Followers

July 1, 2009

natawa ko bigla..

inisip ko tuloy kung meron ngang seseryoso sa plano ko: ang gawing libro ang mga sentimyento ko sa buhay. diba? parang.. "WHAT THE F*CK??" sino nga ba ang ulol na susugal ng pera sa mga ka-emo-han ng isang 18 year old lamebrain diba?

naisip ko tuloy bigla na wala na rin sigurong pag-asa na maisalin ko sa libro ang lahat ng sinulat ko. parang gusto ko nang sumuko.

PERO HINDI!!! etong pangarap ko na lang kasi ang natitira kong sandata para sa laban ng buhay ko. at kailangan kong isugal lahat `to. kung matatalo ako, edi matalo. kung manalo naman, edi buwenas. haay..talaga nga namang walang kasiguraduhan tong mundong pinasok ko. (ngayon pa ko nagsisi..hahaha!)

at isa pa, ang pagsusulat ko na lang ang tanging nagbibigay ng kasiyahan sa akin.



-winner winner chicken dinner nga pala ngayon. (ibig kong sabihin, selebrasyon sana ngayon ng pag-iibigan) (tangna monthsary na nga lang!)
ayun. binati ko siya ng "happy third" pero alam kong kagaguhan lang ang ginawa ko. hindi na kasi siya babalik. malinaw naman yon. makulit lang talaga ako dahil hindi pa rin nawawala o nababawasan man lang ang mga nararamdaman ko para sa kanya. nagmukha na nga akong kawawa, nagmukha pa kong katawa-tawa.

sa totoo lang, hindi rin talaga biro ang kalimutan ang isang relasyon, lalo na kung ibinuhos mo ang lahat para dito. nagkataon lang talaga na tanga ko at palagi kong ginagawa yon. isang buwan na rin halos simula nung mag-lihis ang aming landas, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makaalis sa lugar kung saan kami nagpalitan ng pamamaalam. hindi ko maigalaw ang katawan ko, na para bang sinasabing "hindi ako aalais, baka sakali kasing bumalik ka." pero katangahan lahat yon. di na dapat akong umasa.

ang huli kong pagkakaalam, sila na ulit ng dati niyang karelasyon. naging "flavor of the month" lang siguro talaga ako. pampalipas oras, o kaya pahingahan. (dont get me wrong! hindi parausan ah? wag kang bastos!)


-at patuloy pa rin ang pag-tugtog ng kundiman na tila ba nag-aanyaya na bumalik ako sa dati kong kinatatayuan at ituloy ang paghihintay..
hindi na pwede.







-pull the trigger. or i`ll kill myself instead.

No comments: