Followers

June 30, 2009

at kahit anong pagsisinungaling ko sa sarili ko..

nasa title na. ayun nga. kahit anong gawin kong pagsisinungaling ko sa sarili ko, hindi siya maalis sa akin. i think i have this mental problem, yung tipong sinasabi mong hindi mo na iisipin ang isang bagay..pero p*tang ina! paulit-ulit tumatakbo sa isip ko!

alam mo yung tipong ayaw tumigil? yung parang nakakakita ka na nang kung ano-ano? ganon. minsan nga parang gusto ko na pumunta ng boluntaryo sa mga mental institue. hindi naman kasi ako ganito dati. ewan ko ba.

sana nga mawala na `to agad. ilang araw o linggo ko na rin `to iniinda. gusto ko ng mawala `to agad. para umayos na rin ako. takte, para kasi akong gago nitong mga huling linggo. parang lagi akong wala sa sarili. para ko lasing araw-araw. hindi na nga rin ako halos kumakain. kaya ang laki-laki sa akin ng uniform ko. nakakaasar. mukha na tuloy akong hip-hop.

nagsasawa na rin akong isipin yon, lagi kasing may panghihinayang sa dulo. laging may sayang.

nasanay kasi akong andyan ka palagi. nahihirapan tuloy ako. sabi ko pa naman, sisimulan ko nang mabuhay na parang hindi kita nakilala. pero p*tang ina talaga, bakit ba kayang-kaya mong iparamdam sa akin na ako pa rin? takteng buhay yan oh..

pero humanda ka. konting-konti na lang. mabubura na rin kita sa sistema ko. at konti na lang, magagawa ko na nga ang plano ko na mabuhay na parang hindi nga tayo pinagtagpo. konting-konti na lang. sana mawala na `to.


pero patuloy pa rin ang pagkundiman mo sa mundo ko. sh*t.

No comments: