Followers

July 3, 2009

maglakad ka na palayo..

may kakilala ako. nito ko lang siya nakilala. pero matagal ko nang nakakasama. ibang-iba pala sya kapag nakilala mo na. andun na ata lahat sa kanya. tagumpay? at sampung dosenang pagkabigo.

simula pagkabata, magkasama na kami. mahilig syang mag-isip talaga. maglaro sa labas? paminsan oo. pero mag-isip? 24ever! hahaha! madalas nyang iniisip kung bakit maraming bagay ang hindi maipaliwanag sa mundo. katulad ng:

bakit tumitibok ang puso? para mag-pump ng blood diba? pero ano ang dahilan ng pag-galaw o pag-tibok nito? diba?
bakit tayo nabubuhay?
bakit may mga bagay na hanggang ngayon, di pa rin naipapaliwanag ng tao?
oo, milagro ang buhay. pero pano nga ba nabubuhay ang tao?

marami pa syang mga tanong tungkol sa buhay, pero di ko na iisa-isahin. pero ang nakakabilib sa kanya ay ang minsanang pagsasalita. hindi talaga sya mahilig mag-ingay o kahit gumawa man lang ng mahinang kaluskos.
sa bahay, ganon.
sa kalye, ganon.
sa jeep, ganon.
sa bus, ganon.
sa skul, ganon pa rin.

minsan, iniisip ko nang mentally disturbed na sya. di nya kasi kayang i-express lahat ng nasa utak nya. baka mag-crack na sya sa stress. wala kasing nakakaintindi sa kanya. ako lang. kaya lagi kong sinisiguro na andito ako palagi para sa kanya.

kapag masaya sya, masaya din ako. kailangan kasama ako sa bawat kaligayahan sa buhay nya. kapag naman malungkot, andun din ako, handang makinig sa lahat ng angst nya sa buhay.

hindi biro ang lahat ng pinagdaanan nya. marami din syang problema na even grown ups can't even handle. pero nalagpasan nya. maraming nagsasabi na matalino sya, tamad nga lang. para naman sa kanya, aanhin mo nga ang talino, kung ikaw naman sa sarili mo, wala kang tiwala. kaya simula nung narinig ko sa kanya yun, lagi kong pinapalakas ang loob nya. pero parang wala ring epekto. minsan, naiinis na ko ng sobra dahil hindi ko na talaga sya maintindihan. sabi ko iiwan ko na sya kasi di ko na matiis yung ugali nya. sa totoo lang, akala ko pipigilan nya ko. pero wala syang pakialam sa akin. di ko rin naman magagawa yun kaya heto ko, kasama ko pa rin sya hanggang ngayon. at wala rin akong balak na iwanan sya kahit na kailan.

sa pagibig naman, matindi din yun! sa lahat ata ng alam ko tungkol sa kanya, yung buhay pagibig lang nya ang pagkagulo-gulo. ayoko na rin pagusapan yung mga nangyari sa kanya. bigo naman kasi palagi. pero alam ko mas matibay na sya ngayon. hindi nga daw muna sya papasok sa isang relasyon. natakot siguro. madalas kasi, sya ang iniiwan. (madalas lang ah? di naman palagi) at nitong huli nga na nagkaroon sya ng pagkakataon na umibig muli, kinuha nya ang pagkakataon, sa pag-aakalang yun na nga. nagkamali na naman sya. tumakbo sya agad sa akin dahil ako lang naman ang nagtya-tyagang makinig sa mga ka-dramahan nya sa buhay. ako lang ang nakakausap nya tungkol dito at ako lang ang may kakayahang tumulong sa kanya. bilib ako sa kanya sa ganitong sa aspetong ito talaga. kaya alam ko, sa susunod na makahanap na sya ng pagong pagibig, alam na nya ang dapat nyang gawin.


hindi ko naman talaga sya pwedeng iwanan eh.
dahil sya ay ako.

No comments: