Followers

August 13, 2009

ang nakakahilong tama at mali..

nagsimula sa mali.
pero nagsimula ring masaya.
nagsimula rin pala sa kasinungalingan.
akalain mong magtatapos sa totohanan?
talagang mali lahat.
ngayon? may napatunayan ako.
ang hiniram,
isnasauli.
o siguro nasanay akong manghiram ng walang solian?
sa umpisa pa lang, gusto ko ng itigil.
tama ka.
kasi mali.
hindi ko naman malabanan ang kakapurat na karneng bumubuhay sa akin.
tinuloy ko.
masayang-masaya.
kahit nasa magkabilang linya kami,
ramdam ko ang mga dalira niya sa bawat pagitan ng mga daliri ko.
ganoon pala yon.
biglang ayoko na ulit.
tama ka na naman.
kasi nga mali.
pero nagsasabi na naman ako ng mga bagay na di ko dapat isipin.
nag-uunahan.
ano ang mas mabilis?
luha o hakbang?
gumagawa na naman ako ng problema.
tuloy na naman.
tama ka ulit.
kasi mali.
at dito na rin nagsimulang gumulo ang lahat.
ang akala kong lumliliwanag na samahan,
anak ng baka,
ilusyon ko lang pala.
kung sa akin ang problema,
nosolusyonan ko na naman diba?
alam ko na kung bakit.
kasi mali?
tumpak.
pero hindi yata dahilan yon.
may mali namang nagiging tama diba?
o tamang nagiging mali?
tamang nagiging tama na naman?
o maling nananatiling mali?
sa dami ng nangyari,
hindi ko na yata kaya pang mag-isip ng kung ano pa man.
pucha.
mali kasi ang lahat.
nag-iikot ikot ang isip ko.
hilong-hilo na `ko.
di na magkandamayaw ng pag-iisip.
ito na siguro ang lahat ng magagawa.
itatama na ng tuluyan ang lahat ng mali.
bahala na.
mali na kung mali.
pero utang na loob,
bakit nakakaadik gumawa ng mali?

No comments: