Followers

August 10, 2009

habol..

pagkatapos ng lahat,
unti-unti siyang naglakad palayo.
naiwan akong nag-iisa.
nag-isip ako.
inisip ko kung dapat ko ba siyang sundan.
hindi ko alam.
bahala na.
nakapagdesisyon na `ko.
susundan ko siya.
pero pagtingin ko, malayong-malayo na siya.
tumatakbo na.
kailangan ko na ring tumakbo at humabol.
kailangan ko siyang masabayan.
habol.
habol pa.
bilis pa.
pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya mahabol.
hindi ko naman na siya dapat habulin pero gusto ko.
hindi ko man lang masabayan.
nagsisimula na `kong hingalin at mapagod.
kung sakaling umupo ako sandali at magpahinga, baka hindi ko na siya maabutan.
hindi naman na ako pwedeng bumalik.
baka kasi magsimula na naman ako sa umpisa, mapagod at maisipang magpahinga uli.
hindi ako hihinto.
lalagpasan ko ang limitasyon ko.
kung sakali mang madapa ako at masaktan,
tatayo ako agad-agad.
hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko.
kapag kasi mawala ako,
mawawalan ng saysay ang bawat hakbang at hingal ko.
kailangan kong lumaban.
kailangan kong tumakbo.
kung darating man ang panahon na malumpo ako sa pagtakbo,
ayos lang.
gagapang ako gamit ang mga kamay ko, masabayan ko lang siya.


sana mapagod din siya.
para siya ang umupo at magpahinga.
yun na siguro ang pagkakataon kong maabutan siya.
kahit na pagdating ko ay magsimula na ulit siyang tumakbo,
hindi ako magpapahinga.
titiisin ko ang lahat ng pagod at hapo.
hindi naman niya hiniling na habulin at sundan ko siya.
pero kapag tinanong niya kung bakit ko ginawa yun, sasabihin kong:

"may nagsabi kasi sa akin na habulin ko raw ang tanging nagpapaligaya sa akin. ayoko rin naman kasing dumating yung panahong sisisihin ko yung sarili ko dahil wala akong ginawa nung lumayo ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko."

kung sasabihin niyang bumalik ako sa umpisa at habulin siyang muli,
gagawin ko.
sana lang, pagdating ko sa dulo,
naroon siya at hinihintay akong sumabay sa kanya.