa mga pinag-gagagawa ko ngayon. naririndi na `ko in short! haha! pero oks lang. kasama naman `to diba? it's all part of this stupid education. may kaagapay naman kasi ako, ang mga new found friends ko. tama. mga bago kong block mates. hindi kasi sila mahirap pakisamahan tsaka ramdam ko yung eagerness nilang maging kaibigan ako. ang saya nga eh. parang first year all over again ako. yun nga lang, matanda na `ko. di tulad nila. i mean, ahead kasi ako sa kanila, pero yung way of thinking nila, parang sa akin lang din. though syempre, mas broad yung akin. ang hirap i-explain, bahala kayo! hahahahaha! isa pa, nandidiri sila pag nakikita nila `kong mag-yosi. nung una, ok lang, kaso diba? kung naiinggit din kayo, magyosi din kayo!

sa bahay naman, ewan ko. unti-unti na `kong nawawalan ng amor sa bahay namin. mas nauuuhaw na `ko sa kalayaan. gustong-gusto ko ng umalis. oks naman si mama. naaasar lang ako kasi HELLO! 18 na `ko for goddamn sake! pero kasi para `kong high school. natutuwa ako sa paghihigpit ni mama syempre naman. pero nakakasakal na kasi. hindi ko na nagugustuhan yung pagbabawal niya sa akin, eh kaya ko na namang magdesisyon para sa sarili ko. sige na. tumatapang na naman ang mga angst ko. pero diba naman? the heck! si papa naman..let's not talk about him. baka kasi masira ko kung ano man ang hawak ko ngayon. ayoko ng nakikita ang pagmumukha nya, kung pwede lang. habang tumatanda ako, mas lumalakas ang pagkamuhi ko sa kanya. hindi naman siya ang may kasalanan sa akin, kay mama. but it does affect my treatment towards him. si kuya naman, ayun. wala pa ding pansinan. kebs ko naman sa kanya? hahaha! boarder nga ang tawag namin sa kanya, kasi ligo, kain, tulog lang ang ginagawa niya sa amin. wala siyang pakialam sa ibang tao sa bahay. which is good. sana lang, maisipan na niyang lumipat ng bagong boarding house. hahahaha! kay apol ako walang kaproble-problema. oks na oks kami nung batang yun. siya nga lang ang nakakasundo ko sa bahay. minsan nga lang, nakakaasar kasi hindi naghuhugas ng pinggan ay uber makalat sa bahay. daig pa ang lalake. hahahahaha! pero all the same, kami lang ni apol ang nagkakaintindihan sa bahay.

eto na ang exciting part. lablayp. pero wala ata akong maku-kwento tungkol sa aspetong ito. dahil wala akong lablayp. tapos. hindi siya exciting. kelan ba naging exciting yun? hahahaha! pero seriously, ok kami ngayon ni ehm. tanggap ko na na wala na talaga. hanggang pangarap ko na lang ang pagbabalikan namin. hindi ko siya masisi. pero hindi ko din naman masisi ang sarili ko. mararamdaman mo naman kasi yun eh. na kung hindi kayo, hindi talaga kayo. (sige na nga) ramdam ko na siya talaga para sa akin. siya? ewan ko. hahayaan ko na muna ang daloy ng tadhana. masakit kapag lumaban ka kahit alam mong matatalo ka. better left it as it is. tsaka, napakarami ko ng ginawa para bumalik siya, kaso nga lang, mas mahal niya daw si mahal. sabi ko: ano naman sa akin? edi magsama kayo! kebs ko? pero alam ko, sinabi ko lang yon kasi ayokong mapahiya. kasi ayokong maging talunan. ma-pride akong tao eh. at hindi ko kayang tapak-tapakan ang pride ko. pero ilang bese ko din siyang nilunok bumalik lang siya sa akin. walang epekto eh. kaya magpapakasaya na lang ako kung anong meron kami ngayon.

eh ano nga banag meron kami ngayon?

friendship. a strong bond of friendship.
minsan, kamartiran ang tawag ko dun, pero mas maganda daw pakinggan na friendship kaya yun na lang. hahahaha! mas ok kasi ngayon. ika ko nga sa dati kong post, mas makikita mo ang unlimited kung limited ito. oks na oks na ang lahat. though minsan, naaasar ako sa kanya kasi tinatanong niya kung mahal ko pa siya. lagi kasi akong dinadapuan ng false hopes. na "sh*t, baka mahal na niya ko ulit. i better try." kaso, ang sagwa pakinggan nun. baka mahal na niya ko ulit. it sucks. hahahaha! eh mahal ko eh. ganun talaga. pinipilit ko na mawala yun pero ayaw. kahit anong pigil, walang epekto. ang totoo? mahal ko pa siya. mahal na mahal. mahal na mahal na mahal na para bang walang nangyari. at masakit na masakit pa rin kapag sinasabi niya na mahal niya si mahal na siya lang talaga at wala ng makakapagpabago nun. ang sweet no? grabe. as in. borrow one from four. ek-ek! ewan ko! bitter na kung bitter! hahahaha! pero kuntento ako sa kung anong meron ngayon. at hindi ko sisirain yun dahil ayokong mawala siya ng tuluyan sa akin. nagpapasalamat nga ako sa nangyari kasi ang laki ng ipinayat ko simula nung break up namin. madami na rin akong naisulat na kung ano-ano dahil dun. ok nga eh. siya ang stimulate ulit ng pagsusulat ko. pero sa lahat ng nangyari, ang hindi ko siguro makakalimutan eh yung huling bese na nahawakan ko yung kamay niya at sinabi niyang hinding-hindi ako bibitaw kasi mahal na mahal kita.


haaay. pangarap.

No comments: