Followers

August 18, 2009

isang pagtakas..

umalis ka na sa mundo ng pantasya..
ang palakang magiging tao `pag hinalikan ay mannatiling palaka.
ang nilalang na natutulog ng malalim ay hindi magigising sa isang halik.
ang buhok ay hindi magsisilbing lubid para akyatin mo.
at hindi pala-kaibigan ang mga dwende.
lahat ito ay kalokohan.
walang mga kapangyarihan,
walang makisig na binatang sakay ng puting kabayo at ililigtas ang kanyang prinsesa.
at wala ding higanteng kalabasa na magiging kalesa.
ang mundo ay totoo.
pero ito ay puno ng kasinungalingan.
hindi lahat ng nakikita ay totoo.
pero ang lahat ng totoo ay saka mo pa lang makikita.
sa pantasya, lahat ay posible.
pero kung sa totoong mundo, ang lahat din ay posible,
hindi na totoo yon at iyon ay pantasya mo lang.
ang mundo ay punong-puno ng katotohanang pilit nating tinatakasan.
sa pamamagitan ng pangangarap,
kahit papaano ay nakakatakas tayo sa katotohanan.
pero kung minsan,
masakit din palang mangarap.
parang pag-ibig.
kung minsan kasi,
nagagawa mo na ring lokohin ang sarili mo.
akala mo, ayan na.
pangarap lang pala.
sa totoo lang, hindi rin naman masamang mangarap.
may pagkakataong nakukuha mo rin ang pangarap mo.
pero ang iba, nananatiling pangarap.
kahit gawin mo pa ang lahat ng kaya mo o kahit gumawa ka pa ng imposible,
pagpapantasyahan mo na lang habang buhay ang pinapangarap mo.

No comments: