Followers

July 9, 2009

buradong-burado ka na sa sistema. at siguradong-sigurado na `ko.

hindi ko to sinulat para iyabang sa`yo na hindi na kita mahal. na hindi na kita iniisip o kung ano pa man. kaya wag kang epal. orayt? hahaha!

walang-wala ka na talaga. at ang bilis. parang ikaw. diba?

mabilis at lalong bumibilis ang mga araw. di ko namamalayan na prelims na pala. sa sobrang busy ko, nakakalimot na pala ko ng di ko napapansin. at masaya ako dahil dito. wala ng mga gabing walang tulog. wala ng mga araw na halos i-umpog ko sa pader ang ulo ko kakaisip sa`yo. mas masaya na `ko ngayon. mas magaan ang pakiramdam. kay salamat sa`yo. naramdaman ko ulit ang mga bagay na matagal ko ng hindi nararamdaman at yun ay nung nakakulong pa `ko sa ala-ala mo.

nakakahinga na `ko ng maluwag. palatandaan ko `yon na kaya ko ng ituloy ang buhay ko na parang walang nangyari. wala naman talagang nangyari diba? ako lang pala ang nag-iisip non.


balik sa trabaho. dami-dami kong kailangang gawin. at dahil don, di na ko nakakanood ng balita! importante ang balita sa akin. pina-practice ko na kasi na maging socially aware sa mga bagay-bagay tungkol dito sa bansa. nung huli akong maka-nood, ang dami na palang mga nangyayari. isa na rin doon eh yung balitang nagpa-ayos daw ng isang parte ng katawan ang ating pangulo. ang opinyon ko: kung ganoon man, wala naman tayong pakialam diba? at ano bang mangyayari kung napatunayan nating tama yon? hindi naman sa kampi ako sa pangulo, pero sa akin lang, anong paki ko? eh kahit ipaayos pa niya lahat ng parte ng mukha nya, wala akong pake! basta ba hindi nakakasagabal ang mga ginawa nya sa pagpapatakbo ng bansa.

ang mga pinoy talaga, maliit na bagay, pinapalaki pa. pati yung pagiging automated daw ng eleksyon. well, ok nga rin yon. para naman mas maayos ang magiging eleksyon sa 2010. ang nakakainis lang, ganon ba kamahal ang pagpapa-automate ng isang eleksyon? sabagay, nationwide eh. pero takte! napaka-laking halaga non! kundi ba naman mga g*go ang mga yan, sana yung pondo para dyan, ibigay nyo na lang sa mahihirap! pusang gala! naiinis ako! parang hindi nag-iisip ang mga bwakanang ina! ano ba? mga hindi ba kayo nag-aral? kailangan pa ba ng maliliit na taong tulad namin ang magpapa-mukha sa inyo na marami na kayong maling ginagawa? takte naman oh!




galit ako!

No comments: