Followers

August 14, 2009

isang pagpupugay sa isang iresponsable.

matagal ko nang pangarap itong post na `to. gusto ko kasing mailabas ang lahat ng galit ko sa taong nakagisnan ko na. di ko pwedeng sabihin kung sino dahil alam ko, marami ding taong magagalit sa akin.

pero ang nararamdaman ko ang mas importante, diba?pero kung hindi, magsimula na silang maghanap ngayon ng blog na pwede nilang kontrolin.

sa iyo, hindi ko hinihiling na pumanaw ka. pero sana mamatay ang isang bagay sa iyo na ikinakainis ng mas nakararaming tao. alam mo kung ano yon. sana rin, kahit tumatanda ka ng paurong, malaman mo na ng tuluyan ang tama at mali. maging responsable ka sa mga bagay na ginagawa mo. mas magiging masaya ang tao sa paligid mo kung itatama mo ngayon ang lahat ng pagkakamali mo. may tsansa pa. maniwala ka sa akin.

sana lang din, huwag kang maging masyadong kampante at tiwala sa mga tao na nakakahalubilo mo sa araw-araw. pinaplastik ka nila. totoo. ako mismo, pinaplastik kita. at kayang-kaya kong ipakita sayong mahal na mahal kita pero ang totoo, isinusuka ko ang kaisipang simula`t sapul, parte ka ng buhay ko. hindi rin maalis sa isip ko na ikaw ang sumira ng buhay ng babaeng pinaka-importanteng babae sa buhay ko. sana nga hindi ka na dumating. siguro kung nakilala kita ng di sinasadya, paplastikin pa rin talaga kita. ganon ako kamuhi sa`yo.

sa lahat ng ginawa mo sa amin lalo na sa akin, sa tingin ko, hindi na kita mapapatawad. kung ang diyos nagpapatawad, ako rin naman. pero isa ka sa mga taong hindi ko pagbibigyan non. hindi ka karapat-dapat. di ka pa man nasasawi, nilalantakan na ni satanas ang kaluluwa mo sa impyerno. mukhang nakahanap siya ng katapat.

hindi mabibilang lahat ng ginawa mong kasamaan. hinihintay ko na lang ang tamang panahon na makalaya ako at sisimulan ko na ang walang humpay na pagkamuhi ko sa`yo. pagdating ng araw, isasampal ko sa mukha mo ang lahat ng kawalanghiyaan mo sa akin na sabi mo ay para din sa ikabubuti ko.

ulol.

No comments: